Chapter 43

540 14 0
                                    

Pagpasok ko sa Queenz ay grabe kung makatingin sa akin ang mga staff. Iyong iba ay mukhang nag-aalala samantalang 'yong iba ay mga mukhang nanunuya. Hindi ko na lang sila pinansin at dumerecho na lang ako sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Si Hillary ang sumalubong sa'kin. She looks so worried.

"Bakit?" kunot noong tanong ko.

"Haven't you heard the news?"

Umiling ako. "Anong news?"

"Sabi sa isang interview ni Vice Mayor Hidalgo engaged na raw si Aliya at ang ex mo. At hinihintay lang na matapos si Alezander sa pag-aaral ng law."

Parang sinaksak ang puso ko pero sinikap kong magmukhang okay kahit na halatang trying hard ako.

"Then good for them." I faked a smile.

Ginawa ko ang lahat para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nakamove on na si Alezander kaya dapat makamove na rin ang mga tao sa paligid namin.

Wala naman ako sa sarili sa buong meeting. Nagkoconcentrate ako sa pagpipigil sa luha ko na bumagsak. Alam kong sobrang nag-aalala sa akin si Hillary. Gusto kong ipakita na ayos lang ako pero hindi ko magawa.

Kung makasal man sila ay magiging tahimik na talaga ang buhay ni Alezander. Mabubuhay siya ngunit ako naman ang tila pinapatay. Pero wala dapat akong pagsisihan. Hindi dapat ako makaramdam ng regrets. I just did the right thing. I sacrificed our relationship for him.

Pagkatapos ng meeting ay niyaya ako ni Hillary na magshopping. Alam kong gusto niya akong icheer up pero hindi ko kaya. I just want to go home and cried myself again to sleep just like almost everyday.

"Kyril, wag ka na munang umuwi. Mag-isa ka. Nag-aalala ako para sa'yo," sabi ni Hillary na mangiyak-ngiyak.

Umiling naman ako. "I'm used to it, Hillary." I took a sigh. "I'm fine. I can take it."

Bumeso ako sa kanya tsaka sumakay sa Honda Civic ko. Nang makapasok palang ako sa driver's seat ay nag-unahan na ang mga luha ko sa pagtulo.

After two years malamang ay kasal na sila. Talagang may sarili na siyang buhay. At ako heto, at nakakapit pa rin sa nakaraan.

Unti-unti ay natatanggap ko na ang kinahinatnan namin ni Alezander. Sinubukan kong ibalik ang dating ako. Ngunit hindi ko mabalik nang tuluyan dahil sa malaking parte na nawawala at iyon ay si Alezander. Ngunit kahit ganoon ay masaya ako dahil nakakalipas na ang ilang araw na hindi ako umiiyak.

Today marks our supposed to be third wedding anniversary. Wala na rin akong naging balita kay Alezander. Sa tingin ko ay sinadya na nila Ate Kim na wag magbalita sa akin ng kahit ano tungkol kay Alezander. Hindi na rin siya nagpopost sa facebook account niya.

"Okay na, Kyril. Mayroon na akong nakitang condo na pwede mong tirahan sa Maynila. Ako na ang bahalang makipagnegosasyon basta iready mo na ang mga gamit mo."

Napangiti ako sa ibinalita ni Alexa. Tinanggap ko na ang offer ng Queenz na itransfer ako sa main branch sa Maynila. Gusto ko magsimula ulit at hindi ko magagawa iyon hangga't nandito ako sa Montreal. This place has so many happy and painful memories with him. At unang hakbang para magsimula ulit ay ang lumayo sa lugar na maraming nagpapaalala kay Alezander.

"Okay. Pero sa ngayon samahan mo muna ako sa salon. I badly want a haircut," sabi ko sabay ngiti.

Nalaglag naman ang panga ni Alexa.

"Talaga?" Hindi siya makapaniwala.

Paano ba naman pagkatapos ng tatlong taon ngayon ko na lang ulit naisipan na magpagupit. Sa tingin ko nga ay medyo napabayaan ko ang sarili ko sa loob ng tatlong taon pero mabuti na lang ay hindi ako binitawan ng Queenz.

Chasing Love (Chasing #2) Where stories live. Discover now