Tatlumpu't lima

84 4 0
                                    

I have to admit it. I am happy being with Josh. Pero 'yung feeling na masaya pero nakakatakot. That's what I am always feeling when I am with him. Feeling ko masiyado na akong nagiging dependent sakaniya kaya grabe na lang ang takot sa puso ko. Ramdam ko na mahalaga siya sa akin at... at... okay lang kung maging girlfriend na niya ako. Pero simula nung dumating ang pinsan niya na ex ko ay never na niya uling tinanong kung gusto ko na bang maging girlfriend niya. We have this mutual feeling pero hindi naman talaga ata mauuwi sa relationship.

"Panget may gusto ka bang tanungin sa'kin?" I asked him when we're having a dinner one time.

"Ah. Wala naman. Bakit?" Kunot-noo nitong sambit.

"Wala wala. Ang pangit mo lang ngayon." Inis kong sinabi.

"Madam may itatanong ako sa'yo." Excited niyang sinabi habang nanunuod kami ng movie dito sa condo niya.

"Ano 'yun?" Pigil ngiti kong tanong.

"Anong mas bagay? Gray o black? Hindi kasi ako makapili ng necktie para sa suit ko eh." Problemado niyang sambit.

Sa inis ko ay iniwan ko siya doon at uminom bigla ng tubig sa kusina.

Hindi ko alam pero naiinis ako tuwing naiisip ko na mukhang ayaw na akong maging girlfriend ni Josh. Kung kailan ready na ko ulit mag-commit saka naman tila ayaw na niya. Kainis. Bahala siya. Asar.

Ilang buwan nalang at dalawang taon na kaming ganito. 'Yung laging magkasama pero walang label. Nakakaasar pala. Lalo na kung paano niya ako ipinakilala doon sa magandang babae kanina na ex niya pala. Nakakagigil. Gusto kong ibato lahat ng makita ko kanina. Nakakainis.

"Josh." Tawag ng babae na naka maiksing palda at hapit na hapit na damit habang naglalakad kami.

Hindi ata namukhaan ni Josh dahil tila nag-iisip pa siya nang makita ang babae. "It's me. Gina." Ngiti nito.

"Ah G ikaw pala 'yan." Balik ngiti ng mokong.

"How are you?" Pabebeng tanong nito.

"Ayos naman. Ikaw?" Balik tanong naman ng katabi ko.

Tumikhim ako dahil tila plano pa nilang magkwentuhan tungkol sa buhay-buhay nila at gusto pa akong gawing audience dito. "By the way this is Sweet." Sabi nito sa babae. "Sweet this is Gina." Baling nito sa akin.

"Oh hi. Girlfriend mo?" Plastik na ngiti nito.

"Ah hindi. We're just friends." Nag-aalinlangang ngiti ni Josh.

"So. We can be together again?" Ngiti pa ulit ng babae. "Ah by the way. I am Gina Corpuz."

Naglahad ng kamay ang babae pero hindi ko tinanggap. Dali dali akong naglakad at saka sila iniwan doon. Sumakay ako ng taxi at dumiretso dito sa condo since mas malapit ito kesa sa gallery ko. Inis na inis ako. Pag-inom ng tubig ang una kong ginawa. Nagpupuyos ang aking damdamin. Hindi ko maiintindihan kung bakit. We're just friends huh? Asar.

"Sweet! Open the door." Sigaw ni Josh sa pinto.

Ewan ko lang ha. Kung papansin talaga siya kasi may susi naman siya. Bahala siya.

Umupo lang ako sa sofa at nagsimulang manood sa TV. Mga ilang minuto pa bago tumahimik at nakarinig ako ng yabag papunta sa'kin.

"Wala ka talagang planong buksan 'yung pinto kanina?" Inis nitong tanong habang lumalapit sa'kin.

"You have your key idiot." Sagot ko pero ang atensiyon ko ay nasa TV.

"Why did you leave me there?" Sa tono ng boses niya ay alam kong galit siya.

"Bakit hindi? You're enjoying your ex's attention. Para naman magkabalikan na kayo." Sarkastiko kong sambit.

"You should have told me na gusto mo na palang umuwi. Been calling you simula kanina. Tapos makikita kita dito na nanonood lang?" Palatak nito.

"I told you already. You're having your time with your ex. Ayoko namang makaabala pa." Irap ko sa kawalan.

"Nakikipagkilala sa'yo kanina ng maayos si Gina tapos lalayasan mo bigla. That's being rude you know." Sermon pa niya.

"If you're just going to scold me. Umalis ka nalang. And don't mention your ex's name here in my place." Inis kong sabi dito. "Besides we're just friends right? Umalis ka nalang kaya dito." Dagdag ko pa.

"Ikaw pa 'yung galit ngayon? Ayos naman talaga." Pagalit siyang umupo sa tabi ko.

"Ah hindi ako galit. Ang saya saya ko nga eh." Humarap ako dito. "Sa sobrang saya ko nakalimutan kong magkaibigan lang pala tayo.... Almost two years na. Pero we're just friends lang pala. Great." Palakpak ko sa mukha nito.

"Ano bang kinakagalit mo?" Kunot noo nitong tanong sa'kin.

"Hindi nga ako galit. I am very pleased and very happy. Ganito ka din ba sa lahat ng friends mo?" Tila naghahamon kong tanong.

"Huh? What do you mean?" Naguguluhan niyang balik tanong.

"Sabi mo doon kanina sa ex mo. We're just friends. Ganito ka ba makipaglandian ha? Kasi alam mo hindi ka nakakatuwa." Binalik ko ang atensiyon ko sa TV.

"I don't get you." Hinarap niya ako sakaniya.

"Ako din. I don't get you. Dati naman... wala nevermind." Putol ko sa sinasabi ko.

"Galit ka ba kasi friend lang pakilala ko sa'yo?" Nangingiti nitong tanong. "You told me before na we're just friends 'diba? You even told that to my family." Hinahagilap niya ang mga mata kong hindi makatingin ng diretso sakaniya. "Look at me Sweet." Hinawakan niya ang mukha ko. "Why are you mad all of a sudden?"

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. "I don't know. Seems like that you've change eh. Parang hindi na ikaw 'yung Josh na nakilala at nakasama ko dati."

"Payakap nga." A hugging monster. Psh. "You want me to introduce you as my girlfriend?" Nilalaro nito ang buhok ko.

"Ewan ko sa'yo. Baka iba gusto mong ipakilala bilang girlfriend. Kaya sabi mo doon kanina sa ex mo na mukang palaka na we're just friends." Pagtatampo ko.

"So it's okay with you to be my girlfriend?" Bigla niya akong hinarap sakaniya dahil sa gulat.

"Are you asking me to be your girlfriend already?" Balik tanong ko dito.

"Would you say yes?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"What if I say yes?" Mataray kong tanong.

"Seryoso ba? Wait." Bigla siyang tumayo.

"Hey. Ano! Ayaw mo?" Tumayo rin ako bigla. "Saan ka pupunta ha!" Sigaw ko dito.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Look at me." Utos nito kaya tumingin ako sakaniya. "Sweet Fuentes. Will you be my girlfriend?" Aniya habang hawak hawak ang isang singsing.

Itinayo ko siya. "I'd love to." Bigla niyang sinuot sa daliri ko ang singsing at masaya akong yinakap.

"Yes! Finally! I love you Madam." Halik nito sa ulo ko.

"I love you too panget." Yinakap ko siya ng mahigpit.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now