CHAPTER 04

159 12 3
                                    

CHAPTER 04: THE MAID

GIANNA'S POV

Alas singko pa lang ng umaga ay nakaligo na ako at nakahanda na ng sarili. Alas sais kong napag-isipang lumabas na ng kuwarto para kumain muna ng almusal. Pagkalabas ay saktong naabutan ko doon ang mag pinsan.

"Gianna, tara kain." Yaya sa akin ni Yam na halos puno ang bibig ng tawagin ako.

"Oo, bibili lang ako ng pagkain ko sa labas–" agad pinutol ni Xyrus ang pananalita ko kaya binalingan ko siya.

"Binilhan na kita, umupo ka na." Tumayo pa siya para kuhanan ako ng pinggan.

"Salamat, sa susunod huwag ka ng mag-abala. Kaya ko naman sarili ko e." Pasimple kong maktol dahil siya pa mismo ang naglagay ng ulam at kanin sa pinggan ko.

"Hindi ka kumain ng agahan kahapon at baka pati tanghalian, ano?" Kuryoso niyang tanong at pinaningkitan pa ako ng tingin.

Nagkamot ako ng batok. "Kumain naman ako, mga pagkaing tinitinda sa gilid gilid lang saka wala akong oras kahapon para maglibot–"

"Kaya kumain ka na. Mukhang maaga ka sa trabaho mo." Putol niya sa sinabi ko.

Bigla namang naubo si Yam kaya dali-dali siyang uminom ng tubig. "Ahem!" Ubo niyang mayroong kahulugan. Sinimulan ko na lang kumain kasama sila.

Matapos kumain ay bumalik ako sa kuwarto para kunin na ang cellphone at perang pamasahe. Nang palabas na ay maabutan ko si Xyrus na nakasandal sa pintuan ko.

Bahagya akong nagulat dahil abala ako sa pagkalikot sa bag ko ay bigla siyang sumulpot doon. "Ay kalabaw!"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinuotan ko rin siya ng noo. "Anong oras ka uuwi?" Tanong nito.

Ano ba naman siya. Hindi pa nga ako nakakapasok sa unang araw ng trabaho ko e uwi agad ang tinatanong niya. "Mga alas otso, yon 'yong binigay na oras ng amo ko e." Sagot ko. "Sige na. Alis na ako."

Akmang lalabas na ako ng tuluyan ng humarang siya sa pinto at bahagyang inayos ang eyeglass kong bumababa. "Mag-ingat ka." Sabi niya at tinapik ang ulo ko. Tumango naman ako.

———

Mabilis akong nakasakay ng jeep papuntang palengke saka sumakay ulit ng taxi patungo sa mansiyon na pagta-trabahuan ko.

Pinapasok ako ng matanda na siya ring nagpapasok sa akin kahapon na si manang Celia.

Napag-alaman kong siya ang mayordoma ng mga katulong dito. Konti lang ang katulong dito na sa pagkakasabi sa akin ay wala pa sa sampu, tatlo lang ata kaming bago.

In-assign ako sa pagwawalis ng malawak na hardin pati na rin sa likod ng bahay kung nasaan ang pool at sa pagdidilig ng mga halaman. Outdoor chores ang binigay sa akin na siyang gusto ko rin dahil kung sa mismong bahay ako ay baka kung ano pang kalampahan ang magawa ko at baka makasira pa ng mga mahahaling gamit.

"Ang damit mo at gamit panlinis ay nasa likod ng garahe. May cr doon kaya doon ka na rin magpalit ng damit mo." Tumango ako kay manang Celia na siyang nagsasabi lahat ng gagawin ko. Ako naman ay naglakad na patungo sa tinurong direksyon sa akin.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyOnde histórias criam vida. Descubra agora