Dalawampu't siyam

76 3 0
                                    

Hindi ko maintindihan pero biglang umuwi kami ni Salt. Wala na rin kasi akong lakas magtanong pa. Halos kaladkarin niya ako nang makapasok na kami sa bahay. Bukod sa mga katulong ay wala ng ibang tao dito.

"Take a rest. Mamayang gabi tayo mag-iinom. I'll have a surprise for you later. Gain some energy. You'll need that later." Aniya bago ako iwan sa kwarto ko.

Dala ng pagod at sobrang nararamdaman ay nakatulog ako. My phone is nowhere. Hindi ko makita. Bakit ko nga ba hinahanap pa. Siguro kasi umaasa ako na magtetext siya o tatawag tapos magpapaliwanag. Kaso wala eh.

Nagbabad ako sa bathtub at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nasa harap ako ng salamin nang pumasok si Salt sa kwarto ko.

"Be ready na. Alis tayo maya maya. Mag-ayos lang din ako. Sugar's with us. Hindi pwede si Ate since nagpapadede 'yun ng anak niya. Don't worry madami tayo mamaya." Dire-diretso niyang sinabi saka umalis ng kwarto ko.

Nag-ayos talaga ako gaya ng sinabi niya. Nag make-up at nagsoot ng maganda. Nag dress ako na sobrang hapit sa katawan. Isang tube na itim na dress na hanggang hita ko lang ang haba. Medyo kita ang cleavage at expose na expose ang likod ko. Just paired it with a black block heel sandals then a black pouch. Ginamit ko ang paborito kong pulang lipstick na bagay na bagay sa look ko ngayong gabi.

"Whoo." Gulat na sabi ng mga kapatid ko matapos kong bumaba sa hagdan.

"Galit na galit ah?" Pang-aasar ni Salt.

Umiling lang ako.

"Alalayan niyo 'yan ha." Paalala ni ate Spice bago kami umalis.

Si Sugar ang nagdala ng sasakyan at nagdrive. Medyo hindi kasi kami tiwala kay Salt lalo na sa pagdadrive. Buti nalang at lutang ako kanina kung hindi ay hindi ko hahayaang imaneho niya ang kotse ko kung nagkataon.

"You're there na? Ah... them? Okay... okay. We're near na." Rinig kong sabi ni Salt sa kausap niya sa phone niya.

"Tinago mo ba phone ko?" Akusa ko dito.

"Oo." Sagot niya. "Hindi tayo pinalaking lolokohin lang Sweet. Babae man tayo marunong din tayong lumaban. Ipapakita natin diyan sa gago mong boyfriend na hindi siya kawalan. Masasaktan man nila tayo... mas matinding sakit ang kaya nating ibalik sa kanila. We will not wait for karma. Kasi tayo mismo ang magiging karma nila." Seryoso niyang sinabi.

Nakarating kami sa bar na dati na naming pinuntahan. Kilala ni Salt ang may ari nito kaya madalas siya ditong magpunta. Hindi ganoong kadami ang tao gaya ng nagpunta kami nung nakaraan. Sabagay alas otso palang naman kasi ng gabi. Dire-diretso lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa dulo sa taas. Ito 'yung pinakamalaking area dito sa bar. Madami ng tao sa area ng makarating kami. I can see familiar faces here. Wait. Shit.

"Hey there Sweetie baby." Salubong nito sa akin.

"Andyyyyyyy. Ghad. You're here." Excited kong sambit saka siya niyakap bigla.

Nagulat ako kasi nandito rin ang iba naming friends sa Spain. "Gandang babae. Bakit nga ba hindi mo ako sinagot noon?" Pagbibiro ni Xavier bago ako yakapin.

"Kasi nga mas gwapo ako sayo. Right?" Kindat ng kakambal nitong si Xander bago ako yakapin.

Greg is also here. Pati na rin si Marcus. Wait.

"Marcus. Hey." Bati ko dito matapos kong umupo. He's sitting in front of me."

"Darating sina Josh and Rob." Ngiti nito.

"Oh nice." Tipid kong ngiti dito.

"Don't worry he's not invited." He said then drink the liquor in front of him.

Nag-inuman kami at nagkasiyahan. Ilang minuto lang matapos naming dumating ay dumating si Josh at Rob. Nginitian nila ako bago umupo sa tabi ni Marcus. Kasunod nila ay si Jordie na umupo sa tabi ni Greg. Katabi ni Jordie si Sugar na tila may away ang dalawa at hindi gaanong nagpapansinan. I can smell something. Hmm. Salt is sitting beside Marcus at ako naman ay katabi ko sina Andy at sa kabila naman ay si Xander at sa tabi nito ay ang nakangusong si Xavier dahil hindi siya pinayagan ni Xander na umupo sa tabi ko. May pagkapilyo kasi ito lalo na't 'pag nalalasing. Paikot kaming lahat sa lamesa.

Nasa dulong bahagi kami ng bar kaya hindi ganoong kaingay dito. Hindi namin kailangang sumigaw para magkaintindihan. Masaya kaming nagkwekwetuhan at inuman hanggang sa lumalim ang gabi. May mga dumating ding kaibigang babae si Salt kaya mas sumaya ang inuman. Sina Alexa, Corine at Brit. They were Salt's friend since College.

Medyo tipsy na ko nang mapansing kong katabi na ni Xavier si Alexa, ni Rob si Corine at ni Xander si Brit. Bibilis talaga ng mga friends ko kahit kailan. Hindi rin nakatakas sa akin ang paglalambingan nila Sugar at Jordie. Sabi na eh. May something sa dalawang ito. Pero ang mas kinagulat ko ay ang nakaakbay na si Marcus kay Salt at si Salt na nakahilig sa balikat nito. Dahil sa paglalandian ng mga tao sa paligid namin ay lumipat sa tabi ko si Josh at si Andy ay nanatili pa rin sa tabi ko.

"Pupusta ko bet ka niyang nasa tabi mo." Bulong ni Andy sa tainga ko.

"Bakit? Bet mo ba?" Tawa ko dito.

"Ehem. Ang sweet niyo naman. Isali niyo naman ako sa usapan niyo." Tikhim ni Josh sa gilid ko.

"Do you like Sweet?" Biglang bulalas ni Andy kaya napatingin sa'min lahat ng tao sa paligid.

Uminom lang si Josh at tumawa ng pagak. "Sino bang hindi? Kaso off limits na siya eh."

"What if hindi?" Umayos ng upo si Salt.

"Will try my luck I guess?" Kibit balikat nito.

Tumawa ako at uminom ng alak. "Hala kayo. Issue."

"Wala na naman kayo 'diba?" Sambit ni Salt dahilan para mapatingin lahat sa'kin.

"Uhm. Ata? Baka?" Tumawa ako muli. "Teka lang. Bakit ba ako ang topic?"

"Wala lang. Ikaw lang naman malungkot dito eh. Para lang sumaya ka." Ani Salt.

"Masaya kaya ako. Baba lang ako." Umalis na ako doon at lumabas saglit para magpahangin.

"What did he do this time?" Nagulat ako sa boses na biglang nagsalita sa gilid ko.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now