CHAPTER 22

118 6 3
                                    

CHAPTER 22: THE FEAR AND TRAUMA

WILSON'S POV

Nang matapos ang huling subject namin ay hindi mapakali ang aking pakiramdam habang pababa kami ng building.

"May problema ba?" Tanong ni Katy na kasabay ko.

Umiling lang ako.

Pagkababa ng building ay naabutan ko si Froi na may kasamang babae. Pamilyar ito at ng lapitan ko ay iyong pinsan ni Xyrus iyon kung hindi ako nagkakamali.

"Oh nasaan si Albie?" Bungad sa akin ni Froi.

Nalingon ko iyong kasama ni Froi na nginitian ako.

"I don't know– oh nariyan na pala." Nakita ko siya na palapit na sa banda namin.

Kalaunan ay natanong ko si Yam kung bakit hindi sila magkasama ni Gianna, sinabi niyang hindi sila magka-block sa huling subject at aniya'y baka magkasama sila ni Xyrus ngayon.

Bigla ko tuloy naisip kung sinusundan pa rin kaya ako ni Gianna. Paano niya iyon nagagawa ng hindi ko siya napapansin?

Kaya noong nakalabas na kami ng tuluyan sa gate ay umaasa ako na nasa hintayan pa lang sila ng sasakyan, mag o-offer akong isakay siya gaya ng kadalasan kong ginagawa ngunit taliwas ang naiisip ko dahil wala akong naabutan Gianna doon.

"Nauna na siguro siyang umuwi." Saad ni Yam na nasa labas ng sasakyan ni Froi habang hawak ang selpon nito. "Nandito pa kasi sa school si Xyrus, mala-late daw ng uwi."

Napatunganga na lang ako. Umuwi na ba talaga siya o baka nandito pa siya sa paligid para sundan ako?

Papasok na ako ng sasakyan ng may narinig akong sigaw na parang agad-agad iyong tinakpan ngunit naririnig ko pa din ang impit na sigaw nito.

Kinabahan agad ako.

Binaba ni Froi at Albie ang bintana ng kanilang mga sasakyan ng makitang lumalapit ako sa bandang nakaringgan ko ng impit na sigaw.

Sinenyasan ko silang bumaba. Bumaba rin ng kotse ni Froi at pati si Yam ay nakisali sa amin.

"Anong mayro'n?" Tanong ni Albie.

"May narinig akong sumigaw." Mahinang saad ko.

Sa parking lot two ko iyon narinig. Bawat parking lot kasi ay may humahating mga pader dito at nasa medyo tago ang parking lot two.

Dahan-dahan akong lumapit sa pader, bigla ay may narinig akong gigil na boses ng lalaki.

"Shut up or we're gonna rape you!" Anito. Narinig rin iyon ni Albie kaya lumapit rin siya sa akin.

Narinig namin ang pagpupumiglas ng babae.

"Shit, dude! Ang ingay niya!" Ani ng isa pang boses.

Sabay kaming nagtanguan ni Albie at sabay kaming nagpakita sa kabilang pader.

"Anong meron diyan?!" Mabilis kong saad.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now