Dalawa

308 5 0
                                    

Inalis ko agad ang kaniyang pagkakayakap.

"Jordie?" Gulat kong tanong.

"Your one and only Tamis." Aniya habang nakangiti.

Kumislot sa tabi ko si Sugar kaya dali dali na kaming umalis sa loob ng bar. Tinulungan ako ni Jordie para maipasok ito sa aking kotse.

I still can't believe na si Jordie ang kasama namin. He's too young back then. Pero ngayon kung titignan siya ay tila kaedad ko lang siya. He seems mature lalo na kung sa pisikal ang pag-uusapan. Lalo na at ang tangkad tangkad na niya ngayon hindi tulad noon.

Ngayon ay katabi ko siya dito sa sasakyan. He took the shotgun seat para makahiga si Sugar sa likod. I can't even open a topic. Parang wala naman kasi kaming pwedeng pag-usapan.

"How are you?" Pagbubukas niya ng usapan.

Since I am driving ay sumagot ako habang sa daan nakatingin. "I'm good." I simply said.

Gusto niyang siya ang magdrive kanina pero alam kong nakainom siya. I love my life and this is my car so ako na lang ang magdadrive.

"Did you..." May pag-aalinlangan sa kaniya. "Uhm. Attend his wedding?"

Buti na lamang at gabi na ngayon at kaunti na lang ang nasa kalsada kung hindi ay makakapatay ako ng wala sa oras. Bigla kasi akong napapreno dahil sa tanong niya.

"Sorry." Bigla niyang sabi.

"That's not a nice topic. You know what happened before. So just please."

That made him shut up. Of all the topic that he will open ay iyon pa talaga. Sabagay there's no something in common naman sa amin kundi iyon lang. My connection to his older half brother. Me being the so called bestfriend slash ex-girlfriend of that guy.

"Use my car." Masungit kong abot sa kaniya ng susi matapos naming ihatid sa kwarto niya si Sugar.

Nang tila ayaw niyang tanggapin ay muli pa akong nagsalita. "Walang dumadaang taxi dito. Ibalik mo nalang bukas or ipahatid mo." Inilagay ko sa kamay niya ang susi at iniwan siya doon.

I went to my room and took a bath. I stayed in the veranda of my room and think about things. He's still the baby Jordie that I used to know. I used to call him baby Jordie because of his sweet personality. At dahil mahilig siyang magpa-baby.

We've been close dahil super close sila ng half brother niya. Though they were just half brothers ni minsan hindi ko naramdaman na ganoon lang ang turingan nila. But earlier I didn't see him in the church and that does mean na hindi siya umattend. I don't know his reasons and I don't see any reason para hindi siya umattend. They were inseparable before. He adores his older brother so much. So what happened Jordie?

Gulat na gulat ang mga tao sa dining ng makarating ako dito. "Good morning people." Bati ko sa kanila. Humalik muna ako kina mom and dad bago tuluyang umupo.

"Kagabi ka pa ba dito Sweet?" Taas kilay na tanong ng ate kong si Spice. "Buti naman at naisipan mong umuwi kahit nung isang araw ka pa dito si Pinas." Pagalit niyang sabi.

"Ask Sugar ate at wala talaga kong planong umuwi, you know that right." Simple kong sagot saka sinimulan ang pagkain.

Nakita kong bumaling ang lahat kay Sugar at tila hindi ito mapakali sa kaniyang pwesto. It seems that she's asking for my help dahil sa ilang ulit niyang pag lingon sa pwesto ko.

Nakaupo ako katabi ni Sugar, nasa kanan ko siya. Katabi niya naman si Mom at nasa kabisera si Dad. Nasa tapat naman sina Ate Spice at si Salt. They were my two older sisters. I stop calling Salt an ate when that thing happen. Like what an old saying said, easy to forgive but hard to forget. I still blame her for being a broken hearted girl.

Nagsalita na ako dahil hindi na alam ni Sugar ang gagawin niya. "Sinundo ko lang naman siya kagabi sa bar." Kalmado kong sinabi.

"Bar?" Sabay sabay nilang tanong.

"Yup." Tumingin muna ako kay Sugar saka ngumiti ng pagkatamis tamis and that means trouble for her. "She's so wasted last night that I have to fetch her. She's with her friends and Jordie."

"Jordie as in your baby Jordie Sweet?" Gulat na tanong ni Salt.

Tinitigan ko muna siya bago magsalita. "Yes Salt my baby Jordie, mine alone." Nagpaalam muna ako sa iba bago tuluyang tumayo. "I'm done eating people." I said saka bumaling kay Sugar. "I need your car. Get mine to Jordie." Then left.

Nakakainis. I immediately took a bath to calm my nerves. How can I forget that? If that's the reason why I became like this. She always gets what she wants and that includes everything that I have.

We were so close before. Lalo na nung mga bata pa kami. We used to share things kahit pa noong pareho na kaming nasa kolehiyo. Kami ni Salt ang pinaka magkamukha kumbaga we're like twins lalo na at isang taon lang naman ang tanda niya sa'kin. She's the troublemaker, siya ang pinaka pasaway na anak. Pero kahit ganoon pa man ay kami ang pinaka close sa lahat.

Masungit kasi si ate Spice, and she's four years older than me. Hirap gamayin ng ugali niya kasi super sungit niya talaga at super seryoso sa buhay. Being the eldest lagi niyang pinapakita na dapat sumunod kami sakaniya. Sabagay siya kasi ang pinaka inaasahan sa company. Kaya pinanindigan niya ang pagiging eldest.

Sugar is the youngest naman. I am three years older than her kaya hindi kami masiyadong close. She's just highschool back then. Siya ang madalas naming ibully ni Salt noon.

And Salt being a year older than me kami lagi ang magkasama. We were like partners in crime lalo na sa mga kalokohang ginagawa niya. Kaso everything change when I was in second year College.

She had a huge crush on this particular guy na sa akin nanligaw. And me being the goody goody sister ay binasted ko si guy. Pero nung sakaniya naman nangyari na nanligaw 'yung crush ko na crush niya din daw ay biglang naging boyfriend niya.

Kahit masakit ay pinalagpas ko iyon kasi alam ko namang after a month ay may bago na naman siyang magiging boyfriend. Knowing her, she can easily replace it like just how can she easily replace her things. But she didn't stop there. From an accomplice and partners in crime she treated me as a competitor, an enemy. And there where it started. Kasi kahit anong laban ko lagi akong talo sa kaniya. She can easily get anything and everything from me.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now