A Poem for Project Loki

4.5K 70 3
                                    

Ngiti ko'y abot na hanggang tenga at hindi ko mawari ba't gan'to ako kasaya.
Kay tagal kong hinintay ang araw na'to at pakiramdam ko'y hindi ako makahinga.
"Breathe in, breathe out," wika ni Alistair na kanyang kababata.
Hay! Ganyan pa rin siya at napakamaalalahanin sa kapwa.

Sa malayo'y nakaupo sa bench si Lorelei at Loki, magkatabi.
Hindi man halata ngunit alam kong pinagaaralan na nila ang mga tao sa tabi-tabi.
Ba't gano'n? Kahit hindi sila mag-usap ay para na silang may sinasabi?
Nakakakilig dahil feeling ko'y may something na sila lamang ang nakaiintindi.

Tamang-tama ang lugar na aming kinaroroonan at pinagpahingahan
matapos ang ilang b'wan na may abduction, panlalason, at patayan na kababalaghan.
Tingin ko'y tapos na ang misteryo na dulot ni Stein Alberts, estudyanteng kanilang kinabahalaan
Wala na rin siguro ang apat niyang heneral na liligid-ligid sa kung saan-saan.

Patay na si Bastien Montreal, galamay ni Moriarty sa polisya.
Si Augustus Moran na EIC ay buking na pero sinungaling na tagapag-hatid ng balita.
Luthor Mendez, kapatid ni Loki, naiintindihan ko na kung bakit ka sumali sa kanila.
Pero si Jamie Santiago? Hindi ko pa rin magets ba't nagtatago sa likod ng maskara.

Ang QED Club na pinag-umpisahan ng lahat ng bagay na puro may kabuluhan.
Oo nga pala, kaluluwa ni Rhiannon o Rhea'y mapunta na sana sa kapayapaan.
Ngayon lang ay aking napagtanto, tulong kaya ng Mystery Club na minsang pinagkaguluhan,
sa bandang huli kaya o sa susunod na taon ay maisip pa kayang pahalagahan?

Clark High, dito naman talaga nag-umpisa ang lahat.
Paghingi ni Lori ng tulong para sa kanyang secret admirer na may masama palang balak.
Dumating si Loki at pagkalipas ay hininging pabor ang kanyang membership sa club.
Oh no, doon pala sa apartment ni Tiya Martha ang una nilang pagkakakilala. Haha!

Nakakatuwa at parehas pa silang naka-shirt na kulay itim at puti.
May mukhang pagsang-ayon si Lori habang taimtim ang tingin ni Loki.
"Hoy! Tama na yang imahinasyon mo't tapos na ang Project Loki!"
Napabusangot ako 'pagkat tama ang aking katabi't wala na talaga ang aking minimithi.

Project Loki Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon