CHAPTER 24

128 5 3
                                    

CHAPTER 24: THE NEW BEGINNING

GIANNA'S POV

"Ma'am, nariyan na po ang driver ni mayor na kukuha ng in-order niyang mga bulaklak." Ani ng isang tauhan ko na si Vina.

"Sige at tawagan mo na si Jojo."

Lumabas ako ng opisina at hinarap ang driver ni mayor. "Si Jojo na po ang maglalagay ng mga bulaklak sa saksakyan niyo, mang Dante."

"Salamat, ma'am."

Nakipag-kwentuhan pa ako kay mang Dante tungkol sa gaganaping kasal ng anak ni mayor. Maya-maya ay tinawagan na naman ako ng isang tauhan.

"Ma'am, may tawag po sa opisina mo."

Nagpaalam na ako sa matanda at sinagot nga ang tawag.

"This is Maria Julia's flower shop. How may I help you?"

"May I talk to the owner, Ms. Gianna Aquino?" Anito.

"Yes, speaking."

"I would like to order some sunflowers and tulips. Can you make a bouquet out of it?"

"We'll deliver it then, what time do you need it? Send me your address, sir?"

Natawa siya. "I am Lucas Barera and I'll pick it up there maybe four o'clock. Will it be done in that moment?"

"I think my people can do it fast. I'll tell them kasi parang may importante kang pagbibigyan. I am right, Mr. Barera?" Pagbibiro ko.

"Well it's kinda bit part of my surprise for my girlfriend." Napangiti ako sa sagot nito.

Si Marina ang inutusan kong gumawa ng order si Mr. Barera.


———

Twelve noon nang naubusan kami ng stock ng sunflower dito sa shop. Mabuti at sakto ang mga huling stock dahil naiabot iyon sa bouquet ni Mr. Barera.

Kaya nagtungo kami sa flower farm namin to pick some of it.

Behind our house is our large and wide flower farm.

Imbes na dumiretso ako sa bahay ay naglakad ako patungong farm, naabutan ko doon si mama na nakikipagkwentuhan sa isang nangangalaga ng farm.

"Oh, nananghalian ka na ba?" Bungad niya sa akin ng makita ako.

Umiling ako. "Nawalan ng stock ng sunflower ang shop, ma." Binalingan ko si Sally na kausap ni mama. "Five dozen of sunflower. Ilagay niyo sa delivery truck sa harap ng bahay."

Tumango naman siya at umalis sa banda namin.

"May niluto ako sa bahay, mananghalian ka na muna." Tawag sa akin mama.

Dahil sa gutom na rin ako ay nagtungo na nga ako sa bahay. Naiwan si mama doon dahil aliw siya na panoorin ang mga nagpipitas ng bulaklak.

Habang mag-isa sa hapag ay nagflashback lahat ng mga nangyari sakin simula noong umuwi ako dito.

Luhang-luha kong kinukwento kay mama at Julia ang nangyari sa akin sa lungsod. Galit na galit si mama sa mga taong gumawa noon sa akin, ani e susugurin raw niya ang mga ito.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now