Chapter 27

638 13 0
                                    

Kagabi ay kumain lang kami sa restaurant nitong hotel tapos ay bumalik na sa suites namin. Masyadong mahaba ang binyahe namin papunta rito kaya nagpasya kami ni Zander na magpahinga na.

Pasado alas otso na ako nagising kinabukasan.

"Si Alezander nasa baba na. Nainip ata kasi ang tagal mo magising," sabi ni Alexa na ngayon ay nakaready na rin para sa pamamasyal ngayon.

Sa narinig ko ay nagmadali akong tumungo sa banyo para maligo.

I wear a pastel blue floral beach dress and a pair of slippers. Naglagay lang ako ng konting liptint tsaka nagmadaling bumaba.

Malayo pa lang sa dagat ay tanaw na tanaw ko na ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko.

Kasalukuyan siyang nag-susurfing. He's only wearing a black board short. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko.

I never seen him topless. Alam ko naman na maganda at firm ang katawan ni Zander pero iba pa rin talaga kapag nakikita mismo ng naked eye mo.

"Hey!"

At dahil sa pagkalunod ko sa pag-iisip sa katawan ni Zander ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.

With the water dripping from his hair mas lalo lang ako hindi bumalik sa katinuan ko.

Gosh! Ano kayang pakiramdam-

"Babe!" Muli lang akong bumalik sa katinuan dahil sa muling pagtawag niya sa akin.

He was smirking.

"Ano nanaman bang iniisip mo? Kagabi ka pa, ah?"

Nakaramdam naman ako ng hiya. Ibinato ko sa dibdib niya ang towel na dala ko tsaka siya tinalikuran.

"Shut up, Montegrande! Magbihis ka na. Nagugutom na 'ko. I will wait you at the restaurant."

Narinig ko pa ang paghalakhak niya.

Shit! Kyrilline Sembrano!

Pagpasok ko sa restaurant ng hotel ay namataan ko si Alexa kaya agad akong lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino ang kasama niya sa table.

"Lucas?"

Agad namang sumilay ang ngiti sa labi niya at niyakap ako. Tinignan ko si Alexa habang yakap-yakap ako ni Lucas. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Mukhang hindi ka masaya na nandito ako?" Kumunot ang noo ni Lucas nang hindi nawala ang pagkagulat sa mukha ko.

Pilit akong ngumiti. "Nagulat lang ako."

"Nalaman ko kay Alexa na nandito kayo for your shoots. Kagabi ka pa hindi nagrereply sa akin kaya mas minabuti kong dito na dumerecho."

Ngayon lang ulit kami nagkita ni Lucas mula noong bago ang Masquerade Ball dahil nagtagal siya sa Maynila para ayusin ang mga bagay bagay sa negosyo nila. At dahil doon hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Alezander.

Halos mapa-igtad ako nang maramdaman na may brasong pumulupot sa bewang ko.

Nakita ko ang pag-angat ng isang kilay ni Lucas habang nakatingin sa brasong nasa bewang ko.

He clenched his jaw.

"Alejandre." May sigla sa boses ni Alezander pero rinig na rinig mo ang diin.

"Montegrande," mas madiin na sabi ni Lucas.

"Kukunin ko lang sana ang girlfriend ko." Kitang-kita ko ang pagkagulat kay Lucas. Umawang ang bibig niya pero walang lumabas na kahit anong salita.

Chasing Love (Chasing #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon