CHAPTER 28

140 6 3
                                    

CHAPTER 28: MARRIAGE IN EXCHANGE

GIANNA'S POV

Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. I said yes to what he wanted us to be. Bakit? Hindi ko din alam, maski ako ay nalilito na rin sa nangyayari sa akin.

Ganoon na lang ba 'yon? After eight years, magtatagpo kami dito at ganito na?

At anong susunod na mangyayari kapag nagsimula ulit kami? 

I can feel that he'll just only offer me friendship. Tutal ay napakatagal na panahon na no'ng muntikan na siyang umamin sa akin, imposibleng may nararamdaman pa siya para sa akin. Pero ako, sigurado ako sa nararamdaman ko. Hindi na bale't I take the risk.

Wilson is a playboy. Walang kasiguraduhan ang pagmamahalan namin kung sakali– oh gosh! Did I say pagmamahalan?

"Ma'am, kape mo raw po. Ipinabibigay ni engineer Domingo."

Nagulat ako ng may nilapag ang sekretarya ng motel malapit sa akin na kape sa counter kung nasaan ako. May pilyong ngiti sa labi nito.

"Sa akin?" Nalilito kong tanong.

"Isa lang naman po ang kilala kong ms. Aquino na may flower shop..." Ngiti niya. "At single."

Naiilang ko na lang iyong tinanggap. "Thank you."

"Magkakilala kayo ni engineer, ms. Aquino?" Tumango lang ako. "Kaya pala kung banggitin niya ang pagkatao mo sa amin e alam na alam niya. Alam mo 'yon, ms. Aquino, siya 'yong tipo ng isang lalaki na pinangangalandakan kung gaano ka niya hinahangaan. 'Yon bang isisigaw niya sa buong mundo ang pangalan mo para malaman ng lahat na ikaw lang ang para sa kaniya." Nakikilig na nagsasalita ang sekretarya. "Bagay na bagay kayo ni engineer, ms. Aquino."




———





Umuwi ako ng bahay ng mga alas dose ng tanghali. May mga turista pa rin akong naabutan roon dahil may ilang naka-parking pang sasakyan sa bakanteng lote. Kahit weekdays kasi e dagsaan pa din.

Wala akong naabutan na tao sa bahay, panigurado't nasa farm na naman si mama.

Lumabas ako sa backdoor at naabutan ko nga si mama roon kausap ang isang ka-edad niya na turista dito na sa pagkakaalam ko ay kakilala niya rin.

Akmang lalapit ako para kunin ang atensiyon niya nang mapatigil ako dahil sa sinabi ng kausap niya.

"Nako Trinidad, naka tatlong apo na nga ako sa nag-iisa kong anak." Saad ng kausap. "Lola na lola na talaga ako, nakakapagod mag-alaga ng apo pero kapag naman inaalagaan ko sila, naliliwaliw ako. Kapag wala ang mga magulang nila, sa akin pinapaalaga." Nasisiyahan nitong pagkuwento.

Nakita ko sa ekspresyon ni mama ang pagdaan ng lungkot.

"Mabuti pa nga ikaw, Suling." Napatigil ang kausap ni mama. "Heto ako't may sakit nang dinadamdam. Wala pa ding nasisilayang apo." Napahinto na ako ng tuluyan sa paglapit. "Iyong panganay ko e wala atang planong mag-asawa. Tinutulak ko na ngang mag-asawa e."

Bahagyang natawa ang kausap ni mama para pagaanin ang usapan nila. "Baka naman wala pang natitipuhan. Ano ka ba naman, Trinidad."

"Mag be-bente siyete na siya ngayong buwan, Suling at ni isa wala pang pinapakilalang lalaki man lang sa akin." Naiiling-iling na lang ako sa naririnig. Bahagya pang natawa si mama. "Gusto ko ngang sabihin sa kaniya na kahit magpabuntis na lang siya at kahit huwag nang mag-asawa kung ayaw niya, basta gusto ko ng apo."

Natawa na lang silang pareho. "Edi lumaking walang ama 'yong bata kung sakali."

Sa huli ay natatawang umiiling si mama.





Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now