CHAPTER 29

256 8 3
                                    

CHAPTER 29: THE PROPOSAL AND MAKE LOVE

GIANNA'S POV

Sa tuwing break o lunch time ni Wilson ay lagi siyang tambay sa shop ko. Takang-taka na rin ang mga tauhan ko sa mga ginagawa at inaasta niya.

Bumibili siya ng flowers dito at binibigay rin sa akin. That's how weird he is.

Lagi kaming sabay mag dinner at sa dalawang linggong nagdaan ay hindi niya nakakaligtaang sabihin sa akin na seryoso siya sa pagpapakasal na offer niya.

"I am serious, Gianna. Papakasalan talaga kita. I know you can't trust people like me, you've got trauma but please, let me pursue you. I like you." Ganiyan ang sinasabi niya.

Hindi lang ako makapaniwala. He confessed his feeling for me eight years ago pero still mayroon pa rin ngayon? Is it real o baka pinagloloko lang ako nito.

I don't really know na nag e-exist ang ganoon feelings sa mahabang panahon.

I doubt him for that but I need him. I need him to give mama a grandchild.

"Happy Birthday ma'am." Bati ng mga kasama ko nang pumasok ako sa shop. They all greeted me.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang ilang mga pilyong ngiti nila na animo'y may gagawing kababalaghan, hindi ko na lang iyon pinansin.

Narito kasi silang lahat at mukhang walang tao sa stock room. Sinulyapan ko ang stock room at nakasara iyon.

Kahit nagtataka ay nagtungo muna ako sa maliit kong opisina at nilagay doon ang mga gamit bago nagtungo sa counter. Naroon pa rin silang lahat, nginingitian ako.

Imbes na tanungin ko sila sa inaasta nila ay inimbitahan ko na lang sila. "Hanggang alas tres lang tayo ngayon. Punta tayo sa bahay pagkatapos dahil may maliit na handaan." Sabi ko sa kanila.

Hindi pa rin talaga napawi ang ngiti nila kaya sinita ko na sila.

"Bumalik na tayo sa trabaho at tigilan niyo ko sa mga ngiti niyo." Pasiring ko pa silang inirapan.

"Hmm...ma'am." Lapit sa akin ni Vina. Tinignan ko siya dahil may tinatago siya sa likod niya. "May maliit kasi kaming surprise para sa iyo." Ani to na nangingiti.

Pasimpleng nangiti na rin ako.

"Pero kailangang isuot niyo po ito." Ipinakita niya sa akin ang isang blindfold na kulay asul at may mata ng smurf.

Kahit takang-taka na ay sinuot ko pa rin iyon para hindi masayang ang effort nila sa kung anong surpresa nila sa akin.

Halos lahat ata sila ay naramdaman kong inakay ako. Tama nga at nasa stock room ang surpresa.

Naramdaman kong binuksan nila ang pinto kaya pumasok ako doon.

Pagkasara ng pinto ay wala na akong ni isang narinig.

"Tatanggalin ko na ba?" Tanong ko ngunit biglang boses ng pamilyar na lalaki ang sumagot.

"Yes."

Si Wilson.

Pagkatanggal ng blindfold ay bumalagta sa akin ang puro pulang lobo na nakasabit sa kisame. Ang mga bulaklak dito ay nasa gilid ngunit nakaayos silang lahat. Nasulyapan ko si Wilson na naka suit.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz