Dalawampu't isa

76 2 0
                                    

I went straight to the mall to buy a new phone. I needed a new number. After buying a phone I roam around and bought new things like new paint materials and new clothes. Nasa isang boutique ako nang makita ko si Marga na may kasamang babae at lalaki. Aalis na sana ako kaso nakita niya ako at biglang tinawag.

"Ate Sweet." Sigaw niya papunta sa pwesto ko.

"Oh hi Marga." Ngiti ko dito.

"Are you alone?" Tanong niya na tila may hinahanap sa likod ko.

"I'm with my sister earlier. I just bought new things." Pinakita ko ang mga bitbit ko. "Ikaw? May kasama ka ba?"

"Ah oo. Wait." Pinuntahan niya ang mga kasama niya kanina at dinala ito papunta sa pwesto ko. "Si kuya Alex at ate Sheena nga pala." Pakilala niya sa mga ito.

"We know her. She's Sweet Fuentes. Right babe." Biglang sambit ni Sheena at tumango lang ang katabi niyang si Alex.

"Oh yeah we're schoolmates before." Pilit ngiti kong sinabi.

"Great! Do you want to join us? Please ate. Ayoko ng maging third wheel ng dalawang 'to." Marga said then held my arm.

So I don't have any choice but to join them. Nagpunta kami sa isang steak house at dito napagpasyahang kumain.

"What's your order ate?" Ngiting tanong ni Marga.

"T-bone steak and a mashed potato. I want it well done plus a wine." Nang tumunghay ako ay nakatingin sila sa aking tatlo at nakangiti pare-pareho.

"What's the matter? May problema ba?" Mahinahon kong tanong kahit naiilang sa mga tingin nila.

"Pareho kayo ng inoorder lagi ni kuya Charles.... he always wanted to have a well done steak." Saad ni Marga.

"Plus a wine. Ganyan madalas ang linya niya." Dagdag naman ni Alex na natatawa.

"That's a coincidence." Kibit balikat ko sakanila.

"Where's kuya Charles nga pala?" Nagulat ako bigla sa tanong ni Marga.

"He's busy. Alam mo naman 'yun." Matipid kong sagot at tipid na ngumiti.

When you don't know what to do just smile. It will save you from anything for sure.

Sumimangot saglit si Marga. "I have an idea. Why don't we invite him here. Malapit lang office niya dito. I'll call him lang. Wait." As much as I want to stop her ay wala na akong nagawa.

Lumabas siya sandali at nakangiti nang bumalik. "He's on his way na ate. I didn't tell him that you're with us." Aniya at saka umupo.

Dinagdagan ni Marga ang order para sa paparating niyang pinsan. Saktong sakto na pagkadating ng pagkain ay dumating na rin siya.

Nagulat siya nang makita ako. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Dahil walang alam si Marga sa nangyari ay sa dito sa tabi ko niya ito pinaupo. It was the most awkward lunch in my entire existence. Being with the guy who made you cry last night...and his ex with its new love of her life. What a great time of the day.

"Kamusta naman Bro?" Basag katahimikang tanong ni Alex dito.

"Okay naman." Matipid niyang sagot.

"Don't tell me you still haven't move on." Biro pa nito. Nakita ko na biglang pinanlakihan ng mata ni Marga si Alex dahil sa sinabi nito.

"Bakit naman hindi? There's no reason not to. Lalo na at wala namang kailangang ipag move on. Right Shi?" Ngisi niya kay Alex sabay baling kay Sheena.

Alangan na ngumiti si Sheena dito. "Oo naman. It's nothing serious naman. We just pretended to be together for my parents. You already know that babe 'diba." Malambing na sambit nito sa katabi niyang si Alex.

"Ah sanay ka pala sa pretend relationship." Irap ko sa kawalan.

Natahimik ang lahat sa sinabi ko. "I'm sorry guys but I have to go. May pupuntahan pa ko." Nagtatanong ang mga mata ni Marga bago ko sila iwan doon.

Nagpalipas ako ng oras sa daan at nagmaneho kung saan saan. I don't know where to go. It's like being in a middle of something that you can't explain and you don't know what to do next. Nang maggagabi na ay nagpasya na akong umuwi. Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang makasalubong ko si Salt sa hagdan. "Dinner's ready. Let's go." Hatak hatak niya ako hanggang sa makarating kami sa dining.

I still have the things that I bought in my hands and just put it in the chair beside me.

"By the way. We have a guest today." Dad said after we settled in our seats.

"Speaking of. Come hijo. Sit beside Sweet." Aniya sa taong dumating. Pinakuha ni mom 'yung mga gamit ko kina manang para makaupo ito sa tabi ko.

I was quiet the whole time. Panay ang tingin sa akin nila Salt at ate Spice. I'm not in the mood to talk. All I want now is have this dinner done. It's kinda suffocating being with him in the same place. Breathing the same air and eating the same food. It's kinda... yeah I really don't know.

"Why are you here?" Tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang inis.

Napatingin sila bigla sa'kin. "Is there any problem Sweet?" Biglang saad ni dad.

"Oh yeah dad." Umirap ako. "Can I just speak just for now? Can I?... of course it's a no. Ask this guy beside me. He's my problem." Nanginginig man ang mga kamay dahil sa galit na nararamdaman ay nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Ay 'wag na pala. Maybe he will just tell another lie.... this guy beside me? He's not my real boyfriend. Nag pretend lang kami to save my ass from that fixed marriage with Greg."

"We know that already. He already told us that." Dad cut me.

Gulat man ay mas nararamdaman ko lang lalo ang galit sa puso ko. "Oh? Alam niyo na pala. So ipapakasal niyo na ulit ako kay Greg? I don't care anymore dad. Let my life be miserable because I decided to take the path that I want... or disown me...it's better kesa naman kayo ang magdecide para sa buhay ko."

"Stop it Sweet you're being disrespectful." Dad exclaimed.

Tumungo na lamang ako dahil panay na ang patak ng mga luha ko.

"Charles asked us, me and your mom if he can court you. He explained to us everything. Kinausap niya kami at humarap siya dito bilang tao. 'Wag kang maging bastos Sweet. 'Wag mong pairalin iyang galit sa puso mo. Makipag-usap ka ng maayos."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon