CHAPTER 05

159 10 3
                                    

CHAPTER 05: THE FERRIS WHEEL

GIANNA'S POV

Lumipas ang dalawang linggo na nagtrabaho ako doon kina madam Zeena. Iyong unang linggong sweldo ko ay pinadala ko kina mama. Pangalawang sweldo ko kahapon kaya tinawagan ko si mama para sabihing magpapadala ulit ako pero sinabi niyang itago ko na lang muna itong nasuweldo ko ngayong linggo dahil para na daw ito sa akin. Pumayag naman narin ako para makapagsimula na ring makapag-ipon para sa pag-aaral.

Linggo ngayon at walang trabaho. Tinignan ko ang oras ng makagising at alas otso na.

Magulo ang buhok ko habang kinukusot ang mga matang lumabas ako sa kuwarto. Sinuot ko ang eyeglass dahil hindi klaro ang paningin ko kapag hindi ko 'yon suot.

Nagtitimpla ako ng kape ng may narinig akong nagsalita sa likod ko. "Good morning."

Nginitian ko si Xyrus na tumabi sa akin at nagtimpla ng gatas niya. Nakatopless na naman siya.

"Hindi ka ba nilalamig? Napapansin kong lagi ka na lang walang suot pang-itaas." Ani ko at naupo sa hapag. Sa ilang linggo kong nakasama itong magpinsan ay araw-araw kong napapnsin si Xyrus na walang suot pang-itaas.

Minsan nga ay kinompronta ko si Yam na kaya laging ganon ang pinsan niya ay baka nagpapa-impress siya sa babaeng nasa room 10 na si Hanna. Maganda naman kasi siya at mukhang type niya rin si Xyrus.

"Ang init nga e." Sabi niya at naupong tumabi sa akin. "Oh tinapay." Bigay niya sa akin kaya kumuha naman ako.

"Salamat." Akmang hihigop ako ng kape ng pigilan niya ako bigla. Kuryoso akong napatingin sa kaniya. "Bakit?"

"Hindi ba ay lagi mong iniinda ang sakit sa mga tuhod at paa mo." Sabi nito at binigay sa akin ang gatas na tinimpla niya. "Gatas ang inumin mo, huwag kape. Mababa sa tingin ko ang calcium sa katawan mo kaya mahina mga buto mo." Sabi pa nito at dali-daling hinigupan ang kapeng tinimpla ko para hindi ko na iyon makuha pa.

Magrereklamo pa sana ko dahil sa mga kinikilos niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Dalawang linggo na ang lumipas at araw-araw ay nawi-wirduhan ako kay Xyrus at sa mga galaw niya. Hindi ko maintindihan bukod sa napaka-alaga niya ay maaalahanin.

Nagpasalamat na lang ulit ako sa kaniya at hinigop na ng tuluyan ang gatas. "Tulog pa ba si Yam?" Basag ko sa katahimikan.

"Tanghali na 'yon gigising. Hayaan mo." Sabi niya at tinitigan ako. "Malabo ba talaga paningin mo?" Tanong nito.

Naiilang akong yumuko at tumango. Naiilang ako kapag tinititigan ako ng isang tao. Ako ang tititig, okay pa.

"Hindi ko alam kung anong nangyari, isang araw lumabo na lang paningin ko kaya kinailangan na ng tulong ng eyeglass para klaro ang paningin ko. Saka sa alam ko, nasa lahi namin sa side ni papa ang mahihina ang paningin–" naputol ang sasabihin ko ng dahan-dahan niyang inangat ang baba ko at tinanggal ang eyeglass na nakasuot sa akin.

Titig na titig ako sa kaniya kahit hindi ko siya gaanong maaninag dahil sa kawalan ng eyeglass ng maramdaman ko na may humaplos sa gilid ng kaliwang mata ko.

"Mas maganda ka lalo kapag wala kang eyeglass." Sabi niya saka binalik rin agad ang eyeglass ko. "Kaso hindi mo ako makikita kapag wala ka nito." Sabi niya at ngumiti.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang