Chapter 14

718 13 0
                                    

Dalawang araw ang nakalipas mula nang magkiss kami ni Alezander at kung tatanungin niyo kung nagpapansinan naman ba kami after nung kiss ay yes, hindi katulad ng dati na sa isang iglap ay tila hindi nanaman niya ako kilala. Nagpapansinan kami dahil magkaibigan kami.

We're friends and I'm contented with it, as long as alam ko kung ano ako sa buhay ni Alezander.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Vera dito sa cafeteria nang umugong ang mga bulungan. Lumingon ako kung saan sila nakatingin. Maging ako ay nagulat din sa nakita ko. Kapapasok lang ni Alezander at Aliya, si Aliya ay may dalang bouquet ng bulaklak at masayang nakikipag-usap kay Alezander. Ngayon ko palang siya nakitang ngumiti kay Alezander.

Sasagutin na ba niya si Alezander?

Kumirot ang puso ko sa naisip ko at naramdaman ko ang pag-init ng ilalim ng mata ko. Agad akong tumayo.

"C.r. lang ako, Vera."

Tumango naman si Vera at dali-dali kong tinungo ang palabas sa cafeteria.

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay tinawag ako ni Aliya. Lumingon ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin, medyo itinaas niya pa ang bouquet na dala niya. Pilit lang akong ngumiti tsaka tuluyan nang lumabas.

Alam kong mangyayari ang ganito pero iba talaga 'yong sakit. Inamin man ni Alezander na ako ang gusto niya pero na kay Aliya pa rin siya kaya useless din.

Bago pa man ako makapasok sa loob ng c.r. ay may humila sa akin at iniharap ako sa kanya.

Isinubsob ako ni Alezander sa dibdib niya at doon tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Actions speaks louder than words pero mas gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ba lahat ng ito, sa ngayon hindi ko kailangan ng actions na pinapakita niya, gusto kong maintindihan ang lahat.

"I'm sorry!" mahinang sabi niya.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

"Let's escape again, Kyril."

Hindi ako nagsalita at sa isang iglap ay hinihila na ako ni Alezander papunta sa likod ng St. Celestine kung saan mayroon rin na labasan.

Hindi kami pwedeng makita ng kahit na sino kaya sa likod kami dumaan.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Alexander hanggang sa maging pamilyar ako sa tinatahak naming daan.

Huminto si Alexander malapit sa may kubo. Ito yung lugar na may hot spring at 'yong lugar kung saan kami unang nagkiss ni Alezander.

Malungkot akong napangiti.

Siguro kung may sasakyan lang ako ay lagi akong nagpupunta dito.

Hinawakan ni Alezander ang kamay ko habang papunta kami sa may kubo. Nang makarating kami sa may kubo ay umupo si Alezander sa harap ako. Nag-iwas ako ng tingin. Ang sarap ng simoy ng hangin, parang ayoko na umalis sa lugar na ito.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaintindi ang lahat sa'yo, Kyril." Rinig ko ang lungkot sa boses niya.

"Pinipilit ko naman intindihin kaya lang ang hirap, para akong bumubuo ng puzzle na may isang puzzle piece na nawawala." Napabuntong-hininga ako.

"Hindi mo na kailangan ipaintindi sa'kin, Zander, as long as part ako ng buhay mo ay masayang masaya na 'ko." Pilit pa akong ngumiti sa kanya.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Alezander para yakapin.

"I like you, Kyril, a lot. Wala lang akong tapang para ipaglaban ka."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Maraming tanong sa utak ko pero nakakasigurado ako na may kinalaman ito sa estado namin sa buhay.

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now