Dalawampu't tatlo

81 2 0
                                    

Matapos kong sagutin si Charles ay natatarantang pumunta ng ospital sina Ate Spice. Naiwan lang kami sandali ni Charles para asikasuhin ang mga bisita. Kaya nang nagsiuwian na ang mga ito ay dali dali na rin kaming nagpunta sa ospital kung saan dinala si ate Spice.

Halos lakad takbo ang gawin namin papunta sa delivery room kung nasaan si ate Spice. Expected na nandito ang pamilya ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang presensiya dito ni Greg. At halatang hindi siya mapakali dahil sa pabalik balik niyang lakad. Bakit? Siya ba ang ama? Out of curiosity ay nilapitan ko ito at tinanong.

"Can we talk?"

Balisa man ay tumango lang siya at sumunod sa akin.

"Are you the father?" Diretsahan kong tanong dito.

He's hesitant to answer at first but later on ay sumagot na rin siya. "Yes."

"How come? Nauna ka lang samin umuwi nila Andy dito sa Pilipinas tapos nabuntis mo na agad ate ko?" Hindi makapaniwala kong sambit. "Don't tell me siya kung kukunin mo by hook or by crook?" Naiiling at gulat kong tanong.

"Yes she is."

I am still shocked. Madalas kasi kaming magkwentuhan sa Spain noon. Greg became my friend when I went to Spain. Kaya nga ayokong makasal sa kaniya nung marinig ko 'yong about sa fixed marriage. Alam ko kasi at ng mga kaibigan namin doon na may isang babae lang siyang mahal. Nag-iisang babae na naging dahilan kung bakit siya naging womanizer. Never niya ring nabanggit 'yong name ng babae. Now I know. Kaya pala. Si ate Spice pala ang tinutukoy niya.

"Kaya pala ayaw na ayaw mo 'pag tinatanong namin ang pangalan niya. Now I get it. Pero... bakit sa akin ka ipapakasal kung nabuntis mo pala siya?" Kuryoso kong tanong dito.

"She hated me so much. To the point na... kahit makasal ako sa iba ay wala siyang pakiaalam." Halata ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang boses. "Her long time secret boyfriend broke up with her because of what happened to us... I saw her in the bar after I went home. She's drinking alone and she's fucking crying. Then I took the chance. I know that she will hate me the following day or for the rest of her life... but I know that... that thing won't happen if she didn't feel the same way.... naramdaman ko Sweet. Kilala mo ang ate mo. Lasing man siya o ano. She always think of the things that she will do.... but right now I don't know anymore. She hates me to death. She even said that she loathed me at wala akong karapatan sa anak namin.... but I can do everything... anything. I can even move heaven and hell just to be with my son."

I am lost of words. "I don't know her side Greg. She's my sister. You know her as much as we know her. All I can say now is... give her time. Everything will be okay in time. Pahupain mo muna ang galit niya. Lalo na ngayong may anak na kayo. She maybe cold pero alam naman nun kung pa'no magpatawad. And... if you really love my sister. 'Wag kang susuko. Tandang tanda ko pa lahat ng kwento mo nung nasa Spain pa tayo. Kaya fight lang Greg. You'll have your own happy ending." Tinapik ko siya sa likod bago siya iniwan doon.

"Kinausap ko si Greg." Salubong ko sa nakasimangot na si Charles.

"How was it?" Taas kilay nitong tanong.

"Okay naman. Don't worry hindi naman 'yon tungkol sa fixed marriage namin." Sabi ko dito at saka ito kinurot sa ilong niya.

"I know." Pagsusungit niya.

"Eh bakit ang sungit ng boyfriend ko?" Pang iinis ko dito.

"Bigla bigla kang nawawala. Kala ko iniwan mo na 'ko." He said while pouting.

"Ay ang cute. Parang baby." Muli kong pang iinis.

"Psh. Just don't leave me without telling why okay." He said then hugged me.

Nagmomoment kami nang lapitan kami ni Salt. "Hey lovebirds. Tama na lambingan. Lumabas na si baby. Baka gusto niyong mag-hi. Masiyado kayong busy sa isa't isa. Hindi nakakatuwa para sa mga single dito." Irap nito sa amin.

"Hindi ka naman single." Asar ko dito.

Umirap siyang muli bago kami tinalikuran. Sumunod lang kami dito hanggang sa makarating kami sa may labas ng nursery.

"Ang cute niya 'diba?" Masayang sambit ni Salt.

"Mag-anak ka na din ate." Pang aasar ni Sugar dito habang lumalapit.

"Oo nga mag-anak ka na din. Kaso baka masuka 'yong asawa mo bago pa man may mangyari sa inyo." Dagdag pang iinis ko.

"Whatever. Tara kay ate Spice na tayo magpunta. Hindi 'yong ako ang ginagawa niyong topic." Irap niya bago tumalikod.

Tumatawa kami ni Sugar habang sumusunod dito. Nakasunod lang sa amin si Charles hanggang sa makarating kami sa kwarto ni ate Spice. Naabutan namin dito sina mom and dad. They are discussing about the name of the new Fuentes baby.

"Sa labas muna ako." Tinanguan ko lang si Charles at hinayaan itong lumabas.

"Let's name him Chili." Natutuwang sambit ni Salt bago kami puwesto paikot sa kama ni ate Spice.

Napairap kaming lahat sa sinabi nito. "Tama na 'yong matigil sating magkakapatid ang pamilya condiments. 'Pag ikaw ba nagkaanak gusto mong pangalanan namin ng Pepper?" Sarcastic na sabi ni Sugar.

"Why not? Maganda naman ah." Tawa nito.

"Stop it guys. May naisip na kong pangalan." Pag-awat sa amin ni ate Spice.

Lahat kami ay nag-aantay sa sasabihin nito. Tipong may imaginary drum rolls sa background dahil lahat kami ay tahimik na nag-aantay.

"Gregory Light.... Gregory Light Fuentes."

"Fuentes? Bakit hindi Gonzales ate?" Bigla kong tanong dahilan para mapatingin sa akin ang lahat.

"Sweet is right hija. Gonzales dapat at hindi Fuentes." Lumapit si mom dito at hinawakan siya sa braso.

"Kayo na ang bahala mom. Kung pipirma ang ama ng bata. Basta wala dapat maiiba sa Gregory Light." Pagsusungit nito at saka pumikit.

Iniwan namin siya doon at hinayaang mag-isa. Nagpaiwan lang si dad para may maiwang nagbabantay dito. Pinaasikaso ni mom lahat ang papers para sa pangalan ng bata. At nang maasikaso na ay nagpasya na kaming magkakapatid na umuwi.

Nadaanan namin si Greg sa labas ng nursery nang paalis na kami ng ospital.

"She named our son after me." Masayang sambit nito. Tipid lang namin siyang nginitian bago siya iwan doon.

Kaniya kaniya kaming sakay ng sasakyan pauwi. "Ikaw baby kailan mo gustong magka-baby?" Ngiting tanong ni Charles nang makasakay kami ng sasakyan.

"Two or three years from now." Seryoso kong sagot dito at saka nag-seatbelt.

"Noted." Muli niyang ngiti bago pinaandar ang sasakyan.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now