Chapter 6

827 21 0
                                    

Naisipan ko munang pumunta sa Montreal Cemetery kung saan naroon ang puntod nila Mama at Papa. Pinunasan ko ang konting alikabok na nasa lapida nila. Isang linggo palang ang nakakalipas simula noong huling dalaw ko kaya hindi pa ganoon kakapal ang alikabok.

"Hi, Ma! Hi, Pa! Kumusta na kayo? Nakaalis na nga pala ako kina Auntie at alam kong isa kayo sa gumawa ng way para makaalis ako doon." Tuluyan na akong sumalampak sa damuhan sa harap ng puntod ng mga magulang ko.

"Siya nga pala, Ma, lalaban ako sa inter school pageant, sana. Kaya lang magbaback out na 'ko at alam kong alam niyo na kung bakit kung sakaling pinapanuod niyo talaga ako. Ang tanga ng unica hija niyo, diba? Naalala ko 'yong lagi mong sinasabi sa'kin, Mama. Na kahit anong mangyari, protektahan ko ang puso ko dahil ito ang magiging kahinaan ko. Mama, sorry hindi ko siya naprotektahan." Mapait akong napangiti.

Bakit napakabilis ko naman atang pinabayaan ang puso ko? Bakit napakabilis makuha ni Alezander ang puso ko?

"Ang puso mo isa lang 'yan kaya ibigay mo sa tamang tao. Kahit anong mangyari protektahan mo 'yan dahil ang puso mo ang pinakamagiging kahinaan mo at higit sa lahat kapag pinabayaan mo ang puso mo ay pwede kang kalabanin niyan."

Paano 'yon, Mama? Hindi ko naman binigay. Nagkusa siyang tumibok para kay Montegrande.

Napabuntong hininga pa 'ko bago tumayo at magpaalam kina mama.

"I love you so much, Mama and Papa. Miss na miss ko na rin po kayo." Malungkot pa akong ngumiti sa kanila bago tuluyang umalis.

"Kumusta?" bungad sa akin ni Vera nang makauwi ako.

"Maayos naman. Magstart na 'ko sa susunod na araw."

Lumawak naman ang ngiti ni Vera.

Kung kanina ay walang mapaglagyan ang kasiyahan ko ngayon ay hindi ko na maramdaman 'yong saya kanina. Paakyat na 'ko sa kwarto ko nang tawagin ako ni Vera.

"Siya nga pala, Kyril, lumapit sakin 'yong Alezander kanina hinahanap ka," sabi ni Vera.

"Sinabi mo ba na nasa Queenz ako?"

Tumango si Vera. "Oo. Ang kulit kasi ayaw ako tigilan. Pinuntahan ka ba niya?"

Umiling naman ako. "Hindi."

Talagang hinanap mo a ako, Montegrande, para makiusap alang-alang kay Aliya.

What a lucky girl you are, Aliya Hidalgo.

Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang kumatok sa faculty room.

"Good morning po,"pagbati ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Mrs. Faber. Mabuti na lang ay siya lang ang teacher na narito ngayon.

Ngumiti naman siya nang makitang ako ang pumasok.

"O, Ms. Sembrano! Saktong sakto ang dating mo may papapirmahan ako sa'yo tungkol sa pageant."

"Ah, Mrs. Faber. Nagpunta po ako dito para sabihin na magbaback out na po kasi ako," nakayukong sabi ko.

"Ano? Akala ko ba napagkasunduan na natin ito?"

Nag-angat ako ng tingin kay Mrs. Faber.

"Ano po kasi, may part time job na po ako sa Queenz Agency. Kakatawag lang po sa akin kahapon at hindi ko na po maasikaso 'yong pageant dahil may mga nakaline up na po akong photoshoots. Sorry po," pagdadahilan ko pa.

"Sayang naman, Kyril. Ikaw lang ang naiisip kong perfect para sa pageant." Kitang-kita ko ang panghihinayang sa mukha ni Mrs. Faber.

"Hindi ba talaga maisisingit 'yong pageant?"

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now