CHAPTER 10

147 8 4
                                    

CHAPTER 10: THE SMURF LOVER

GIANNA'S POV

Kinabukasan ay naabutan ko si Xyrus sa kusina na nagkakape. Nakatalikod siya ng upo sa akin kaya hindi niya ako napansing lumabas ng kuwarto. Suot pa rin niya 'yong jacket ko.

"Good morning." Bati ko sa kaniya saka siya nilapatan para damahin ang noo niya kung mainit pa siya. "Hindi na gaanong mainit." Mariin kong pinisil ang ilong niya pagkatapos.

"Aray! Para saan naman 'yon?" Sabi niya sabay inda sa ilong.

"Ulitin mo pang maghintay sa ulan, hindi lang 'yan ang matatanggap mo sa akin. Nakakainis ka!" Sabi ko at nagtimpla na rin ng gatas.

Naupo ako sa harap niya pagkatapos.

"Gianna..."

"Hmm?" Sagot ko sabay angat ng tingin sa kaniya.

"Huwag ka na ulit magpapahatid kay Callie ah." Nahihiya niyang sabi sabay baba ng tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman ako nagpahatid sa kaniya. Nagboluntaryo 'yong tao, saka ang kapal naman ng mukha ko kapag sinabi ko sa anak ng amo ko na ihatid ako. Hindi ako ganoong tao kung alam ko namang kaya ko." Sabi ko at humigop ng gatas.

"E yong damit na suot mo?"

Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay. Problema ba nito?

"Naabutan nga ako ng ulan sa harap ng bahay nila habang naghihintay ng masasakyan kaya iyon, pinahiraman niya ako ng damit. Basang basa na ako non e." Nag-angat siya ng tingin.

"Iyon lang? Wala siyang ginawa sa iyo o sinabi?" Tanong pa nito.

"Meron." Mabilisan kong sagot. Nakita ko siyang nagkuyom ng kamao at nagdilim ang mukha habang nakayuko. Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Tinanong niya ako ng 'can you be my girl?' daw." Panggagaya ko sa boses niyang kinatawa ko rin. "Hahaha!"

Agaran siyang nag-angat ng tingin. "Anong nakakatawa don? Pumayag ka naman?"

Natatawa akong sumagot. "Siyempre hindi. Naalala ko kasi 'yong sinabi mong manloloko at babaero siya saka binawi niya rin naman yong sinabi niya nong hinatid niya ako, sabi niya na biro lang daw iyon." Paliwanag ko habang nakangiti.

Ubos na ang gatas ko kaya nilapitan ko siya at muling nilapat ang likod ng palad ko sa noo niya. "Uminom ka ng gamot ah." Ginulo ko buhok niya. "Mauna na ako."


———


Dahil umulan kagabi ay mas naging mahirap ang paglinis dito sa bakuran. Mukhang lahat ata ng kasamahan kong katulong ay naroon sa loob. Ako lang ang nandito sa labas.

Hirap na hirap kong hakutin ang mga dahon ng may narinig akong nagsalita. "Manang Celia didn't tell you?" Napabaling ako ng tingin kay sir Wilson na naka jogging attire at pawis na pawis habang may headset sa tenga niya na kagagaling sa labas.

"Ano po?" Tanong ko.

"Tsh!" Suminghal lang siya at nilampasan ako saka dire-diretsong naglakad papasok sa mansiyon.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ