Chapter 5

872 21 1
                                    

Napagkasunduan namin ni Vera na ituloy ang plano namin na pagbebake kaya heto kami at nasa Sentro para mamili ng mga ingredients. Maganda na rin ito para naman madivert sa ibang bagay 'yong atensyon ko. Hindi 'yong puro na lang kay Montegrande and fine! I hate to admit it pero parang mas lalo ko siyang nagugustuhan.

And it's not healthy.

Bago ko palang siya na nagugustuhan pero naging ganito na ang sitwasyon. Dahil sa kanya panay ang tulo ng mga luha ko. Dahil sa kanya napahiya ko ang sarili ko. Dahil sa kanya nadisqualified ako sa competition at dahil sa kanya nadudurog ang puso ko ngayon.

"Hoy! Tulala ka jan."

Bumalik lang ako sa ulirat nang sikuhin ako ni Vera. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang karinderya dito sa Sentro.

"Ang sabi ko, e bakit mo ba kasi inaway si Aliya? Dare lang naman 'yon, diba? Bakit parang masyado kang defensive?"

Nagngitngit naman ang kalooban ko sa inis.

"Kasi masyado siyang papansin." Umirap pa 'ko.

Napukaw ang atensyon ko nang may matanaw ako sa hindi kalayuan.

Si Alezander.

Nakapangbasket ball siya at kunot na kunot ang noo niya dahil sa tindi ng init ngayon.

"Feeling ko may gusto ka talaga kay Alezander." Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig.

"Ako may gusto doon? Eww lang!" pagdedepensa ko.

"Maka'eww ka jan. E, halos matunaw na nga siya sa pagtitig mo. Hay naku. Kyril! Feeling ko talaga inaway mo si Aliya kasi nagseselos ka."

Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi ni Vera.

"Tigilan mo nga ako, Vera!"

"Ewan ko sa'yo, Kyril!" Umirap pa siya sa akin tsaka umiling-iling.

Masyado na ba akong obvious?

"Kumpleto na ba lahat 'yan?" tanong ko kay Vera nang matapos kaming kumain. Isa-isa naman niyang tinignan ang mga dala naming eco bag na siyang pinaglalagyan ng mga pinamili namin.

"Hala! Nakalimutan natin 'yong baking powder."

"Sige, hintayin mo na lang ako dito. Ako na 'yong bibili." Ngumiti pa 'ko kay Vera. Tumango naman siya.

Dali-dali kong tinungo ang papunta sa palengke.

Papasok na 'ko sa loob ng dry market nang makasalubong ko ang taong gusto ko sanang iwasan.

Nagtama ang mga mata namin. Bumilis ang tibok ng puso ko na pilit ko ngayon na pinapakalma.

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng bibig niya bago ako lampasan.

Sinaway ko ang sarili ko nang lingunin ko pa ang nakatalikod na si Alezander.

Bakit kahit nasasaktan mo ko e nagagawa mo pa ring palundagin ang puso ko?

Napailing ako sa naisip ko. Ako at si Montegrande ay hindi pwede. Tama siya na wala akong karapatang magustuhan siya dahil wala akong hekta-hektaryang lupain at milyong milyon na salapi.

I'm just a nobody when it comes to him.

Nang mabili ko ang baking powder na siyang pakay ko ay bumalik na ako kay Vera at mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana dahil naroon si Alezander na mukhang may hinihintay.

Muling nagtama ang mga mata namin pero nag-iwas agad siya.

"Tara na." Tumango ako kay Vera tsaka sumunod sa kanya.

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now