Chapter 29

589 9 0
                                    

Sa loob ng tatlong buwan ay ganoon nga ang ginawa namin ni Alezander. We don't talk that much pero kapag nasisiguro na safe na kami mula sa nagmamatyag sa kanya ay parang ilang taon kaming hindi nagkita dahil sa sobrang sabik ng mga yakap namin sa isa't-isa.

"Nakakamiss si Vera," malungkot na sabi ni Andrea.

Maging ako ay muling nakaramdam ng lungkot.

"Iyon ang mas makakabuti para sa kanya," ani Ate Kim.

Nakasalampak ako sa sofa nang pumasok sina Alezander.

Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"I've got a good news for you, babe!" masayang sabi niya.

Napangiti naman ako.

"What is it?"

"Pinatigil na ni Daddy ang pagmamatyag sa akin." Malawak ang pagkakangiti niya. "Mukhang napaniwala na natin sila dahil sa mga nirerepot nung bodyguard na wala nga tayong relasyon."

"Wow! So kay Aliya na lang pala dapat tayo mag-ingat."

Tumango naman siya.

Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko. Mas magiging madali ang pagpapanggap namin gayong sa school lang naman kami nagkikita ni Aliya.

Pagpasok ko sa loob ng dance studio ay si Aliya at Alezander agad ang nakita ko. They we're laughing. Mukhang sobrang interesante ng pinag-uusapan nila.

Kumirot ang puso ko. Alam kong ginagawa ito ni Zander para sa amin. Pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi masaktan kahit ilang beses ko na silang nakitang magkasama.

Nagtama ang mga mata namin ni Alezander.

I smiled at him then he smiled back.

Agad ko silang tinalikuran at dumerecho sa locker room.

"Ano ba, Zander!" Humagikhik si Aliya.

Ang landi niya!

"Sagutin ko na kaya siya? Sa tingin mo?"

Nagulat ako nang biglang magsalita si Aliya. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya rito sa locker room.

"It's up to you," malamig na sabi ko.

"Kyril, wait!"

Paalis na ako nang hawakan niya ako sa braso.

"Alam ko naging harsh ako sa'yo before, that was because hindi ko alam na ginamit ka lang pala ni Zander para pagselosin ako. Para matriggered ako at sagutin ko na siya."

Ginamit? I'm his girlfriend, bitch!

I wanted to shout those words to her. Nagmumukha akong kaawa-awa sa kanya.

"Hindi naman niya ako ginamit. Actually, it was our plan. Nagpatulong siya sa'kin. Remember noong sinubukan kong maging tulay sainyo?" I faked a smile.

This is bullshit!

"Oh, I get it. Thank you, Kyril. I thought you were an enemy but I guess we're on the same team."

"Of course!" Ew.

"So friends..again?" Nakangiti siya habang nakalahad ang kamay niya.

"Yup! Again." Pinilit kong hindi lumabas ang inis na nararamdaman ko.

Bakit ba may mga taong pinipilit ang sarili nila sa taong hindi naman sila mahal? If you really love someone you should wish for his true happiness and if it's not you then accept it!  This girl is so desperate!

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now