Tatlumpu't walo

82 3 0
                                    

Awkward. Sobrang awkward. Rinig na rinig ko ang imaginary kuliglig dito sa unit ni Josh. Sobrang tahimik mula nung dumating ang dad ni Josh. Ang pinaka nakakainis na part ay 'yung kasama pa talaga si Charles. Alam kong pangiti-ngiti lang si Josh pero gusto na niyang sapakin ang nakangising si Charles sa harap niya.

"Anong meron? Bakit may pa dinner?" Ngising tanong ni Charles.

Inilapag ko ang kanang kamay ko sa mesa para makita niya ang singsing sa kamay ko. "So... ikakasal na kayo?" Nawala ang mayabang niyang ngisi.

"Obviously." Hindi ko maiwasan ang pagsusungit dito.

"Paano? Nung nakaraan lang hindi pa kayo tapos ngayon?" Mapakla nitong tanong.

"Seryoso na ba kayo sa desisyon niyo Josh?" Biglang tanong ng dad niya. "Buntis ka ba hija?" Baling nito sa akin.

"Hala. Hindi po Tito." Agarang sagot ko.

"We've known each other for about two years already... we're not rushing the wedding. I just want to inform you since... you're still my dad." Seryosong sambit ni Josh sa tabi ko.

"Baka naman nabibigla ka at gusto mo lang gumanti sa'kin?" Maangas na tanong ni Charles.

"Bakit naman kita gagantihan? We're grown-ups already. Pang bata lang ang gantihan." Ngumisi si Josh dito.

"Malay mo... ginagamit mo lang si Sweet dahil sa nangyari noon." Kumunot bigla ang noo ko. "Baka naman kasi... dala dala mo pa din 'yung ako 'yung pinili ni Sheena noon kaysa sa'yo." Dagdag pa ni Charles.

Naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa kanang kamay ko at nilagay ito sa ilalim ng mesa. "Ang tagal na no'n. Bata pa tayo no'n. What made you think na gagamitin ko lang si Sweet para sa mababaw na bagay na 'yun?" Kalmado pero ramdam ko ang inis sa boses nito.

"Simply because... she's my ex. Na naging ex ko kasi umeksena ka." Tila naghahamong sabi ni Charles dito.

Nakita kong kinapitan ng dad niya ito sa kaniyang balikat at tila pinapakalma. "Kasi 'diba? Galit na galit ka sa'kin nung hiniwalayan ka ni Shi dati. She's your first love right? Kaya baka gano'n ang ginawa mo ngayon to get even. Alam mo kung ga'no ko kamahal si Sweet pero ano? Inagaw mo!" Hindi papigil na galit ni Charles.

"Wala namang inagaw. Hindi naman si Josh ang may kasalanan kung bakit tayo naghiwalay. 'Diba ikaw? Ikaw 'yung bigla nalang nagbago..." Malumanay kong sambit. "You chose to be with another girl when I am thinking of the whys."

"But you refuse to listen to me. I beg that night but you chose not to listen... you chose to end us." Lumungkot ang boses nito.

"Kasi kung may dahilan ka you'll tell it to me right away. You'll trust me enough for your reasons. Pero 'diba pinatunayan mo lang na mas pinili mo siya... kasi...kinabukasan siya 'yung kasama mo. You never tried to win me back." Humigpit ang kapit ni Josh sa kamay ko.

"Kung sabihin ko sa'yo na may sakit ako?" Josh tensed beside me. "Na kaya ako sumama sakaniya para gumaling? Anong gagawin mo? Babalik ka ba sa'kin?" Nabasag ang boses niya.

"Hindi." Matapang kong sagot dito. "If you told me that before ako mismo ang sasama sa'yo kahit gaano pa 'yun kalayo. Pero kung sinasabi mo lang 'yan ngayon para bumalik ako... mali ka sa iniisip mo. Hindi ako nagmamahal dahil lang sa awa Charles."

"Paano kung makakatulong ka sa paggaling ng anak ko?" Biglang sabi ng dad nito. "Hindi pa siya lubusang magaling Sweet. Bumalik lang siya para sa'yo."

"Sorry po Tito." Tumingin ako kay Charles at sa dad niya na nasa harap ko. "Gaya po ng sinabi ko kanina hindi po ako nagmamahal dahil lang sa awa. Kung totoo po na makakatulong ako sakaniya edi sana po noon pa. Hindi po ngayong huli na ang lahat... Pasensiya na po. Ayoko naman pong makakatulong ako kay Charles pero masasaktan naman kami pareho ni Josh."

Inangat ko ang magkahawak naming kamay ni Josh sa ibabaw ng lamesa. "Si Josh po ang pinipili ko. Kahit po ano pang sabihin niyo si Josh pa rin po ang pipiliin ko. Kung hindi po kayo sang-ayon sa pagpapakasal namin. Ayos lang po, maintindihan po namin. Kaya sana maintindihan niyo din po na nagmamahalan kami."

Bumaling ako kay Charles at ngumiti. "Sorry Charles... don't ever think that I didn't love you before kasi kahit itong kapatid mo nakita 'yun. Siguro lang hindi talaga tayo para sa isa't isa. Don't hate us. Kasi kami? Pinatawad ka na namin. Itong si Josh? Sobrang mahal ka nito. Kahit dati pa noong nakuha mo kong saktan. Lagi niyang sinasabi na isipin ko lang 'yung happy moments natin at tanggalin ko 'yung galit ko para sa'yo. Siguro kung bumalik ka lang agad at nagpaliwanag noon baka pwede pa. Hindi ngayong may mahal na kong iba."

The dinner didn't go well. Mas okay pa nung kabado ako at 'yung mom niya ang kinausap namin kaysa kanina na parang panay inis lang ang naramdaman ko. Nakaalis na si Charles at ang dad nito at kami ni Josh? Tahimik na magkatabi dito sa sofa niya.

"What if he really needs you?" Basag katahimikang tanong ni Josh sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko at napasimangot. "Iyan ba ang iniisip mo the whole time na tahimik ka?"

"I am just thinking... if he really needs you to be cured. Maybe... we can postponed our plans." Humina ang boses nito.

"What?! Naririnig mo ba ang sarili mo?" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko. "You always tell me to choose what makes my heart happy. How about you? Magiging masaya ka ba 'pag pumayag ako sa gusto mo?" Hinawakan ko ang kamay nito at hinarap siya. "I fought for you Josh. Malinaw na ikaw ang pinili ko... nakita mo naman kanina 'diba? Pero bakit parang hindi ka masaya? Bakit parang iniisip mong sumuko nalang basta?" Nabasag ang boses ko at may lumandas na luha sa mata ko.

"For once... isipin mo naman 'yung sarili mo. Hindi lagi 'yung ibang tao. It's not being selfish. But if... leaving me will make your heart happy. Hahayaan muna kitang mag-isip. Aantayin kita hanggang bukas sa unit ko. 'Pag hindi ka dumating ibig sabihin tapos na tayo." Binitawan ko ang mga kamay niya. "I always fight for what I love pero mahirap pala 'pag ikaw mismo hindi kayang ipaglaban." Tumayo na ako at humakbang.

Malapit na ako sa pinto nang maramdaman ko ang yakap niya sa likod ko. "I'm sorry."

Bitter Sweet (COMPLETED)Where stories live. Discover now