Chapter 49

706 15 0
                                    

Nang kinagabihan ay sumunod dito sa Monte Vista sina Alexa at Hillary para dalhin ang mga gamit ko. Nasa labas kami ngayon ng ICU. Nagpaalam muna na uuwi saglit ang mga magulang ni Alezander para kumuha ng mga damit. Sina Vera rin ay umuwi muna nang dumilim na.

"Alexa, pasensya ka na, ah? Ikaw na munang bahalang kumakausap para sa mga shoots ko na hindi ko mapupuntahan at mga meeting," malungkot na sabi ko.

Buo na ang desisyon ko na manatili dito sa Monte Vista kahit na may mga naiwan akong trabaho sa Maynila.

She reached for my hands. "Okay lang. Ano ka ba? Ako na bahala."

"Ako na rin bahala magsabi sa management ng Queenz ang tungkol sa emergency leave mo," sabi naman ni Hillary.

"Thank you!"

Niyakap ko naman sila pareho bago sila umalis. Kailangan rin nilang bumalik sa Maynila ngayon dahil may shoots din daw bukas si Hillary.

Nang makaalis sila ay muli na akong pumasok sa loob ng ICU.

"Sorry medyo natagalan ako sa labas," sabi ko kay Alezander. Pinagmasdan ko pa siya.

"Gising ka na, babe. Miss na kita," malungkot na sabi ko. "Sobrang miss na miss."

Nang magising ako ay maliwanag na. Halos dalawang oras lang ang tulog ko. Nagbakasakali kasi ako na baka magigising na si Zander kaya ayokong ipikit ang mga mata ko. Saktong kapapasok naman ng mga magulang niya.

"Pwede ka munang umuwi, hija. Kami na muna ang magbabantay kay Zander," sabi ng mommy ni Alezander.

"Maliligo lang po ako pero babalik din po agad ako, ma'am."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Thank you so much, hija. This means everything for our son." Nangilid ang mga luha niya.

"You don't need to thank me, ma'am. Your son means everything to me."

Niyakap naman niya ako.

Pagdating sa bahay ay wala akong sinayang na panahon. Naligo agad ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko. Hindi pa ko nakakapagsuklay nang bumaba ako. Pwede ko namang sa kotse na gawin to.

"Aalis ka na? Magpahinga ka kaya muna," nag-aalalang sabi ni Briana.

"Hindi na. Okay lang naman ako."

"Sige ka, baka mas gustuhin ni Alezander na wag na magising dahil sa sobrang pag-aalaga mo sa kanya."

Binato ko ang hawak kong suklay kay Shin.  "You shut up!" galit na sigaw ko.

"Joke lang. Pinapangiti lang kita."

"It's not funny, Shin. Be sensitive!" saway ni Briana kay Shin.

"I don't need your joke!" inis na sabi ko tsaka nagmartsa na palabas ng bahay.

Sa naging joke ni Shin ay kinabahan ako. What if hindi na nga siya magising? No!

Nagtext sa akin ang mommy ni Alezander na inilipat na siya sa isang private room at naghihintay na lang sa permit ng  Doctor niya dito sa ospital. Doktora ang mommy ni Alezander kaya marami siyang mas magagaling na kaibigang Doctor sa Maynila.

Pagpasok ko sa room ni Alezander ay si Aliya ang bumungad sa akin.

She slapped me.

Gulat na gulat naman ako.

"What's your problem?"

Naningkit ang mga mata niya dahil sa galit. "Ikaw!" Namuo ang mga luha sa mga mata niya. "You is my fucking problem! It's your fault. Kasalanan mo kung bakit nakaratay siya jan ngayon! If only you fought for the both of you like what he does."

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now