Chapter 50

889 18 0
                                    

Ang sabi ni Doktora ay sa loob ng 36 hours or two days ay magigising na si Alezander. And now, it's been three days since his operation and yet he was still unconscious.

Ayaw ko man ay wala akong naging choice kung hindi pumasok sa trabaho ngayon. Kung ako sa sarili ko lang naman ay wala na akong pakialam kung mawalan ako ng career pero hindi naman kaya ng kunsensya ko na mawalan din ng trabaho si Alexa. Kahit na laging sinasabi niya sa akin na siya na daw ang bahala.

"Kyril." Agad akong sinalubong ni Alexa sa lobby ng Queenz. "Sabi ko naman sa'yo na okay lang kahit wag ka muna pumasok."

"No, it's okay. Kailangan ko na rin na harapin ang mga responsibilities ko. Ayoko naman na iasa na lang 'yan lahat sa'yo."

Wala na akong sinayang na oras. Apat ang shoots ko sa araw na ito dahil sa ito 'yong mga shoots na naresched dahil sa hindi ko pagpunta kaya talagang gagabihin ako pero ginawa ko ang very best ko para mapabilis ang mga shoots ko.

Alas sais na ako nakabalik ng ospital. Patakbo ko naman na tinungo ang kwarto ni Alezander.

"Kumusta po siya?" tanong ko sa mommy ni Alezander. "Sorry po kung ngayon lang ako nakabalik."

She smiled at me. "It's okay, hija. You have your own life, you have your career. You don't need to stay here 24/7 with no enough rest."

Umiling ako. "This is what I want po."

Lumapit ako kay Alezander at hinawakan ang kamay niya. "Gising ka na, o. Miss na miss na kita."

At katulad ng ginagawa ko nitong huling dalawang araw pagkatapos ng operasyon niya ay magdamag ko siyang binabantay at  umaasa na magigising na siya. Ngunit ngayon ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga mata ko. Dahil na rin siguro sa pagod. Napanaginipan ko pa na gising na si Alezander at kinausap niya ako.

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Rest well, my princess. I love you!"

Ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay unconscious pa rin si Alezander kaya hindi ko na napigilan maging emotional.

"Zander, naman. Wag mo naman akong iwan. Gumising ka na jan. Parang awa mo na."

At ayoko man ay kailangan ko muling iwan pansamantala si Alezander dahil may photoshoot ulit ako para sa araw na ito.

"Ma'am, sir aalis-"

"Stop calling us that. You can call us mommy and daddy. Pero kung hindi ka pa komportable then you can call us tita and tito." Ngumiti ang mommy ni Alezander sa akin.

"Sige po. Aalis po muna ako Tita, Tito," medyo naiilang pa na sabi ko.

Pareho naman silang nakangiting tumango sa akin.

"You take care," sabi pa ng daddy ni Alezander.

Lumapit ako kay Alezander tsaka hinalikan siya sa noo. "I'll be back, babe. I love you.."

Umalis na at ako dumerecho na sa venue ng photoshoot.

"Kumusta si Alezander?" salubong na tanong sa akin ni Alexa.

"Unconscious pa rin siya. Ika-apat na araw na mula nang operahan siya," malungkot na sabi ko.

"Don't lose your faith, okay?"

Tumango naman ako sa kanya. Naging smooth ang daloy ng photoshoot kaya maaga kaming natapos. Umuwi lang ako sandali para maligo tapos ay pumunta na ulit ako sa ospital.

Si Vera at Sage ang nadatnan ko sa loob ng room ni Alezander. Bumeso naman ako sa kanilang dalawa.

"May pagkain jan, Kyril." Tinuro ni Vera ang paper bag na nasa couch.

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now