Labing apat

104 2 1
                                    

Wala kaming dalang kahit ano bukod sa mga sarili lang namin at mga damit na pamalit. Dito na kami sa loob bumili ng pagkain at ng mga inumin. The boys started to open their beers while us, the girls went to the comfort room to change.

"Where's your cam Dan?" Tanong ni Marga dito.

"Here." Turo niya sa cam na nakasabit sa leeg niya. "What's the plan?" Tanong niya kay Marga. Bumaling si Marga sa akin saka ako hinawakan sa kaliwang balikat.

"Ate Sweet lalabas tayo nang naka two piece then ikaw naman Dan film everything. It's payback time." Palakpak ni Marga habang natatawa.

"Why?" Bigla kong tanong.

"Don't worry ate. Ganito talaga kaming magpipinsan. Lagi kaming may remembrance sa mga bagay na alam naming may mangyayaring maganda." Nakangiting paliwanag ni Kat.

Nauna si Danna na lumabas since na sakaniya 'yung camera. Maya maya pa ay lumabas na kaming lahat. Nasa gitna ako nila Kat, Marga, Chesca at Ash. Medyo malapit lang naman 'yung cottage namin doon sa CR kaya sandaling oras lang ang ginawa naming paglalakad.

I saw how Charles stop whatever he's doing. He spread his arms para matakpan ang mga lalaking nasa likod nito. "Mga mata niyo!" Sigaw niya sa mga ito.

"Ang possessive." Pang aasar ni Josh.

"Dudukutin ko 'yan isa isa. Eyes on the beer." Pagsusungit pa nito bago ako hinarap.

"Hindi ka ba nilalamig sa soot mo?" Aniya nang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Hindi naman. Saka resort 'to 'di ba? Normal naman na naka two piece ang mga babae. Tignan mo 'yun." Sabi ko habang tinuturo ang ilang babae sa pool.

"Burn." Narinig kong sabay sabay na sinabi ng mga pinsan ni Charles.

"Tara na nga ate." Hatak nila Kat sa akin papunta sa pool area.

Hindi pa rin sila makarecover dun sa nangyari kanina. "Grabe 'yung kilay ni kuya Charles kanina naging straight line." Natatawang sinabi ni Ash.

"Ganda kasi ng katawan ni ate Sweet eh. Sexy." Nahihiyang baling ni Danna sa akin.

"Sexy rin naman kayo. Pare pareho lang tayo." I said while smiling at them.

Lumangoy lang kami ng lumangoy at walang sawang nagpicture. Nang mapagod na kami ay bumalik na kami sa cottage. Inabot sa akin ni Charles ang soot niyang tshirt kanina. Sinuot ko ito at nag mukang dress dahil hanggang hita ko ang haba nito. Tumabi ako sa kaniya at ininom ang nasa harap niyang beer.

"Ininuman mo?" Gulat niyang tanong.

Timingin muna ako sakaniya bago sumagot. "Bakit? Masama ba?" Kibit balikat kong tugon.

"Indirect kiss 'yun Sweet." Bulong nito sa tainga ko.

Lumapit rin ako sakaniya upang bumulong. "Kanina sa kotse hndi ka nagreklamo nung isang kutsara lang ang gamit natin pati straw. Tapos ngayon nag-iinarte ka. 'Wag kang maarte."

"Hoy ano 'yan." Binato kami ni Eli ng chips kaya lumayo na ako kay Charles.

"Nagbubulungan lang." Hagikhik ko.

"Ay kilig itlog ni Charles. Anong binulong mo Sweet?" Usisa ni Rob.

"Wala naman." Nahihiya kong sinabi.

Nag-inuman pa kami hanggang sa dumilim. Kwento dito, kwento doon. Tawanan dito, tawanan doon. Langoy dito, langoy doon. Sobrang saya ko ngayong gabi. Bago pa man kami muling uminom ay nagbanlaw na muna ang mga girls.

Sa gitna ng kwentuhan namin ay tumawag si Sugar. Lumayo muna ako para sagutin ang kaniyang tawag.

"Oh Sugar bakit?" Tanong ko dito matapos ko itong sagutin.

"Nasa'n ka po ate?" Sarcastic niyang sambit.

"Somewhere North. Bukas na 'ko uuwi." Sagot ko dito.

"Nasa'n daw?" Rinig kong tanong ni ate Spice sa background.

"Loudspeaker mo nga." Utos ko kay Sugar.

"Hi there ate Spice and Salt." Bati ko sakanila.

"Wait ate ifacetime ko." Ani Sugar saka ibinaba ang tawag. Ilang saglit pa ay tumawag muli ito gamit ang facetime.

"Sweet. 'San ka?" Tanong ni ate Spice. Nasa gitna siya nila Sugar at Salt.

"Somewhere north ate. Bukas na 'ko uuwi. Hahatid ako ni Charles." Paliwanag ko dito.

"Umuwi ka ng walang labis walang kulang ha." Biro ni Salt.

"Oo naman ako pa ba? Takot nalang niya sa'kin." Sambit ko habang pinapakita ang braso ko.

"Osige na. Basta mag ingat ka. Saka nalang tayo magkwentuhan pagbalik mo." Sabi ni ate Spice bago tinapos ang tawag.

"Saan ka galing?" Masungit na tanong ni Charles nang makabalik ako sa pwesto ko kanina.

"Tumawag sila ate. Sinagot ko lang." Sagot ko dito bago siya umalis at iniwan kami.

Napansin ko ang pagliligpit nila kaya nagtanong ako bigla. "Oh uwian na?"

"Oo. Na beastmode si kuya Charles eh." Si Kat ang sumagot.

"Bakit? Anyare?" Muli kong tanong.

"Tinoyo. Tara na ate. Kotse na tayo." Nagpatinaod lang ako kay Ash hanggang sa makarating kami ng kotse. Tinulak nila ako sa front seat bago sila isa isang pumwesto sa back seat ng sasakyan.

"Seatbelt." Masungit na utos ni Charles bago kami umuwi dito sa bahay ng mga Lola niya. Buong biyahe ay hindi niya ako pinapansin. Anong problema 'nun?

Naunang pumasok si Charles kaya nahuli ako sa pagpasok sa bahay. "Hija. Diyan sa dulo ang kwarto ni CC. Magpahinga ka na." Turo ni Lola Lupe sa kwartong may nakasabit na pangalang Charles sa pinto.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nang walang sumagot ay pinihit ko na ang doorknob at nalamang hindi pala ito nakalock. Bukas pa ang ilaw nang makapasok ako. Hindi kalakihan ang kwarto pero malinis. May isang kama, isang study table at tukador. Kahit hindi gaanong malaki ang silid ay may aircon ito at malambot ang kutson.

Umupo muna ako sa kama at nakita ko si Charles sa kanang bahagi ng silid. Nasa sahig at nakahiga sa banig. Tinapik tapik ko pa siya upang gisingin. Pero napakahirap gisingin ng taong hindi naman tulog kaya nagpasya na akong humiga.

Nakatingin ako sa kisame nang sinimulan kong magsalita. "Thanks Charles. Thanks for today. I am really happy. Thank you for letting me escape in my bitter world for a while. Thank you for letting me taste the sweetness of life. Kung matapos man ang pagpapanggap natin sa future.... Hayaan mo akong patuloy na maging kaibigan ng mga pinsan mo. I love your family, ang dami at ang saya. Sobrang iksi lang nung oras pero tinanggap nila ako na parang isang kapamilya. Salamat ulit Charles. Goodnight."

Bitter Sweet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon