Chapter 17

836 16 2
                                    

Umupo muna ako sa bench malapit sa may gymnasium. Nagngingitngit pa rin ang kalooban ko sa galit.

Bakit kahit isang beses hindi mo magawang ipaglaban ako, Alezander? Kahit man lang sa ball na darating kung ayaw mo na makita akong may kasamang iba?

"Talaga bang iyakin ka na ngayon?"

Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa harapan ko si Lucas. Agad kong pinunasan ang mga luha na muli nanamang tumulo dala na rin ng galit na nararamdaman ko kay Alezander.

Nag-iwas ako ng tingin kay Lucas. Umupo siya sa tabi ko.

"You like him, right?"

"Huh?" Kahit na ang totoo ay alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.

"Si Alezander. You like him, Kyril. You like him very much."

Napalingon ako kay Lucas.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," pagmamaang-maangan ko.

"You know you can't fool me, Kyril." Bigla akong hinila ni Lucas palapit sa kanya at niyakap. "I like you, Kyril. Wanna know my biggest regret?" Huminga pa siya nang malalim.

"I regret leaving you. Edi sana ako pa rin ang laman ng puso mo."

Lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Aray!" daing ko nang may biglang humila sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Alezander.

"Anong problema mo?" singhal ko sa kanya.

"Give her to me," mahinahon na sabi ni Lucas.

Idinala naman ako ni Alezander sa likod niya.

"Ayoko. At pwede ba bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Masyado kang pabida dito!"

Ngumiti si Lucas.

"Just give her to me. Kaya ko siyang ipaglaban sa paraang hindi mo kaya."

Lumuwag ang pagkakahawak ni Alezander. Nilagpasan ni Lucas si Alezander tapos ay hinila niya ako palayo kay Alexander.

Talagang hahayaan niya na lang ako? Nasaan ba ang balls mo, Montegrande?

Napatigil ako nang magsalita si Alezander.

"Hindi pa ngayon pero isang araw maipaglalaban kita, Kyril, sa paraang gustong gusto ko."

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Let's go," madiin na sabi ni Lucas tsaka ako hinila ulit.

Mas nasasaktan ako dahil kita kong nasasaktan din si Alezander. Bakit ba kasi hindi mo magawang maipaintindi sa'kin? Kahit iyon na lang sana.

"Bakit siya?" seryosong tanong ni Lucas.

Dinala niya ako sa Montreal flower fields dahil nakakagaan daw sa pakiramdam ang panunuod sa mga nagsasayaw na bulaklak.

Nagkibit balikat ako. "'Yan din ang matagal ko ng tanong sa sarili ko. Bakit siya? bakit kailangan siya pa?" Naramdaman ko ang muling pagkirot ng puso ko.

Hinawakan ni Lucas ang kamay ko. "Kyril."

Tumingin ako sa kanya. Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi ba pwedeng ako na lang ulit?" Kita ko ang sakit sa mga mata ni Lucas.

Ayokong umasa siya. Kung noon walang duda na siya lang ang lalaking nasa puso ko pero iba na ngayon.

"Natuturuan ba ang puso?"

Chasing Love (Chasing #2) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang