CHAPTER 08

138 9 3
                                    

CHAPTER 08: THE GROCERIES

GIANNA'S POV

"Hoy abs, nandito na ako. Mamaya na lang kita tatawagan kapag tapos na ako sa trabaho." Saad ko sa kabilang linya katawag si Xyrus.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ng mansiyon.

"Huwag ka masyadong magpapagod, gatas." Napangiti ako ng banggitin niya ang binigay niyang nickname sa akin kanina lang ng ihatid niya ako sa sakayan sa main road.

"Yes po, abs." Nakangiti kong sagot.

Narinig ko siyang tumawa. "Feel na feel mong tawagin akong abs, ah. Naaakit kana ba ng shinning abs ko?" Tukso nito.

"Manahamik ka diyan, Xyrus. Alam mong hindi nakaka-attract ang abs sa akin. Hindi tatalab 'yang pa shining-shining abs mo na 'yan."

"Edi sige. Sabi ko e." Sabi nito. Akala ko ay papatayin na niya ang tawag ngunit may pahabol pa siyang sinabi. "Hmm, gatas... ano, puwede bang huwag kang gaanong lumapit kay Callie."

Tinaasan ko siya ng kilay na animo'y nakikita niya ang ekspresyon ko. "Bakit e anak 'yon ng boss ko?"

"Basta, huwag kang masyadong naglalapit sa kaniya." Sabi nitong kinangiti ko.

"Bakit, selos ka?" Bigla kong naalala kagabi na ewan ko kung hinalikan niya ba ako. "Hoy abs, nay pag-uusapan tayo mamaya ah."

Narinig kong nahigit niya ang hininga niya. "Matatakot na ba ako?"

"Matakot ka talaga. Ninakawan mo pa ako..." ng halik.

"Gatas, wala akong kinukuha sa iyo ah."

"Hmm basta alalahanin mo, meron." Sabi ko at inayos na ang eyeglass. "Sige na at papaasok na ako."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pinatay ko na ang tawag saka binulsa na ang selpon.

"Ay kalabaw!" Nagulat ako sa lintek na lalaking bigla-biglang lumilitaw sa harap ko. "Sir, huwag kang nanggugulat." Nahihiya kong sabi kay sir Wilson at bahagyang hinaplos ang dibdib ko dahil sa gulat.

"Kanina ka pa diyan." Seryoso niyang sabi. Tumingin pa siya sa relong pambisig niya. "Its already 7:10. Late ka na ng sampung minuto."

Napakamot ako sa batok dahil sa nahihiya ako at napahiya. "Sorry po, sir. Hindi na po mauulit–"

"Diyan ka lang." Sabi nito at pinutol pa ang sinasabi ko bago siya pumasok sa loob at binuksan ng malawak ang gate.

Naguguluhan ko siyang pinanood hanggang sa nakita ko siyang nagtungo sa garahe at pumasok sa kotse niya.

Nang nasa tapat na ang kotse niya sa kinaroroonan ko ay nagsalita siya. "Hop in." Sabi nito at binuksan ang bintana ng kotse sa passenger seat.

Napatingin ako sa mansiyon. "Hmm sir, maglilinis pa po ako–" pinutol niya muli ang sasabihin ko.

"Manang Tina will do that." Patukoy nito sa isang kasamahan ko. "At sinabi na ni mama na samahan mo akong mag-grocery. Manang Celia is busy. Ako ang inutusan ni mama kaya tara na." Mahabang paliwanag niya.

Sumilip ako sa bintana niya. "Seryoso ka sir ah? Baka pagalitan ako mamaya–"

"Do I look like joking around?" Taas kilay niyang tanong. "Bilisan mo na at ng mabilis lang tayo doon, after that balik linis ka na." Dahil na naman sa hiya at nagpapaka feeling VIP na ako dito ay pumasok na ako sa sasakyan niya. "Seatbelt." Napabaling ako kay sir Wilson ng sabihin niya iyon.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyWhere stories live. Discover now