CHAPTER 13

125 7 3
                                    

CHAPTER 13: THE BENCH

GIANNA'S POV

"Tara na." Yaya ko kay Yam na kalalabas lang sa kuwarto niya. "Si Xyrus?" Dagdag kong tanong bago binalingan ang pinto ng kuwarto niya.

Sumilip siya sa kuwarto ni Xyrus. "Xy, tara na!" Tawag niya sa loob. Nakakunot ang noong bumaling siya sakin. "Wala siya."

Nagkibit-balikat na lang si Yam at nauuna nang naglakad pababa.

Naabutan namin si aling Dina sa labas ng gate na may kinakausap na isang border rin dito sa apartment.

"Magandang umaga, aling Dina." Agaw ko sa atensiyon niya.

"Magandang umaga rin, Gianna."

"Hmm, nakita niyo po bang lumabas na dito si Xyrus?" Tanong ko rito sa kaniya.

"Iyong lalaki bang laging naghihintay sa'yo rito tuwing gabi noon? Ano nang pangalan non, Xyrus?" Tanong nito kaya tumango ako. "Kanina pa siya umalis. Naka uniporme naman siya." Sagot nito.

Tumango na lang ako. "Sige, aling Dina. Salamat po. Mauna na kami." Paalam ko at nginitian naman niya ako.


——



"Sa tingin mo, bakit hindi tayo hinintay ni Xyrus?" Naguguluhang tanong ni Yam sa akin habang paakyat na kami ng building namin.

"Ewan ko, hindi ko alam." Naguguluhan ko ring sagot.

"Nagiging weirdo na ang pinsan kong 'yon these past few days." Suminghal pa siya bago naunang naglakad.

"Sis, nakita mo ba 'yong scene sa parking lot kahapon?" Rinig naming saad ng babaeng nakasalubong namin, kausap nito ay ang mga kaibigan niya.

"About Callie and Francine?" Napapantastikuhang tanong naman ng kasama niya.

Umirap sa hangin ang isa. "Yup, masyadong feeler 'yong Francine na 'yon. Like duh! Sabihin ba namang siya lang gusto ni Callie."

"True! Hindi pa siya nasanay, para saan pa ang 'Callie the great playboy' na bansag sa kaniya. Hindi ba siya aware, girl? Hambalusin ko siya e." Arteng sabi naman ng isa.

"Pero kung ako yun, ayos lang. Kahit paglaruan niya ako, basta makalapit lang ako sa gwapong Callie na 'yon."

'Yong lang ang marinig kong usapan nila.

Nairita ako ng mapagtanto ang point ng usapan nila. May mga tao talagang inuuna ang kalandian kaysa ang dignidad sa sarili. Mas nananaig ang kaharutan sa katawan nila kaysa sa pagkatao nila. Tinataya ba naman nila ang sarili kahit alam nilang paglalaruan lang sila?

Hays.

"Gi, tara na. Late na tayo sa unang subject." Bulyaw sa akin ni Yam.



———




Kasabay nga naming nananghalian si Xyrus pero parang wala pa rin siya rito sa harap namin. Hindi man lang niya ako tapunan ng tingin kahit isang sulyap lang.

Tahimik kaming kumakain dito sa harap ng building ng College of Law na soccer field. Hindi kami sa cafeteria kumain kasi sobrang daming tao roon.

May benches naman dito na may table rin sa gitna kaya puwede na.

"Xyrus..." Agaw ni Yam ng atensiyon sa pinsan niya. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin at pokus parin siya sa kinakain. "Bakit hindi mo kami hinintay kanina? Buset ka ah!" Maktol ni Yam habang ngumunguya.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now