Tatlumpu

79 4 0
                                    

"Hmm. Honestly? 'Di ko rin alam eh. Nung nagpunta siyang Singapore doon nagbago lahat. Then kanina nagpunta kong office niya tapos he's with Sheena. He asked me kung bakit daw ako nandoon." I started. "Tapos until now wala naman siyang ginawa. He's not like that eh. Alam mo 'yun. Okay lang naman if sabihin niyang wala na kami. Hindi 'yung ganoon. Hirap kayang manghula."

"Did you two talk already?" He asked.

"Parang wala naman kasi siyang planong makipag-usap na. After Singapore ni hindi na nga siya nagtext or tumawag. Kaya nga nagpunta na ko kanina sa office niya. Weird lang na sa isang iglap nagbago lahat. Wala man lang dahilan. Hindi ko alam eh. Kung may nagawa ba ko o ano. Hindi ko talaga alam." Tears started to form in my eyes.

"Ang sakit lang kasi. Walang explanations o ano. In just one blink ano gano'n na lang basta? Wala man lang ayoko na break na tayo. Kasi alam mo kahit masakit kung ayaw na niya iintindihin ko. Hindi ko naman ugaling maghabol. Ang sakit kasi mahal ko siya eh. Akala ko mahal din niya ko. Pero siguro nga. After ng challenges and thrills wala na. Baka nagsawa na siya." Sambit ko habang tumutulo ang mga luha ko.

Inabutan niya ako ng panyo. "Hindi bagay sa'yo ang umiyak. We don't know his reasons. Hindi na siya madalas magkwento sa'min gaya noon. Nagulat na lang ako nang imbitahan kami dito ng kapatid mo telling us na gago ang pinsan namin." Kinuha niya ang panyo sa kamay ko at siya mismo ang nagpunas ng mga luha sa mata ko. "I can be a friend. Hindi ko 'to sinasabi dahil lang sa gusto kita. Hindi ako nanamantala kasi nasasaktan ka niya. Parang hindi lang kasi tama na pinapaiyak ka niya kung pwede ka namang patawanin ng iba. Kahit ako man ay naguguluhan. Nakita kasi namin dati kung paano ka niya mahalin. Pero kahit ano pa mang dahilan niya ngayon. Hindi tama na pinapaiyak ka niya at sinasaktan." He said then hugged me.

Nagulat na lang ako nang makitang nasa sahig na si Josh at si Charles na galit na galit sa harap namin.

"Old habits never die?" He said sarcastically. "Until now hilig mo pa ring manguha ng hindi iyo?" Galit nitong sambit kay Josh.

"Bakit sa'yo pa ba?" Sagot ni Josh kahit dumudugo na ang gilid ng labi niya at pilit na tumayo.

Akmang susuntukin muli ito ni Charles nang magsalita ako. "Stop right there."

"Baby." Tanging usal niya.

"Wow naman. Baby? Alam ko kasi wala na tayo." Galit kong usal dito.

Nakita kong nagulat siya kaya nagsalita muli ako. "Baby mo ko ngayon kasi ano? Nakikita mong pwede akong mapunta sa iba? O natatakot ka kasi hindi matanggap ng ego mo na hindi ako nagmumukmok ngayon pagkatapos mo akong pagmukhaing tanga?" Naglalakad siya papalapit sa akin kaya panay ang atras ko.

"Stop! Don't come near me!" Sigaw ko. "Kung ayaw mo na sabihin mo. Hindi 'yung gagawin mo pa kong manghuhula sa pagbabago mo. Madali namang sabihin na hey break na tayo ayoko na. Hindi 'yung pinagmumukha mo pa kong tanga. Masaya ba? Kasi kitang kita ko kanina eh. Kung paano nagbago ang mood mo nang makita ako. And you know what... it hurts... it fucking hurts like hell... na ikaw nakukuha mong tumawa kasama ang iba habang ako hindi ko na alam kasi wala ka man lang paramdam. Ni ha ni ho wala. Kung hindi pa ko nagpunta sa office mo kanina hindi ko malalaman na wala na pala tayo. Hindi ko malalaman na tapos na pala." Bumuhos na naman ang mga luha ko.

"I'm sorry." Patuloy siyang humakbang papalapit sa akin at inabot ang kamay ko. "I'm sorry baby. Please 'wag ganito. Don't break up with me. Hindi ko kaya. Sorry Sweet. Please." Pakiusap niya.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakakapit sa kamay ko. "Please stop saying sorry lalo na't alam mong ikaw rin naman ang nagtulak sa'tin para humantong sa ganito. And I didn't break up with you... you did. Hindi ako Charles kundi ikaw. Ikaw 'yung bigla nalang nagbago. Ikaw 'yung pumutol bigla nito."

"Please baby. I'll explain. Hindi naman kita niloko. Please Sweet listen to me. Please. Si Sheena kasi ano..."

I cut him. "Save your explanation Charles. Kasi alam mo wala na rin namang mangyayari eh. You chose to hurt me. You chose to break me. You chose to end this thing called us. I'm sorry Charles. Kasi nasaktan ako. Hindi ko pa kayang tanggapin ang sorry mo. Hindi ko pa kayang tanggapin ang paliwanag mo. Kasi kung may maganda ka mang dahilan dapat una palang pinaliwanag mo na sa'kin. Hindi 'yung umabot pa tayo sa ganito. Sorry Charles. Paalam."

That's the last time that we saw each other. It's been a month. Nagkaroon ako ng exhibit na wala siya. 'Yung supposedly na anniversary gift ko sakaniya ay isinama ko nalang sa mga painting na binenta ko. Isang buwan mula nang may marinig ako tungkol sa kaniya. Kasi kinabukasan nabalitaan ko na nagpunta silang Singapore ni Sheena. Masakit? Oo sobra. Pero may mga bagay talagang nagsisimula ng maganda at natatapos ng hindi maganda.

"Orphanage tayo ngayon?" Tanong nito matapos kong sumakay ng kotse niya.

"Wala ka bang trabaho? Dami mong time ah." Biro ko dito.

"Naglalaro sa stock market. Work is boring. Invest invest lang 'pag may time." Tawa nito.

Sa isang buwan na wala si Charles si Josh ang nakasama ko. Pero bago pa man kami naging close ay ipinaliwanag ko sakaniya na hanggang friendship lang ang kaya ko. Naintindihan naman niya at tinanggap ito.

Matapos namin sa orphanage ay dumiretso kami dito sa isang resto para kumain. We ate pasta and drink wine.

"Naku. Walang forever." Irap ko sa kawalan nang may nagpo-propose na lalaki sa isang sulok ng resto.

"Bitter ka po?" Pang-aasar ng nasa harap ko.

"No. Just saying the truth. Look at your back. Sweet nila 'diba? Pero 'yung babae may boyfriend 'yang iba." Walang emosiyon kong sambit.

Lumingon ito sa likod niya saglit. "Pa'no mo naman nalaman?"

"She bought a painting in my gallery together with her real boyfriend. Lakas makagago ng love no? Ginagawang tanga ang mga tao." Mapait kong sambit bago inumin ang wine sa harap ko.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now