Walo

140 3 0
                                    

That's bullshit. Nanginginig ako sa galit hanggang sa matapos ang hapunan. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lamang hindi mabato ng kung ano ang nakangising si Greg sa gilid ko. This is insane. Gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa. Dad said earlier na walang aalis ng bahay ngayon gabi. Nakakaewan.

Kung kailan ako tumanda ay saka ako tatanggalan ng kalayaan. Nakakainis. Ayos lang sana kung sabihin niya na magtrabaho ako para sa kumpanya hindi 'yung ipapakasal na lang niya ako ng basta basta. Anong bang akala niya sa akin? Walang pakiramdam. Nakakainis. Bakit hindi sila ate ang ipakasal niya? Bakit ako pa?

I was in the pool area nang tabihan ako ni ate Spice at abutan ng beer. "Want to talk?" Aniya habang nakatingin sa kawalan.

Tinanggap ko ang beer at saka lumagok ng isa. "Bakit ako ate?" Malungkot kong tanong. "Bakit hindi ikaw? O kaya si Salt? Ayoko pang mag-asawa." Himutok ko at pinipigilan ang aking mga luha.

"I'm sorry. That was supposed to be me." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito. "Kaso I am already pregnant. Hindi na rin pwede si Salt kasi kasal na siya." Shock was written all over my face.

"Huh? What do you mean? Eh wala ka namang boyfriend. Tapos si Salt? Huh?" Gulong gulo kong tanong.

"I heard my name." Biglang pagdating ni Salt kasama si Sugar.

Umiwas ako ng tingin kay Salt at bumaling muli kay Ate Spice. "Can you please explain it to me ate."

Nagkatinginan silang tatlo at si Salt na ang nagsalita. "Ate Spice got pregnant by someone who we don't know yet kung sino. At ako naman..." Tumigil siya panandali. "Matagal na pala akong kasal." Aniya na tila isang biro lang ang lahat sa kaniya.

"At si Sugar naman. Siya lang ang pinaka matino ang buhay sa atin kaya 'wag na nating sirain 'yun." Pagpapatuloy pa niya.

"So okay lang na buhay ko ang masira ganoon ba?" Inilibot ko ang tingin sa kanilang tatlo.

"Hindi 'yun ganoon Sweet." Hinawakan ni Ate Spice ang mga kamay ko. "Ikaw lang ang may kayang tutulan sina dad sa gusto nila. Ikaw lang ang may kayang hindi ituloy ang plano niya." Dagdag pa niya.

"Ako?" Turo ko sa sarili ko habang patuloy na naguguluhan. "Paanong ako?"

"In short, you have the bravest heart amongst us. Hindi ba't ikaw lang ang may kakayahang sabihin sakanila kung ano mang gusto mo at gawin lahat para sa gusto mo." Sambit ni Salt.

"So anong gusto niyong sabihin?" Muli ko pang tanong.

"That you can stop the wedding. Kasi ayaw mo." Simpleng sagot ni Sugar.

"Oh c'mon. How can I stop that? Mabait si dad at alam natin pare-pareho na masamang magalit ang mabait." Irap ko sa kawalan.

"Find a boyfriend and get married o kaya magpabuntis ka na." Ani Salt na tila biro lang ang lahat. "O kaya pag-aralan mo nalang mahalin si Greg. Tutal naman ay matagal na kayong magkakilala."

"Imposible ate na makahanap iyan ng boyfriend eh sobrang bitter kaya niyan sa paligid dahil sa ginawa mo sa kaniya." Biglang basag ni Sugar.

Natigilan si Salt sa sinabi nito pero agad ding naka recover. "Eh di hahanapan ka namin ng pwedeng maging boyfriend mo." Suhestiyon niya.

"Tapos ano? Aagawin mo lang ulit? 'Wag nalang." Iritable kong sinabi.

"Kasal na nga ako. 'Yun 'yung aagawin ko ngayon. 'Yung asawa ko na planong magpakasal sa iba." Bulong niya.

"Sino si Greg ba?" Naghahamon kong tanong.

"Hindi eh. Pero kakilala mo." Sagot naman niya.

Papalit palit lang ang tingin sa amin nila ate Spice at Sugar at nakikinig lang.

"Huh? Sino?" Kuryoso kong tanong.

"Joe." Simple niyang sagot.

"Joe? No way. He's a gay. Paano ka kinasal doon? Eh 'diba kaaway mo 'yun since God knows when." Gulantang kong sinabi.

"Ginaya namin sina Kathryn doon sa movie nila ni Daniel. Tapos 'yung kapatid niya na lawyer ni register. Poof. Then 'yun kasal na pala kami. And correction hindi siya bakla. Pero ex niya 'yung ex ko. Weird." Paliwanag niya sabay tawa.

"So anong plano mo ngayon ate Sweet?" Tanong ni Sugar.

"Wala. Hindi ko pa alam." I shrugged. "Baka pwede 'yung aralin kong mainlove kay Greg kahit imposible. O kaya magpakamatay nalang ako."

"Baliw." Malungkot na bulong ni ate Spice.

"Hindi pwede ate. Ang tagal tagal kang hinintay nung friend ko tapos ikakasal ka lang sa iba nang walang kalaban laban? Hindi 'yun pwede." Napatingin kami lahat kay Sugar dahil sa sinabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka tinanong. "What do you mean Sugar? Care to explain?"

"What I mean is malay mo ate mainlove ka sa iba. O kaya baka naman inlove ka sa iba. Pero hindi mo pa alam ngayon kasi feeling mo nilunok mo 'yung ampalaya sa pagiging bitter mo at pinanindigan mo nalang. Kaya kahit may nagpaparamdam o nagparamdam sayo ay binabalewala mo lang." Ngiti niya sa aming lahat.

"Sugar is right." Sabat ni Salt. "Malay mo ayaw mo lang kasi takot ka ulit masaktan. Malay mo matagal na palang nandiyan kaso ayaw mo lang." Dagdag pa niya.

"I am not good in reading between the lines. Huwag niyo ngang guluhin ang utak ko." Naiinis kong sambit.

"Bakit sino ba ang naiisip mo ha Sweet?" Makahulugang tingin sa akin ni ate Spice.

"Wala. Isa lang naman 'yung minahal ko. 'Yung tangang lalaki na nahuli sa bitag nitong si Salt." Umirap muna ako kay Salt saka nagpatuloy. "Kaso kasal na 'yun so that's impossible." Malungkot kong tugon at saka yumuko.

"Sino si Jorge ba? Eh gago 'yun eh." Bulalas ni Salt.

Napatingin kami lahat sakaniya dahil sa kaniyang sinabi. "Oh my. Hindi mo ba alam Sweet?" Tumigil siya panandali at saka gulat na tumingin sa akin. "That guy is really an asshole. Pumunta pa ng Spain tapos walang guts sabihin sayo ang totoo?" Umiiling iling pa siya matapos magsalita habang ako ay naguguluhan sa sinasabi niya.

"What's that Salt?" Taas kilay kong tanong.

"Anong sinabi niya sayo sa Spain?" Balik tanong niya.

"He said that nothing happened. That you planned it all kasi galit ka sa'kin. Tapos 'yun he asked me if pwede ulit kami maging mag-bestfriends. He went there with Jordie pa nga." Kwento ko.

"Tapos pumayag ka naman?" Tila naiinis na sinabi ni Salt.

"Uhm... oo? Anong magagawa ko eh may girlfriend na siya that time 'yung ballerina. Atleast nasalba namin 'yung friendship namin." Paliwanag ko pa.

"That's insane. Remind me to kill him when I see him." Aniya bago kami iwan na naguguluhan.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now