Pito

144 3 0
                                    

Weeks passed na paulit ulit lang ang nangyayari sa buhay ko. I paint then sell it. Ilang linggo na puro delivered foods ang kinakain ko. So unhealthy of me. So now I decided to go to a grocery store. Sinadya ko ring hindi lumabas kasi baka makita o makasalubong ko bigla ang kapitbahay ko. Tapos kung anu ano na naman ang sasabihin niya. Tch.

Laking pasalamat ko na never ko siyang na encounter ngayong araw na 'to. Naging payapa ang pamimili at pag uwi ko. Magluluto na sana ako nang magtext sa akin si Mom saying na umuwi daw ako ngayon. Ayoko man pero I don't have any choice. Hindi niya naman ako pinalaking bastos para hindi sumunod.

Naligo lang ako at nag ayos bago tuluyang umalis ng condo. Wala pang isang oras ay nakarating na agad ako sa bahay. Nakakapagtaka na may mangilan ngilang nakaparadang sasakyan na hindi pamilyar. I am sure that we don't own those cars. Anong meron?

Nag park ako sa usual spot ko at saka dumaan sa likod. Wala lang trip ko lang. Patawa tawa pa ko habang naglalakad. Sa kakatawa ko may nakabunggo tuloy ako.

"Oh ghad I am sorry." Taranta kong sambit kasi natapunan siya ng juice na hawak hawak niya.

Hindi ko alam kung paano ko pupunasan ang damit niya kaya ginamit ko ang aking sariling mga kamay na pampunas at tarantang taranta sa ginagawa ko. Napatigil lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Hey. Sweet stop."

Naguguluhan man ay bigla akong napatingin sa mukha niya. "Greg? Oh my ghad Greg!" I exclaimed then hug him.

"You missed me huh?" Aniya habang natatawa.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko at hinampas siya sa kaniyang braso. "What are you doing here?" Nagtataka kong tanong.

"I'll just change first." Aniya sabay turo sa damit niyang basa.

"Oh yeah. I am sorry again."

Nagpunta kami kung saan nakapark ang sasakyan niya para samahan siyang makapagpalit. Kahit kailan talaga. Ang walang modong lalaking ay nagbuhad sa harap ko at doon nagbihis.

Dumiretso na kami sa loob matapos niyang magbihis. "So what are you doing here nga?" Pangungulit ko sa kaniya.

Imbes na sumagot ay tumawa lang siya. Greg is my friend in Spain. He's also a Filipino. They own an engineering firm here in the Philippines. Nasa Spain siya before to study. Nag masteral din siya kagaya ko. That's where we met. He's older than me, siguro ay kaedad lang niya si Ate Spice. Not sure pero hindi nalalayo ang mga edad nila for sure.

"Hi mom. Hi dad." Magalang kong bati sabay halik sa pisngi ng aking mga magulang. Naupo na ako sa usual spot ko dito sa dining area.

"Anong meron?" Bulong ko sa katabi kong si Sugar.

She just shrugged.

My eyes roam around to see kung sinu sino ba ang mga tao na nandito. Usual spot kami nila mom at nila ate. Sa tabi ko ay doon nakaupo si Greg. Sa tabi niya ay ang kaniyang mom and dad. Nginitian ko sila saka muling tinignan kung sinu sino pa ang mga tao dito. I already met them in Spain nang magbakasyon ang mga ito kaya kilala ko na sila. May nakaupo rin sa tabi ni Salt na dalawang pares ng mag-asawa. Kaya bale trese kami ngayon sa hapag kainan.

The dinner went well until iserve ang dessert. "We need to plan the engagement to push the wedding next year." Biglang sambit ni dad kaya kaming lahat ay napatingin sa kaniya.

Engagement? Kasal? Nino? Naguguluhan man ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. I really love this blueberry cheesecake. Parang ganitong ganito 'yung laging bine'bake ni Greg sa Spain dati eh.

"We should ask the kids first." Sagot naman ng dad ni Greg.

Nilingon ko si Greg at tinawanan, mukhang siya pala ang ikakasal. Siguro ipapakasal na siya ng parents niya kesa makabuntis pa ito ng kung sino. Greg is a womanizer. He's drop dead gorgeous. And he fucking knows it kaya ginagamit niya 'yun to get every girl that he wants. Except me of course. I am so doomed that time with my "bestfriend slash ex boyfriend" kaya kahit sinong lumapit sa akin noon ay wala akong pakialam.

Sumulyap muna siya kay ate Spice bago siya nagsalita. "I think we should let her know first. It seems that she doesn't have any idea that we are talking about her." Magalang na sabi ni Greg habang nakangisi at matalim ang tingin kay ate Spice. So it's ate Spice?

Hindi ko alam pero parang biglang all eyes were on me. Hindi ko na tuloy makain pa ang natitirang cake sa harap ko. Bigla nalang akong napainom ng tubig at tila kinabahan.

"So... Sweet." Greg said then smiled at me. "Do you have something to say?" Pang iinis pa niya.

Tumingin muna ako kay mom at kay dad na tila humihingi ng tulong. "Bakit ako ba ang involve?" I joked at saka muling uminom ng tubig.

Walang reaction si dad nang bumaling kay mom. "I taught you already told her?"

Tumingin sa akin si mom na parang humihingi ng tawad. She mouthed sorry bago bumaling kay dad. "Kakauwi lang ng anak natin. Kaya hindi kami gaanong nakapag usap." Pagpapaliwanag ni mom.

Tumingin sa akin si dad with his emotionless face. "Now Sweet you know it already. Since magkakilala naman kayo ni Greg." Dad paused for a while at ngumiti kay Greg. "My partners, Greg's parents decided to get you married."

"What?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Bakit ako? Bakit hindi si ate Spice o kaya si Salt." Sabay lingon sa dalawa kong kapatid. "They were older than me." Himutok ko.

"Stable na ang mga kapatid mo. Spice and Salt were already managing the company. Nandoon na rin si Sugar." Dad said.

"Dahil ba ako lang ang wala sa kumpanya? What do you mean stable? Mukha ba akong hindi stable sa inyo dad?" Naiinis kong sambit. "Mom. Bakit ganito? Fixed marriage?" Baling ko kay mom.

"Greg is a good man hija. Alam kong hindi ka niya papabayaan." Nakangiting sinabi ni dad sa nakangiting si Greg.

"A good man?" Tila natatawa kong sinabi at saka tinignan ng matalim si Greg. "Good man ka ba Greg? Psh." Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko.

"Hindi papabayaan? Bakit dad mukha bang napapabayaan ko ang sarili ko? I am earning also." I paused. "Hindi porket wala ako sa company niyo na kung kumita ay milyon milyon. Ibig sabihin mahirap ako. I don't need a man to be stable. I can manage myself." Nakayuko kong sambit.

"Our decision is final. Hinayaan ka naming gawin lahat ng gusto mo noon. Hinayaan ka naming kumuha ng kurso na walang koneksiyon sa negosyo natin. Kaya ngayon hayaan mo kaming magdesisyon para sayo. Plan for the engagement then wedding." Dad said with finality.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now