CHAPTER 25

140 5 3
                                    

CHAPTER 25: THE PROJECT

WILSON'S POV

"Come with us, engineer. Ika-limang reject mo na ito kapag hindi ka pa sumama." Imbita sa akin ni Engr. Velazo. "Maraming magagandang babae doon sa bar, libangin mo naman sarili mo." He added.

Natatawa na lang ako at naiiling. "I have something to do at home, engineer." Palusot ko.

I've never been to bar since I can't even remember anymore. Matagal na panahon na iyon.

Hindi na nila ako pinilit pa dahil patuloy akong tumatanggi. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive na pauwi.

Nagulat ako pag-uwi ng madatnan na naroon ang mga lolo't lola ko.

Lola Karen, lolo Francisco, lola Decie and lolo Zeidi.

"Nandito na pala ang engineer na apo ko. Hug your lola, please." Ani lola Karen na mukhang matibay pa sa kabila ng edad niya.

Nagmano ako sa kanila isa-isa.

"Wala pa bang apo sa tuhod?" Nanunuksong saad ni lolo Zeidi. Nailing na lang ako. "Wala ka bang balak bigyan kami non, apo?"

"Lo naman, hindi ko pa kasi nahahanap iyong babaeng mamahalin at aanakan ko." I said that as a reason. Natawa na lang ako sa sariling palusot.

"Kung hindi mo mahanap apo, maghintay ka na lang hanggang sa uugod ugod ka na at kapag hindi mo pa rin mahanap, mamatay ka na lang na tigang." Ani lolo Francisco na nakatanggap ng sapak mula kay lola Karen.

"Tumigil ka, Francisco!" Sita niya.

Naiiling na lang ako sa kapilyuhan ng mga matatandang ito.

"Where's mama and papa by the way?" Baling ko sa buong bahay.

"Bumisita ang tito Kevin mo kanina."

"Tito Kevin?" Nagugulat kong pagkumpirma.

It's been five years nang huli ko siyang nakita at ngayon hindi ko man lang siya naabutan gayong bumisita pala siya.

"At nasa kwarto ang papa at mama mo na mukhang nagtatalo dahil hanggang ngayon, nakakaramdam pa din ng selos ang papa mo sa tito Kevin mo." Paliwanag ni lolo Zeidi.

Puro iling na lang ang nagagawa ko.

Hays, pag-ibig.

I went to my room to take a shower bago bumaba muli para sa dinner with my grandma's and grandpa's. Paniguradong ang pag-aasawa na naman ang itutukso nila sa akin nito.

I don't have plans yet to get married. Even though my friends pushes me to it, hindi pa ako handa sa pagpapakasal. Well, ready naman na talaga ako, ang papakasalan ko na lang talaga ang kulang.

Biglang nagring ang phone ko habang nagpapalit ako ng damit.

I tap to make it in loudspeaker. Maiingay na iyak ang bumungad sa tawag galing kay Albie.

"Peter, Paul, stop crying. Hintayin na lang natin ang mama niyo. Nariyan na sila–I mean siya."  Ani Albie.

Anong problema nito at tumatawag habang nag-aalaga ng kambal na anak?

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now