Lima

150 4 0
                                    

Four years ago

Fourth year na kami at wala ng Salt na nanggugulo sa buhay ko. Wala na ring mean girls na madalas akong patirin at bungguin kapag nakikita akong naglalakad mag-isa sa hallway. Mas naging close na rin kami ni Jorge at ni baby Jordie.

After ng intrams ay sobrang dalang na naming magkita ni Salt. She's now training in the company kaya for sure busy ang maalat na babaeng iyon.

Madalas ako sa bahay nila Jorge kahit pa pareho kaming graduating students ay may oras pa rin kami para mag hangout. Madalas kaming mag movie marathon at mag food trip together with his brother. And I have a secret crush on Jorge kasi. It took time for me to admit it kasi 'di ba kapag mas pinapansin mo ang feelings mo mas naggo-grow. Kaya madalas dedma ako. Saka crush palang naman. Malayo pa sa bituka.

Kaso one time kami lang ang tao sa kanila. Baby Jordie is busy kasi graduating din siya as SHS naman. Eighteen na rin ang totoy na 'yon. So pare-pareho pala kaming gagraduate this academic year.

We were watching one romantic movie in one afternoon. Ako at si Jorge lang. Then there's a kissing part in the film kaya bigla akong napaiwas ng tingin. At laking gulat ko nang makitang nakatingin pala siya sa akin. Jorge is looking intently at me. Nakaramdam ako ng ilang. Lilingon sana ako sa iba nang bigla niyang hawakan ang mukha ko. Then poof he kissed me. He fucking kissed me. That's my first kiss. Shit.

"Why did you..." I can't even mention it.

"Kissed you?" Siya na nagtuloy ng aking sasabihin. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Stop being my bestfriend and be my girlfriend."

"Huh? Are you nuts?" Gulat kong sambit. "Ano walang ligaw ligaw?" Naiinis kong sinabi.

"Ligaw is for getting to know lang Sweet. We knew each other since we were kids. I know that you feel the same way."

At doon nagsimula ang masasaya at malulungkot kong araw. We were too happy to the point na sa sobrang saya ay sobrang nakakatakot din. He's the sweetest boyfriend. He's my first boyfriend. A bestfriend and a lover in one person. Sobrang surreal.

Wala kaming problema na tinutulugan. Meaning if there's any problem, we make sure na pag-uusapan ito bago matulog. We even celebrate our first monthsary na halos himatayin ako sa kilig. 'Yung mga surprise na madalas napapanood sa internet. Gano'n na gano'n.

Relationship goals kumbaga hanggang sa maka graduate kami. We've been ten months together when we finish our degree. Our family knows our relationship since from the start and they both trust us in this relationship kaya sobrang saya.

But one night just broke everything apart. Those ten months of happy relationship was just like any other story, it ended. It ended so bad. Dinurog ako ng isang gabi na 'yun.

Nagplano kami na magkaroon ng mini celebration kasi nakagraduate na kami finally. That also includes baby Jordie. Pero bukod sa plano na 'yun ay may nakabukod akong plano. I baked a cake para isurprise ang boyfriend ko. Plano kong magpunta ng mas maaga para masorpresa siya. Kasi kanina nang magkatext kami ay sinabi kong kakagising ko pa lang. Little did he know that I was already here in my car on my way to their house.

I have a duplicate key here in my pocket. Hiningi ko 'to kay baby Jordie kahapon para magawa ko ang plano ko ng maayos. I was like a sneaking girlfriend here habang binubuksan ang pinto. The gate was left open eh. Nakikisama talaga si baby Jordie sa plano ko. Great!

Nang makapasok na ako sa bahay ay sobrang tahimik. Tipong kahit anong ingay ay wala kang maririnig. Parang walang tao so I decided to go straight to Jorge's room.

Shit. Pagkabukas ko pa lang gusto ko ng ihagis lahat ng makita kong bagay. Since cake ang kapit ko ay ito ang inihagis ko.

"Mga hayop kayo!" Mura ko.

Nanginginig ako sa galit. Hindi ko alam kung anong uunahin ko eh. Kung hahakbang ba ako o pupunasan ang mga luha ko.

"Sweet?" Gulat na gulat na tanong ni Jorge sa akin.

"Shit! What happened?" Natataranta niyang sabi.

"What happened? Gago ka ba? Ako pa talaga tinatanong mo niyan?!" Gigil na gigil ako pero hindi ako aalis dito ng ganoon na lang. "Ako dapat ang magtanong hindi ba! Anong ginagawa ng babaeng 'yan sa kwarto mo!" Sigaw ko pa habang tinuturo ang babaeng katabi niya na kakasuot pa lamang ng pang itaas nitong damit.

"Hindi ko alam ang nangyari Sweet. Please maniwala ka." Lapit sa akin ni Jorge at saka lumuhod.

"Tumayo ka diyan!" Utos ko sa kaniya. Nang makatayo siya ay bigla ko siyang sinampal. "Gago ka! Sa lahat ng tao sa kaniya pa talaga? Shit ka Jorge. Shit ka!"

Hinang hina ako pero nakuha ko pa ring lapitan ang babaeng nakaupo sa kama at hinatak siya sa buhok upang makatayo. Sinampal ko agad siya ng maitayo ko siya. "Alam kong plano at kagagawan mo 'to! Shit ka akala ko nananahimik ka na! I regret being your sister Salt. I regret being blood related to you. Wala kang puso."

Habang umiiyak ay lumabas agad ako ng lugar na iyon. Pumasok agad ako sa kotse at laking gulat ko na nandito pala si baby Jordie. "I'll drive for you Ate Tamis." He said before we exchange sits.

Inabot ko sakaniya ang susi at patuloy na umiyak. Inabutan niya naman ako ng tubig at saka siya nagdrive.

"Don't be a gago like your kuya ha." Sambit ko habang patuloy na umiiyak.

Inihinto niya ang kotse sa isang tabi. Kinabig niya ako upang mayakap. "Don't worry Ate Tamis. I'll be your sweet baby Jordie forever."

But forever doesn't exist right? Because after that incident I left without even bidding a goodbye. I just told my parents that I'll have my masteral in another country.

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now