Chapter 36

594 10 0
                                    

Lumipas pa ang isang linggo at ganoon pa rin ang setup namin ni Alezander. Halos araw-araw siyang nasa bahay. Sa tuwing umaalis naman ako ay hinahatid at madalas ay hinihintay niya ako kapag wala siyang ibang gagawin. Kumpara noong nakaraang linggo mas maayos ko naman siyang pinapakitunguhan. Kinakausap ko siya nang hindi ako nagtataray pero mas madalas na hindi ko siya pinapansin.

"May pupuntahan lang ako tapos babalik ako rito para sunduin ka."

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya tsaka pumasok sa loob ng Queenz.

Ang sabi sa akin ni Alexa may good news daw na tiyak ikatutuwa ko. Nang makapasok sa conference room ay lahat sila nakangiti na sa akin.

"Congratulations, hija!" Bumeso sa'kin si Ms. Clemente, isa sa mga boss dito sa Queenz.

Nakakaloko naman akong nginitian ni Hillary.

"Hindi pa man nailalabas ang magazine mo para sa susunod na buwan, iyong shinoot mo para sa isang adult magazine ay sold out na!" Pumalakpak naman ang mga nandito. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Ito 'yong photoshoot ko lang noong nakaraan. Iyong nasa mock bathroom ako at nakahiga sa bathtub.

"At unang pagkakataon lang na may nangyaring ganoon. Hindi pa man narerelease ay sold out na," sabi pa Mrs. Vega, isa rin sa mga boss.

Hanggang sa makalabas kami ng conference room ay shocked pa rin ako. Paanong nangyaring may pumakyaw ng magazine ko? Anong gagawin niya doon? Ibebenta ng mas mahal?

"Hindi ka ba masaya?" tanong ni Hillary.

Umiling naman ako. "Masaya naman kaso nagtataka lang ako kung bakit niya pinakyaw ang magazine ko."

Ayaw din kasi ipasabi noong bumili ang pangalan niya kaya ang weird.

"Ang sabi ni Mommy tinanong daw kung ilan ang ipoproduce na copies at nang sabihin niya ay agad na naglabas ng cheque." Nagtaas-baba pa ang dalawang kilay ni Hillary.

"At ano naman ang gagawin niya doon?" Kunot noong tanong ko.

Ngumisi naman si Hillary. "I don't know."

Naningkit ang mga mata ko kay Hillary. Alam kong alam niya kung sino ang bumili nito. Isa siya sa board member nitong Queenz.

"Hindi ko alam na ganyan pala siya kapossesive," may laman na sabi niya. Humalakhak pa si Hillary.

Sinimangutan ko na lang siya dahil mukhang wala siyang balak sabihin sa akin.

Nababaliw na ba ang pumakyaw ng magazine ko? Gumastos siya ng malaki para pakyawin ang magazine ko? At sa pagkakaalam ko around 2,000 copies ang ipoproduce. Ano naman ang gagawin niya sa 2,000 copies na iyon?

Talagang malaking palaisipan sa akin iyon. Kung admirer or fan ko man siya, diba dapat ipaalam niya kung sino siya? So weird.

Paglabas ko ng elevator ay si Aliya ang bumungad sa akin. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palabas.

"Anong problema mo?" inis na tanong ko.

"Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan. Anong problema mo?" Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. "Hanggang ngayon ba naman desperada ka pa rin? Ikakasal na si Alezander tapos nilalandi mo pa rin? Baka naman pwede mong labanan 'yang kati mo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aliya. Ang lakas ng boses niya kaya naman pinagtitinginan na kami ngayon.

"Hoy! Bakit hindi si Alezander ang tanungin mo kung bakit siya aaligid-aligid sa'kin? Teka nga!Talagang ikakasal na kayo? Ang sabi niya kasi sa akin ay wala siyang balak na magpakasal sa'yo. How sad."

Chasing Love (Chasing #2) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora