Labing tatlo

106 2 0
                                    

Laking gulat ko nang maraming tao ang sumalubong sa amin nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay. Mga pinsan, Tito at Tita ni Charles na sama sama sa may sala.

"Insan." Yakap sa kaniya nang kaniyang mga pinsang lalaki at nang ako na ang yayakapin ng mga ito ay bigla siyang tinabig ni Charles. "Hands off." Masungit na sambit nito.

Nagtawanan muna sila bago muling nagpakilala. I am not good in names pero natatandaan ko naman sila kahit papano. There is Josh na sa lahat ng pinsan ni Charles ay ito ang pinaka kamukha niya. Moreno, matangkad at gwapo. The only difference is the eyes. Charles eyes look so dangerous. Masiyadong seryoso kung titigan pero si Josh ay kabilagtaran, his eyes look so innocent, sobrang amo. Siya 'yung muntikan nang yumakap sa akin kanina.

And his other cousins were Marga, Marcus, Chesca, Chin, Danna, Danny, Eli, Rob, Kat and Ash. Tapos ang mga Tito at tita naman niya ay sina Tita Marg na asawa ni Tito Mark anak nila sina Marga at Marcus, then Tita Chie na mama naman nila Chesca at Chin, Danna, Danny and Eli naman ay mga anak nila Tito Joe at Tita Jackie. Rob, Kat and Ash parents were not here, nasa abroad kaya sila ang pinaka alaga ni Lola Lupe sa lahat.

Naghanda lang sila Lola Lupe ng meryenda bago kami umupo sa may likod bahay. Mayroong isang tree house sa likod, mga puno, mga tanim na gulay at palayan. Naupo kami sa ilalim ng mga puno at sa gitna namin ay isang mahabang lamesa na may ginataang bilo bilo, sumang munggo at tupig.

Katabi ko si Charles sa kanan at sa kaliwa naman ay ang pinsan niyang si Kat. Nagsimula silang magkwentuhan nang pumasok na ang mga matanda at ako rito ay taga pakinig lang. Nakikisama rin ako minsan sa usapan 'pag ako ay tinatanong. Kanina pa hiyang hiya si Charles sa gilid ko dahil siya ang madalas na gawing topic .

"He had a huge crush before in highschool."Kwento ni Josh. "Tapos nung College na kami crush niya pa rin kaso 'yung kapatid 'yung niligawan niya kasi ito daw 'yung may gusto sa kaniya." The story seems familiar. "Then nalaman nung niligawan niya 'yung totoo, nagback fire lahat ng kalokohan niya. Tapos 'yun." Nakita ko ang pagsenyas ni Charles kay Josh na tumigil na. Kaso si Josh ay nasa tabi ni Marga mga dalawang tao mula sa tabi ni Kat.

"Anong nangyari?" Kuryosong tanong ni Danna.

"He loved from afar. Worst pa nung magka boyfriend. Ilang gabi kaming laman ng bar kakainom." Singit ni Chin habang natatawa.

"Ito pa malala. Nagpasama 'yan sakin dati para mag bakasiyon sa Spain." Biglang sambit ni Danny.

Napatingin ako bigla kay Charles na tila ginigisa sa pwesto niya. "What did you do there?" Kuryosong tanong ni Marga.

"May chineck lang kung nagkabalikan ba 'yung babaeng pinapangarap niya tapos 'yung ex nito." Natatawang patuloy ni Danny.

"Then? Umuwi na kayo?" Usisa pa ni Ash.

"Umuwi lang kami nung nasigurado na namin na wala ng kalaban." Halakhak pa nito. "Kaya Sweet, ingat ka diyan sa pinsan namin. Baliw 'yan kung magmahal." Dagdag pa nito habang tumatawa. Nag apir ito at si Josh dahil sa kaniyang sinabi.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Bigla namang nagsalita si Eli na nakaupo sa tapat namin. "How about the theatre club incident? Naalala niyo pa?" Nakangisi nitong tanong.

"Sino bang makakalimot nun eh may picture pa nga ako sa laptop ko." Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Rob. "'Yung nakadress si Kuya Charles?" Natatawang tanong ni Chesca.

Tumango lamang ang lahat. "Tapos malala pa, wala na dun 'yung babae nung sumali siya. Eh wala na siyang choice kundi panindigan 'yung pagsali niya." Dagdag pa ni Marcus.

"Are we talking about the same girl?" Kuryosong tanong ni Kat.

"Oo naman. Isang babae lang naman ang tinutukoy namin." Sagot ni Josh.

"What's the name of the girl?" Bigla kong tanong.

"Uh oh." Baling nila kay Charles. "Ano nga ulit name nun insan, baby ni Charles lang kasi pakilala mo sakaniya samin eh." Tanong ni Rob dito kaya kaming lahat ay nakatingin kay Charles at nag aantay ng sagot.

"Sweet Fuentes." Aniya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"You mean her?" Gulat na tanong nila.

Tumango lang si Charles bilang tugon. Awkward. A moment of silence. "Tara swimming tayo!" Basag ni Josh sa sandaling katahimikan na namayani kanina.

"Ay hala wala akong dalang damit." Sambit ko.

"Don't worry ate papahiramin ka namin. Tara." Hatak sa akin ni Marga.

Nagpunta kami sa kabilang bahay kung saan nakatira sila Marga at Marcus. Pero dito rin ngayon nagstay 'yung iba since masiyadong marami kung sa kabilang bahay lahat.

"'Yan ate. Tignan natin kung hindi maglaway si kuya sayo mamaya." Pilyang sambit ni Marga.

"Hala ka. Lagot ka Marga. Bakit two piece?" Nag aalalang tanong ni Ash.

"Okay lang 'yan diba nga ate?" Kindat sa akin nito.

"Oo naman. Don't worry Ash. Hindi magagalit 'yung kuya mo. Takot nalang nun sa'kin." Pagbibiro ko pa.

"Alam mo ate we like you na." Biglang yakap sa akin ni Danny.

"Hala seryoso ba? Paano kung maldita pala ko or hindi mabait ganun?" Tingin ko sa mga babaeng kasama ko rito ngayon sa kwarto ni Marga.

"We trust kuya Charles. Hindi 'yung magkakagusto kung maganda lang basta. At hindi ka naman niya dadalhin dito kung alam niyang hindi ka namin magugustuhan." Paliwanag pa nito.

"Hala thanks." I am so touched lalo pa ng yakapin nila ko lahat. Naputol lang ito nang katukin na kami ng boys upang umalis.

Nagpaalam lang kami kina Lola Lupe at sa mga Tito at Tita ni Charles bago umalis. Dito ako sumama sa mga girl kasi bigla nila akong hinatak at inilayo kay Charles. Cheska will be the one to drive, sa tabi niya ay si Ash. Magkakatabi kami nila Danna, Marga, at Kat dito sa likod. Panay lang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa isang resort. Wala naman daw beach dito na malapit kaya dito nalang daw kami magsi-swimming.

Crystal Wave resort. 'Yan ang pangalan nito. May mga mahabang slide at grammable ang place.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now