Chapter 30

708 11 1
                                    

Sinabi kong gusto ko munang mapag-isa. Tutol man silang lahat ay wala silang nagawa kung hindi ang lumabas.

I cried harder when I left alone.

Nasa tapat ng kamang inuupuan ko ang salamin. Basang-basa ng mga luha ang mukha ko. I look like a messed. Namamaga ang mga mata dahil sa sobrang pagkakaiyak. But I don't care. It hurts like hell to see your man kissing another girl. Mas masakit dahil ang babaeng iyon ay hindi niya pwedeng layuan. At dahil iyon sa akin. Teka, dahil nga ba sa akin?

Mas lalo akong naiyak nang maalala ang pagtanggi ko sa malaking opportunity na inoffer sa akin ni Madam V.

"It's a big opportunity. Kyril. I don't see any reason for you to reject it," dismayadong sabi ni Madam V.

"Sorry po. Pero hindi ko po talaga tatanggapin."

"Then give at least one valid reason for you to reject my offer. I'm offering you your dream, Kyrilline! Katulad ng ganoon kay Vera. May scholarship ka para ituloy ang pag-aaral sa London and at the same time mas malaking modeling career ang naghihintay sa'yo. You're great and I'm pretty sure you will be a supermodel, Kyril. So what's not good in my offer? Para ireject mo ng hindi pinag-iisipang mabuti?"

I took a sigh.

"I can't afford to leave the man that I'm deeply and madly in love with, ma'am."

Lalo akong napahagulhol. There was nothing to blame than myself. Napakastupida ko para piliin ang walang kasiguraduhan, para piliin ang taong walang kasiguraduhan kung totoong mahal nga ba talaga ako!

Halos mapatalon ako sa malakas na pagkakalabog. Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang marahas na sumira sa pinto para lang mabuksan ito.

Inatake ako ng sobrang galit. Nanghihina man ay tumayo ako para lumapit sa kanya. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ni Andrea sa likod ni Alezander. Agad naman siyang hinila ni Ate Kim palayo roon.

"Lumayas ka! Ayokong makita ang pagmumukha mo!" I screamed out of anger. Nagpupuyos ang kalooban ko dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

"Kyril." His voice cracked. He looked at me with so much pain in his eyes.

Ang tanga ko dahil katulad ng nararamdaman ko kapag nakikita ko ang sakit sa mga mata niya ay lumalambot agad ang puso ko. Pero kailangan ko itong labanan ngayon.

"Lumayas ka!" matigas na sabi ko.

"Kyril, hear me out....please!" he pleaded.

"I don't want to hear your explanation! Malinaw ang napanuod ko-"

"No!" matigas na sabi niya. "The video is a bullshit!"

"Umalis ka na. Leave me alone!" Muli nanaman akong naluha. I can't take it. Tanga ako at inaamin ko 'yon kaya kung sakaling magmakaawa pa sa akin si Alezander muli ay bibigay nanaman ako. No doubt.

"Sabi nang umalis ka na!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Lucas. Itinulak niya si Alezander.

"Huwag kang makialam dito!" Tinulak rin siya Alezander. Bago bumaling sa'kin.

"Kyril, please-"

Napatili ako nang suntukin ng malakas ni Lucas si Alezander.

"Stop it!" Mabilis akong nakapagitna sa kanila kaya napigilan ko ang pagsugod ni Alezander.

"Gago ka!" galit na galit na sigaw ni Lucas.

"Tama na, Lucas!"

Bumaling ako kay Alezander. "Umalis ka na at huwag ka na bumalik pa. We're over-"

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now