Tatlumpu't dalawa

82 3 0
                                    

Pinanindigan ko ang hindi pagpansin kay Josh hanggang sa makarating kami kila Lola Lupe. Nagtataka tuloy kaming sinalubong ng mga pinsan niyang nandoon na.

"Oh LQ? Kahit walang kayo?" Salubong ni Rob sa'min.

"Sumakay ka lang. Pagtripan natin." Natatawa kong bulong dito.

"Hoy ano 'yang pinagbubulungan niyo ha." Sigaw ni Josh sa likod namin.

"Wala naman pinsan. Hindi ko inakala na gano'n ka pala." Naiiling na umalis si Rob.

Sumunod ako dito at iniwan na nakatunganga si Josh sa labas. Nagmano ako at humalik kay Lola Lupe. Nagmano rin ako sa mga tito at tita nila.

"Oh my ghad Ate. I kinda miss you." Maarteng yakap sa akin ni Marga.

"Parang hindi magkasama last week." Sambit ng lumalakad na si Josh sa gilid namin.

"Whatever kuya." Inirapan niya ito. "Sa room ko ulit ikaw mag-sleep right?" Ngiti nito sa akin.

"Oo naman." Ngiti ko pabalik dito.

Hinatak na ako ni Marga sa kwarto niya at naabutan namin doon ang iba pa niyang pinsan na babae na sina Kat, Chesca, Danna and Ash.

"So what's the real deal na ba sa inyo ni kuya?" Biglang tanong ni Kat.

"We're friends." Tipid kong sagot dito.

"Hala ate. Don't get us wrong ha. Ayaw mo ba kasi ex mo si kuya Charles?" Usisa naman ni Ash.

Alangan akong ngumiti sakanila. "Hindi naman gano'n. Para kasing mas okay na friends kami eh."

"Pero kay kuya Josh ba okay lang?" Tanong ni Danna kaya bigla akong natigilan.

"Nag-usap naman kami." Tipid akong ngumiti.

"Pero alam mo. Seems super komportable niyo na sa isa't isa eh. Biruin mo lagpas one year na magkasama kayo lagi. Eh sobrang walang tiyaga kaya no'n. Kaya nga hindi 'yon nagwork. Pero nag stick siya sa'yo." Dire-diretsong kumento ni Chesca.

"I don't know. Okay naman kami eh. He's special to me." Tipid kong sabi.

Nag-tinginan lang sila at ngumiti ng makahulugan. Lumabas kami lahat upang tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ni Lola Lupe bukas.

"Madam Twit punas pawis." Lumapit sa akin si Josh at inabot ang bimpong kapit niya.

Umirap muna ako bago kinuha ang bimpo sa kamay niya. "Kahit kailan parang bata."

"Ang daming langgam no." Hagikhik ni Danny sa gilid namin.

"Nandito kasi si Sweet eh. Ang tamis tamis tuloy." Kinikilig na sinabi ni Chin.

Inirapan ko lang sila at bumalik sa ginagawa ko. "Arte ni kuya ha. Pabebe masiyado." Tawa ni Kat sa tabi ko.

"Lagi ba siyang ganiyan?" Singit naman ni Danna.

"Alin? Pabebe? Oo. Sobrang arte. Kala mo baby." Tawa ko sa mga ito.

"Buti tumatagal ka no? Parang hindi naman 'yan ganiyan dati. Daming alam." Bulalas ni Chesca.

"Yaan niyo na 'yung si Kuya. Malandi lang talaga 'yun." Ani Marga sabay lagay ng iba  pa naming hihiwaing rekado.

Matapos naming hiwain lahat ay nagpahinga muna kami. Nilapitan ako muli ni Josh at pumwesto sa likod ko. "Pagod Madam Twit?" Aniya habang minamasahe ang likod ko.

"Keri lang. Upo ka dito." Sabi ko sakaniya.

Umupo siya sa tabi ko at kinuha bigla ang kamay ko. "Aray." Inda ko.

"May paltos ka oh." Turo niya sa paltos sa daliri ko. "Kiss ko para mawala."

"Para kang ewan." Natatawa kong sambit.

"Uy kilig." Nakangiti niyang sabi.

"Hala. Feeler po masiyado." Irap ko dito sabay bawi ng kamay ko.

"Feeler daw pero nangingiti. Kitang kita pamumula ng pisngi mo oh." Aniya sabay turo sa pisngi ko.

"Mainit kasi." Depensa ko.

"Mainit daw." Tawa nito sa tainga ko. "Mainit kasi katabi mo ko? Hot kasi talaga ako eh. Pasensya na ha." Kibit balikat nito.

Hinampas ko siya sa braso at tinaasan ng kilay. "Parang humangin. Ang bahong hangin." Sambit ko at saka tinakpan ang ilong na tila nababahuan talaga.

"Ah mabaho pala ha." Tinaas nito ang kamay niya. "Amuyin mo." Dikit niya sa kaniyang kili kili.

Itinulak ko ito at tumakbo palayo. "Kadiri ka talaga kahit kailan. Paka-baboy mo Joshuaaaaa." Sambit ko habang natatawa.

"Magtago ka na." Pagbabanta nito. "Huwag kang papahuli sa'kin." Tawa niya ng malakas.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may mabunggo ako. Pero bago pa man ako makatunghay at makita kung sino ang nabunggo ko ay hinatak na agad ako ni Josh sa tabi niya. Hawak hawak niya ako sa braso ng may higpit. Tipong tila takot na takot na mawala ako sa tabi niya.

"Hi everyone." Ani ng isang boses.

Tumunghay ako at pareho kaming nagulat sa mukha ng isa't isa.

"CC apo." Lakad ni Lola Lupe sa gilid namin at yinakap ang bagong dating.

Ramdam na ramdam ko ang matalim niyang mga tingin na tila tagos hanggang kaluluwa. Nilagpasan niya kami ni Josh at  tumungo sa ibang pinsan niya. Tila may dumaang anghel dahil bukod sa matatanda ay walang ni isa ang gustong magsalita.

Sabay kaming naglakad ni Josh at tumabi sa mga pinsan nito. Hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang kapit nito sa braso ko.

"So kailan ka pa nakauwi?" Basag katahimikan na tanong ni Cheska.

"Last night." Tipid nitong tugon.

"Why did you invite yourself here pa?" Maarteng tanong ni Marga.

"Marga." Suway dito ng kuya niyang si Marcus.

"Why? Totoo naman ah. He shouldn't be here naman talaga." Irap nito.

"Why not? I'm a family." May diin sa bawat salita nito. Tatayo sana ako pero mas ramdam ko na dumidiin ang kapit sa braso ko ni Josh.

"Chill tayo guys. Marinig tayo ni Lola Lupe." Pang tanggal tensiyon na sambit ni Rob.

"Okay ka lang?" Bulong ni Josh sa tabi ko.

"Oo naman. 'Wag lang masiyadong mahigpit kapit mo sa braso ko." Bulong ko rin sakaniya. "Akin na kamay mo?" Kuha ko sa kamay nito at saka ito hinawakan. "Oh 'yan ha. Parang takot na takot ka naman kasi kumapit."

"Sorry. Masakit ba? Kiss ko?" Muling bulong niya.

Hinampas ko siya sa braso at laking gulat na nakatingin pala sa'min ang mga pinsan niya.

"Hindi ba kayo aware na may ibang tao sa paligid niyo?" Pang-aasar ni Eli.

"Ang tamis tamis." Ani Danny na tila kinikilig.

"Hindi pa kayo ng lagay na 'yan ha." Ngisi ni Marcus sa amin.

"Oh hindi pa kayo?" Tanong ni Charles kaya lahat kami ay gulat na bumaling sa kaniya.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now