CHAPTER 14

129 9 5
                                    

CHAPTER 14: HER HELP

GIANNA'S POV

Lumipas ang isang buong linggo na walang pansinang namagitan sa amin ni Xyrus. Isang linggong napaka-awkward. Lagi akong tinatanong ni Yam dahil sa hindi namin pagpapansinan ng pinsan niya pero hindi ko siya sinasagot.

Hindi na kami gaanong nagkakasama ni Xyrus, mailap ko na nga siyang makita. Minsan pa nga ay ako na ang nagpapapansin pero mukhang ayaw niya sa ginagawa ko at mas lalo siyang naiirita kaya dedmahan na lang.

Linggo ngayon at tanghali na ako nagising. Alas onse imediya na. Kamot-kamot ulo akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kusina dito sa palapag namin. Nagtimpla ako ng gatas at bumalik ulit sa kwarto ko pagkatapos. Habang sumisimsim ng gatas ay napatingin ako sa lagayan ng ipon ko.

Binilang ko iyon at binudget, saktong pang dalawang buwan na lang iyon. Ikalawang linggo pa naman na ngayon.

Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ulit magtrabaho, pero saan?

Napakamot na lang ulit ako ng batok at inubos na ang gatas na iniinom ko.


WILSON'S POV

Pagbukas ng pinto ng bahay ay naabutan ko si mama na nakataas ang kilay at nakahalukipkip. "Umuwi ka pa." Sarcastic niyang sabi.

Nagbaba ako ng tingin.

"Maghapon kang wala kahapon tapos ngayon ka lang darating? Saan ka na naman nagpunta, Wilson?" Madness is evident in her voice.

"Ma, kina Albie ako natulog–"

"Huwag mo akong pinagloloko, Wilson. Alam mong hindi ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo." Hinila niya ako paupo sa sofa. "Tell me anak, saan ka totoong nakitulog?"

"Ma..." Nagbaba ako ng tingin. "Hindi na ako bata para pagbawalan niyo. For godamn sake, I am already twenty years old tapos ganiyan mo pa ako itrato. Ma naman, I need freedom, I know what I am doing–"

Mama cut my words. "Hindi kalayaan ang kailangan mo, anak. Disiplina." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Disiplina sa sarili mo ang kailangan mo. Sa tingin mo hindi ko alam iyang mga pinaggagagawa mo?" Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa braso. "Paano kung may mali kang magawa na makakasira sa buhay mo? What if makabuntis ka, anak. Mahirap maging batang magulang. Alam mo naman ang kuwento namin ng papa mo diba?" Napatango ako. "We were just teenagers no'ng pinagbubuntis kita. So based on our experience, hindi madali anak. Remember, kailangan pa nating malayo sa papa mo ng sampung taon just for us to be safe." Niyakap ako ni mama sa tagiliran. "Wilson anak, pinagsasabihan kita hindi para pagalitan, sinasabi ko ito para maging aware ka."

"But ma, alam ko naman ang mga ginagawa ko. I know my limitations–"

"Limitations?" Napataas na naman siya ng boses. "Sa tingin mo alam mo ang limitasyon mo? Ngayon ka lang umuwi at buong hapon kang wala, 'yon ba ang alam mong limitasyon mo?" Nasapo niya ang noo niya. "Nandito ang papa mo." With that, nagtungo na siya sa kusina.

Nakapalumbaba akong nagtungo sa kuwarto ko at dumiretso sa smurf kong kuwarto. Kapag ganitong oras na pinapagalitan o pinanghihihaan ako ng loob ay dito lagi ang tambayan ko.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now