CHAPTER 17

116 5 3
                                    

CHAPTER 17: THE SONGS

GIANNA'S POV

Ganoon pa rin naman ang nangyari noong miyerkules. Maaga akong pumapasok para masundan si Wilson kung pumasok ba siya o hindi o kung anong ganap niya sa umaga.

Medyo okay na rin kami ni Xyrus. In fact, sabay pa kaming nag-lunch kanina kasama si Yam and speaking sa babaeng yon ay hindi ko pa rin nasasabi kay Xyrus iyong nangyari nang minsan ko siyang nakita isang gabi na may naghatid sa kaniyang lasing. Hindi ako makatyempo at mukhang hindi maalala ni Yam na nandoon ako no'ng oras na 'yon. Sabagay at lasing siya.

Walang clue si Xyrus sa pagiging vocalist ko sa music club. Hindi rin naman kasi nagtanong at hindi rin naman sinasabi ni Yam.

Kahapon nagpractice kami sa banda kaya nakilala ko ang ibang kasama roon. Si Anjo na president at ang drummer. Si Lorenz na electric guitarist. Si Jeba sa organ. Julio sa bass guitar at sina Lene at Bea na siyang back-up singer. Maganda ang first impression ko sa masamahang dalawang babae, palangiti sila at easy to approach rin.

Naging maayos ang daloy ng ensayo namin kahapon at bukas na namin iyon ipe-perform para makalikom ng funds para sa ipapatayong fountain. Walang gaanong prof bukas dahil balita ko ay may meeting sila kasama si sir Kit.

Nang dumating na ang hapon ay sinabay ulit ako ni Wilson pauwi. Mabuti at uuwi rin raw siya kaagad kaya ibinalita ko iyon kay madam Zeena ng madalian at nauwi naman nga siya. Good for him daw aniya.

At ngayong araw ng huwebes, excited na akong kumanta.



YAMAIRA'S POV

Natutuwa akong makita si Gianna sa kaniyang ayos ngayon. Alas tres na ng hapon at naroon na sila sa kanilang mini stage na pinagtulungan ng music club na buuin.

Naka all black silang lahat. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita si Gianna na naka black leather tube dress na hanggang taas ng tuhod at black booths with matching black lipstick pa. In fairness ang galing ng nag-ayos sa kaniya.

"Mic test, check." Ani Gianna na mas lalo kong kinangiti. Halatang bihasang-bihasa. Hindi ko akalain na sa kabila ng maamo niyang itsura, kumakanta rin pala siya.

Wala pang gaanong sophomors, juniors at seniors dito sa venue. Mayroon man pero konti lang. Freshmens like me ang marami.

"Magandang hapon, Quintinians!" May siglang paunang bati ni Gianna. "We are the One Blood Band Club and we are here to render some songs for you!" Ngumiti siya. "As the not official member of this group, in behalf of them, we are here to ask for your help. Any amount will do. The club planned a project for our school and they need your help. So without further ado's. Here is our first song. We hope y'all like it."

"One, two, three. Go!"

Kasabay ng paghampas sa drums ay nagsimula na sila.

There's a fire oh starting in my heart

Reaching a fever pitch, and it's bringing me out the dark

Finally I can see you crystal clear

Go 'head and sell me out and I'll lay your ship bare

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now