Chapter 21

705 13 0
                                    

Binuksan ko ang tokador ko. Naghahanap ako ng maisusuot para sa gabing ito nang mahagip ko ang kulay pulang gown na isinuot ko noong Masquerade Ball. Napairap naman ako.

"Wag ka ngang magpakita sa'kin!" Hinampas ko pa 'yong gown.

Bakit ba hindi ko pa ito ibinabalik kay Alexa?

May na ngayon ng sumunod na taon at ilang linggo na lang ay June na. Mag-iisang taon na mula noong pesteng masquerade ball. Nalulungkot at kumikirot ang puso ko sa tuwing naaalala ko 'yong nangyari noong gabing inakala ko ay magical. Pagkatapos noon ay dumistansya na sa akin si Alezander pero hindi naman kagaya noon na hindi niya ako pinapansin. Tinatanguan niya ako sa tuwing nagkakasalubong kami at casual na nakikipag-usap sa akin kapag kasama niya si  Brixel.

At nakuntento na ako sa ganoon. Hindi ako nanumbat. Wala siyang narinig sa akin na kahit ano. Pinakikitunguhan ko siya kung paano niya ako pinakikitunguhan. Magkaibigan kami pero hindi close na magkaibigan. Nagkukumustahan at nagpapanggap na walang namagitang kakaiba sa aming dalawa. Ang galing niya lang at ako naman ay best actress.

"Kyril, tara na!"

Kinatok ako ni Andrea.

"Oo, pababa na 'ko."

Muli kong tinignan ang itsura ko sa salamin. Nagsusumigaw ang kaputian ko sa suot kong kulay pulang spaghetti strap mini dress na fit na fit sa akin kaya kitang kita ang hubog ng katawan ko.

Kinuha ko na ang clutch ko tsaka bumaba.

Nakahalukipkip si Briana sa tapat ng hagdan. "Ang tagal, ah."

"Siyempre nagpaganda ng sobra dahil paniguradong nandoon si Alezander!" Andrea teased me.

"Shut up, Ands! Nakamove on na 'ko!" confident na sabi ko. Nagletter o naman ang bibig ni Andrea kaya inirapan ko siya.

Opening ng club nila Brixel kaya pupunta kami. Naeexcite naman ako sa isiping maraming iba't-bang klaseng inumin, hot boys at ang wild na dance floor. Alexander shattered my heart into pieces at ang mga alak pati ang mga girls ang naging sandalan ko.

Nasa loob na kami ng Odyssey ni Andrea nang magvibrate ang phone ko.

Lucas is calling

"Hello, Luke?" masayang bungad ko.

"Where are you?"

"Papunta sa club nila Bri."

Nag-angat ako nang tingin at nagtama ang mga mata namin ni Andrea mula sa rearview mirror.

"As far as I remember hindi kita pinayagan, Kyril!" Galit na ang tono ng boses ni Lucas.

Nasa out of the country siya para sa negosyo nila. Wala kaming label ni Lucas pero kung umasta kami ay parang may relasyon. We kiss, hold hands, hug and that's all, nothing more. Nag-offer siya maging panakip butas and I accepted it. I badly want to move on so masamang tao na ba 'ko dahil ginagamit ko si Lucas?

"Behave lang ako. I promise," malambing na sabi ko.

Narinig ko naman ang buntong-hininga niya bilang pagsuko.

"Fine! Just take care. I love you!"

"Take care too."

Mapait akong napangiti. He keeps on saying 'I love you' pero hindi ko sinasagot. It's not a question anyway. Hindi sinasagot ang salitang 'yon at kusang lumalabas sa bibig mo kapag may signal na mula sa puso mo.

"Ang swerte mo na kay Lucas," sabi ni Ate Kim. Nginitian ko lang siya.

"Let's not talk about him."

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now