CHAPTER 20

121 6 3
                                    

CHAPTER 20: THE BACK-OUT

GIANNA'S POV

Hindi nakatakas ang mapanuring tingin si Xyrus sabado nang umaga ng makita niya akong nakabihis.

"Saan punta mo?" Bungad niya habang nasa hapag siya kasama si Yam ba busy sa selpon nito.

"Pinapatawag ako ni madam Zeena sa mansyon nila."

Nag-angat siya agad ng tingin sa akin. "For what? Hindi ba ay umalis ka na sa kanila?"

Tumango ako.

Ayokong sabihin sa kaniya ang totoong rason ng pagpunta roon. Pupunta ako doon hindi para kunin ang perang suweldo ko kundi ang sabihing ayoko na sa ganoong trabaho. Alam ko na hindi ko nagawa ng maayos itong trabaho ko at wala na akong gagawin pa para maayos iyon.

Ayoko sa pagsunod sa kaniya kung ang kapalit no'n ay ang kaalaman sa mga ginagawa niya na hindi ko maatim.




———



Nasa tapat na ako ng mansyon nila ng maalalang may dadaluhan nga pala si Wilson na debut ngayong araw. Kung naaalala ko pa ang pangalan nong babae ay Lorri Fuentes.

Nag doorbell ako at si manang Celia ang bumukas no'n.

"Magandang umaga po, manang Celia." Bati ko.

Inaninag pa niya ako na halatang hindi ako maalala. "Gianna?" May tuwa sa boses niya. "Gianna, ikaw nga. Oh, anong dahilan at naparito ka?"

Ngumiti ako. "Nariyan po ba si madam Zeena?"

"Nasa loob siya, bakit?"

"May sasabihin lang po sana ako."

"Oh siya, sige. Pasok ka."

Maayos at malinis pa rin ang mansyon at halatang inaalagaan talaga ng maayos. Nadaanan ko muli iyong smurf na fountain at napangiti ako ng may maalala tungkol doon.

Wilson, inaalagaan ko si Smurfette kung alam mo lang. Tuwing gabi ay katabi ko siyang natutulog at iniisip na ikaw iyon. Hindi naman ako baliw pero gano'n ang iniisip ko patungkol sa iyo.

Pinapasok ako ni manang Celia sa opisina. "Madam, narito po si Gianna at gusto po kayong makausap."

"Sige, papasukin mo."

Hindi alam ni madam Zeena na paparito ako para mag back-out. Siguro ang alam niya ay ang pagkuha ko ng sahod ko.

Sinara ko ang pinto pagkapasok ko. Naabutan ko siyang magkasiklop ang mga kamay na nakapatong sa lamesa nila.

"Good morning po, madam Zeena." Bati ko agad at minataan siya.

"Bukod sa suweldo mo ngayon, alam kong may dahilan bakit naparito ka." Nakangiti nitong saad na siyang kinalukso ng dibdib ko.

Nagbaba ako ng tingin. "Nandito po ako hindi para kunin ang sweldo ko po, hmm." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ayoko na po dito sa ginagawa ko, madam."

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now