Tatlumpu't tatlo

75 3 0
                                    

"No labels pero parang sila din naman." Si Marga ang sumagot sabay irap dito. "Saka paki mo naman ba?" Dagdag pa niya.

"Paki ko? Gusto mong malaman?" Seryosong tanong ni Charles dito.

"You know what. 'Wag na. Save it to yourself. Tutal do'n ka naman magaling 'diba? Ang itago lahat." Mapait na sambit ni Marga dito.

"Chill lang tayo guys. Kalma kalma lang." Pag-awat ni Chin.

"Just like what I've said earlier. I'm a family." Lumingon ito sa pwesto ko. "Ibang tao welcome pero akong kapamilya hindi? Weird."

Ramdam na ramdam ko ang pagpipigil ng inis ni Josh sa tabi ko. Humihigpit kasi ang hawak niya sa akin. "Are you pertaining to me?" Salubong ko sa tingin nito.

"Baka? Ikaw lang naman 'yung hindi namin pinsan dito." He said sarcastically.

"Kung hindi mo kayang nakikita ako sa isang lugar kung nasaan ka. Ikaw ang umalis." Matapang kong sagot dito.

Ngumisi muna siya. "Tapang naman pala. Eh kung ayoko? May magagawa ka ba?" Hamon nito.

Dumating si Lola Lupe kaya natahimik kaming lahat. "Kakain na. Sumunod na kayo sa likod."

"Sure ka okay ka lang?" Muling bulong ni Josh sa akin.

"Oo naman. Don't worry. Basta 'wag kang aalis sa tabi ko ha." Ngiti ko dito.

"Never po Madam Twit." Balik ngiti niya bago kami tuluyang maglakad.

Tahimik ang lahat hanggang sa matapos ang hapunan. Mga elders lang karaniwan ang nagsasalita.

"Kailan ka babalik ng Singapore Charles?" Biglang tanong ni tita Marg.

"Hindi na po tita." Makahulugan itong ngumiti. "Guluhin ko muna buhay nila dito."

Umirap si Marga sa kawalan at nakita ko ang pag-iling ng iba dahil sa sinabi nito.

"From a nice guy to an asshole real quick. Iba talaga nagagawa ng katangahan." Bulong pa ni Marga.

Nagdesisyon ang lahat na magkasiyahan nang maggabi na. Kagaya ng dati ay dito kami puwesto sa may likod para magkasya kami lahat. Umupo ako sa tabi ni Josh at sa kanan naman ay si Marga ang katabi ko. Katabi niya si Kat at sa tabi naman nito ay si Danna. Sa tabi naman ni Danna ay si Ash at sa tabi nito ay si Cheska. Nakapalibot kami sa mahabang lamesa. Magkakatabi ang mga lalaki mula sa kaliwa ni Josh na sina Rob, Eli, Marcus, Charles, Chin at Danny.

"Walang susuka at pabebe ha?" Biglang bungisngis ni Marga sa tabi ko.

Bigla namang nagreact si Rob sa sinabi nito. "Hindi naman pabebe talaga eh. Nagpapa-baby lang." Tawa nito.

"Para daw kasi matamis. Dinadaan lagi sa kunwaring lasing." Dagdag pa ni Eli habang natatawa.

"Sinetch itey ba? Na pinakamalakas uminom sa'tin dati. Pero diumano nagiging sanggol 'pag may kasamang matamis." Halakhak ni Danny.

"Itago nalang natin sa pangalang Joshua bantot." Natatawa kong sagot sa mga ito.

"Ah ako ba?" Maang-maangan ni Josh sa tabi ko. "Hindi ako nainform." Walang emosiyon nitong sabi.

"Wala namang ibang pabebe dito 'pag magkakasama tayo nila ate Sweet eh. Ikaw lang. Gaya last month. Para kang ewan." Dire-diretsong kwento ni Kat.

"Spill. Kwento. Wala kami no'n." Usisa ni Danna.

Natatawa si Kat bago sinimulang magsalita. "Kasi ganito... eh di nagkalasingan na nga. Tapos nagpunta sa CR si ate Sweet. Si kuya Josh parang bata na ewan. Kala mo talaga iniwan eh. Muntik nang umiyak." Malakas nitong tawa.

"Patay na patay kasi 'yan sa'kin." Tawa ko dito.

"Ah kaya pala..." Pambibitin ni Josh sa tabi ko.

"Kaya pala ano? Kwento na 'yan!" Excited na sinabi ni Marga.

"Si Sweet 'pag nalalasing trip na trip ang kili kili ko.... hindi 'yan makakatulog 'pag hindi ko pinaamoy kili kili ko." Tawa nito.

"Hoy! Feeling ka!" Hampas ko dito.

"Kala ko ba hindi pa kayo?" Biglaang tanong ni Charles na tila nagpahinto sa ginagawa ng lahat.

"Hindi naman kailangan ng relasiyon para masabi mong mahal niyo ang isa't isa..." Seryosong sumagot si Josh at biglang hinawakan ang kamay ko. "Minsan nga nasa relasiyon pero hindi naman ito mapanindigan... gaya mo 'diba? Nung nasa'yo na hindi mo naman naingatan. Tapos ngayon babalik ka na kala mo bato lang 'yung iniwan mo." Tumawa pa ito saglit. "Kung umasta ka kala mo kami pa may kasalanan sa'yo." Umiling ito at saka uminom.

"Bakit hindi ba?" Matapang na tanong nito.

Napasinghap ako sa tabi ni Josh. Ipon ipon ang lakas at saka nagsalita. "Hindi. Wala naman akong maalala na may ginawa kaming masama sa'yo." Irap ko dito.

"Ah wala ba? Wala pala eh. Bakit parang guilty kayo?" Ngisi nito.

Hinawakan ko ang braso ni Josh para kumalma ito. Ramdam na ramdam ko kasi ang kamao niya na nagpipigil ng galit. "Pagkakatanda ko kasi hindi naman ako ang nanloko. Hindi naman ako 'yung pinagmukang tanga 'yung taong nagmamahal sa'kin. Hindi naman ako 'yung nakukuha pang tumawa sa harap ng ibang tao habang may nag-aantay sa'king magparamdam. Pagkakatanda ko kasi hindi naman ako 'yun. Mukang ikaw 'yun eh." Taas kilay kong sinabi dito.

"Ah. Ako? Ako na hindi mo man lang pinakinggan? Ako na nakitang may ibang kayakap ka? Ako na nagmakaawa pero hindi man lang muling tinignan? Ako na umalis pero alam mo ba kung bakit? Ako na bumalik para kunin ang talagang sa'kin." Sinalubong nito ang mga tingin ko sakaniya.

"You know what kuya." Pagrereact ni Marga sa tabi ko. "Don't try to ruin things... hindi 'yung nasira mo na noon eh plano mo pa uling sirain ngayon. Why don't you just go to hell with Sheena the bitch?" Naiinis na sambit ni Marga.

"Don't drag her name here." May diin sa bawat salita nito.

"Why not? Kasi naloko ka din niya? Kasi ano? Kasi hinayaan mo 'yung sarili mo na maniwala sakaniya. You're so weak kuya. Dapat hinayaan mo nalang siyang mamatay kesa agawin sa'kin ang boyfriend ko! Nasira ka na nandamay ka pa!" Sigaw ni Marga dito samantalang kaming lahat ay gulat sa sinasabi nito.

Umiiyak na si Marga pero wala ni isa ang kumikilos sa mga pwesto namin dahil sa gulat. "Hindi mo alam ang pinagdaanan namin dito nung umalis ka. Si ate Sweet? Pinapakita niya lang sa'min na okay siya pero alam mo ba kung bakit hindi niya makuhang mag commit? Kasi sinira mo siya dahil lang sa kasinungalingan ng babaeng 'yun! Tapos ako na pinsan mo? Hinayaan mong agawin ng babaeng 'yun ang boyfriend ko! Tinulungan mo pa! Kaya alam mo kuya? Dapat hindi ka na bumalik! Masaya na kami eh. Binubuksan mo na naman ang mga sugat namin na matagal naming pinagaling! Kaya tama lang sakaniya ang nangyari... she deserves worst."

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now