Chapter 46

642 14 0
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang makauwi kami galing sa La Fortuna Island. Iyong huling araw namin doon ay todo iwas ako kay Alezander, mabuti na nga lang din ay parang nakikicooperate siya.

"Iba rin talaga 'yong kamandag mo no, girl? 'Di ka makalimutan ni Zander kahit na bigla ka na lang nang-iwan," sabi ni Hillary.

Kasalukuyan kaming nandito sa opisina niya. Nang magpalipat kasi ako dito sa main office ng Queenz ay dito na rin siya namalagi. Dumaan lang ako dito bago ako bumyahe papuntang Montreal para sa kasal ni Vera.

"Ang hirap nga. Dapat minahal niya na lang si Aliya o 'di kaya nagmahal siya ng iba." Napabuntong-hininga pa ako.

"Kung natuturuan lang ang puso, malamang mas pipiliin niya magmahal ng iba. Sino ba namang gugustuhin na mahalin pa rin ang babaeng nang-iwan sa kanya, diba?"

Magpapaalam na ako nang tumunog ang intercom niya.

"Good afternoon, Ms. Queenz. May naghahanap po sainyo. Kaibigan niyo raw po."

"Sino daw?"

"Si Attorney Alezander Montegrande po."

Namilog naman ang mga mata ko.

Nataranta ako.

"Bakit nandito siya sa Maynila tsaka bakit dito sa Queenz?" kinakabahan na tanong ko.

"Hindi ko alam. Magtago ka na lang sa likod ng couch, bilis!" natataranta rin na sabi ni Hillary. Halos madapa naman ako sa pagmamadali na makapunta sa likod ng couch.

Narinig ko pa ang paghinga nang malalim ni Hillary.

"Papasukin mo siya, Macy."

Napapikit naman ako nang tumunog ang door knob.

Anong ginagawa mo dito, Montegrande?

"Good morning, Attorney!" bati ni Hillary.

"Good morning, Hillary."

Oh God! Siya nga talaga.

"Naligaw ka ata?"

"I'm actually looking for someone. Sabi sa akin nandito raw siya sa office mo."

"Someone? Is it a criminal?"

Really, Hillary?

"Definitely. 'Cause she stole my heart."

Gusto ko naman sapukin si Hillary nang impit pa siyang tumili.

"Si Kyril ba o baka naman ako?" Humalakhak pa si Hillary.

Napailing naman ako.

"Si Kyril."

Hindi ko na napigilan na hindi mapangiti. Ano ba, Montegrande!

"Oh, My God! Kinikilig ako. Kaya lang kakaalis niya lang, e. Uuwi raw sa Montreal."

"Really?" Naramdaman ko na parang may umupo sa couch.

Don't tell me?

"Kaninong maleta 'yan? It seems familiar."

Namura ko naman 'yong sarili ko. Iyon pa naman 'yong maletang ginamit ko rin sa La Fortuna.

"Ah eto? Akin 'to. May flight din kasi ako mamaya." Rinig ko na ang medyo pagkataranta sa boses ni Hillary.

"Okay. Pero rito na lang muna ako."

Alezander, utang na loob!

"What? I mean, anong gagawin mo rito?" mas natarantantang tanong ni Hillary.

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now