CHAPTER 18

125 5 3
                                    

CHAPTER 18: CONFESSIONS AND CONFUSSIONS

XYRUS' POV

Pagkadating sa apartment ay dumiretso agad kami sa kaniya-kaniya naming mga kuwarto. Si Yam na aligaga sa pagpasok at animo'y kinikilig hawak ang selpon nito.

Si Gianna naman na lantang gulay. Napagod siya at iidlip lang daw muna.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Naligo agad ako at nagpalit ng maayos na damit.

It's time.







GIANNA'S POV

Naalimpungatan ako at napatingin sa bintana pagkamulat ng mata. Medyo madilim na dahil alas sais na rin.

Suot ko pa rin hanggang ngayong itong leather black tube na damit ni Bea. Ganoon na lang ako sobrang napagod dahil maski pagpalit kanina ay hindi ko na nagawa.

Nagkakamot ako ng buhok at batok ng lumabas ng kuwarto at pumunta sa kusina.

Literal na napatalon talaga ako ng maabutan si Xyrus ng biglang lumitaw sa paningin ko.

"Good evening, Gianna." Anito. Napansin ko na naka-black polo siya ngunit boxer naman ang pang ibaba niyang sapin. Trip nito sa buhay?

"Magandang gabi." Tugon ko. "Anong trip 'yan, Xyrus?" Turo ko sa pormahan niya.

May inabot siya sa lamesa at isang pulang rosas iyon saka nilahad sa akin. "Para sa iyo."

Kinuotan ko siya ng noo. "Anong trip nga 'to, Xyrus?" Napapantastikuhan kong inabot ang rosas na lahad niya. "Salamat."

"Kain na tayo." Nilahad niya sa akin ang lamesa.

Nakita kong may nakahanda na roon na pagkain na pagdalawahan lamang.

"Para saan ba 'tong mga 'to? Mukha kang timang." Untag ko habang naupo. Naupo na rin naman siya.

"Simpleng selebrasyon lang dahil sa nangyari kanina. Naks naman at magaling ka pa lang kumanta."

"Hindi naman sa magaling. Marunong lang."

"Oh siya, kumain na muna tayo."

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari at sa kinikilos niya dahil kanina pa siya nakangiti.


Sarap na sarap ako sa pagkain ng bigla kong narinig si Xyrus na kumanta ng mahinahon.

Bakit ganito ang nadarama

Makita lang kita ng isang saglit

Nag angat ako ng tingin at naabutan siyang diretsong nakatingin sa akin. Napaawang ang bibig ko.

Ang araw ko ay buong buo

Sa gabi ikaw ang panaginip

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now