Simula

3K 54 2
                                    

Immortality in the Woods

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

The photo of my story is not mine. Credits to the owner of the photo. :) 

Enjoy!

~~~

"Aalis na po ako." Nakayuko kong sinabi sa harapan nina Daddy at Tita Rochelle.

Narinig ko ang mahinang iyak ni Manang Stella sa aking likuran. Habang nagiimpake ako ng gamit ay pilit niya pa rin akong kinukumbinsi na huwag na munang umalis pero buo na ang desisyon ko.

Nawala agad ang atensyon ko kay Manang Stella nang marinig ko ang matigas na boses ni Daddy.

"You are so selfish, Chandria! Hindi kita pinalaki ng ganito." Rinig na rinig iyon sa malaking sala namin.

Napapikit ako sa narinig ko mula sa sarili kong ama. Hinawakan ni Tita Rochella ang braso ni Daddy at wala nang sinabi. Gustuhin ko mang balewalain ang sinabi ni Daddy ay hindi ko magawa. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Hindi ko matanggap na iyon pa ang maririnig ko galing sa kaniya. 

Tiningnan ko si Daddy. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mukha. Napalunok ako at hindi ko pinapakita ang tunay kong nararamdaman.

"Doon ko na po tatapusin ang pag-aaral ko. Isang taon na lang naman po." Pagpapatuloy ko. 

"Chandria..." Naiiyak na pigil sa'kin ni Manang Stella.

Hindi ko iyon pinansin. Gusto kong matapos na ang pag-uusap namin ni Daddy para makaalis na ako. Ayokong umiyak sa harapan nila, lalong-lalo na sa harapan ni Tita Rochelle. 

"Aalis ka at gagayahin mo ang kapatid mo na sinuway rin ako. Napag-usapan ni'yo ba ito? Sumagot ka, Chandria!" Sigaw niya.

"Charles..." Pigil ni Tita Rochelle sa kaniya.

Huminga ako nang malalim at muling tiningnan si Daddy.

"Kagustuhan po naming tumira roon sa Nueva Ecija..."

"Dito ang buhay ninyo!" Sigaw niya ulit.

"Gusto kong makasama ang kapatid ko at si Grandma. Why can't you understand my decision, Dad?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Humakbang nang kaunti si Daddy kaya natanggal ang hawak ni Tita sa kaniyang braso. 

"Hindi ko kailanman maiintindihan ang desisyon mo. Nandito ako kaya nandito ang pamilya mo!" 

Wala sa sarili akong napatingin kay Tita Rochelle na nasa likuran niya. Malungkot siyang nakatingin sa akin at naalala ko agad si Mommy. Simula noong makita at makilala ko siya, hindi na ako nagtaka kung bakit minahal siya ni Daddy. Ibinalik ko ang tingin ko kay Daddy. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. 

"Wala rito ang pamilya ko." Wala sa sarili kong nasabi.

Natauhan ako nang maramdaman ang sampal ni Daddy. Malakas iyon kaya ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Charles!" Sigaw ni Manang Stella kasabay nang paglayo niya sa akin kay Daddy.

"Charles, why did you do that?" Galit na sigaw ni Tita Rochelle kay Daddy.

Galit kong tiningnan si Daddy at wala ng sinabi. Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod sa aming tatlo.

"Kung gusto mong umalis, umalis ka." Matigas niyang sinabi at tuluyan na kaming tinalikuran at umakyat sa pangalawang palapag.

Immortality in the Woods (Completed)Where stories live. Discover now