The Real Queen

2.2K 63 87
                                    

LORELEI

KUSA NA lang akong nagising. Palagay ko naman ay umaga na kaya tiningnan ko ang cellphone ko. Tama nga ang hinala ko. My phone says 6:37 am so I decided to clean myself. Paglabas ko ng kwarto ay tahimik na sala ang sumalubong sa 'kin. It's normal that Loki is still on his room. Probably snoring on his bed while saliva flows out of his mouth. Eew. Bihira naman kasing nagigising 'yon ng maaga.

I washed my face and brushed my teeth before preparing a cup of tea. Nagsaing na rin ako sa rice cooker. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko saka naupo sa isang sofa.

I was busy reading some articles when Loki's door opened. Lumabas sa kwarto ang isang lalaking may magulong buhok. Teka, lagi naman palang magulo ang buhok ni Loki. When did he have time brushing his hair anyway? I don't know. Maybe because he doesn't really brush his hair.

"Good morning," bati ko.

He yawned and looked at me. "Morning."

Nagtungo siya sa kusina at pagbalik ay may dala na ring mug. I can smell the faint scent of tea.

Naupo siya sa harap ko at inilapag ang hawak. "Kumain ka na?"

I shook my head.

"What do you want to eat?"

I was about to answer nang may marinig kaming katok. It stopped after its third knock. Ako na ang nagkusang tumayo dahil hindi naman nagbubukas ng pinto si Loki. Can I ask for a salary for opening the door everytime we have visitors? I disregard the idea. I can't ask for payment because we're living in the same room.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Jamie. She is wearing a red blouse and black pants na pinaresan ng itim din na sapatos. Sa isang kamay ay may hawak siyang mga plastic. I can bet from the smell of it na pagkain ang mga laman niyon.

"Good morning, Lori!" she greeted, hyped-up.

I returned the greeting. "What brought you here?"

She raised her hand that holds the plastic. "Breakfast?"

I smiled and opened the door wider. "Pasok ka."

Dumiretso siya sa kusina na parang sanay na sanay na pumasok sa amin. Sinundan ko siya at nakitang nilalabas niya ang mga laman ng dala. Puro ulam ito.

"Hintayin na lang natin ang kanin," saad ko. Kumuha ako ng mga plato at kutsara't tinidor. Umikot sa buong kwarto ang amoy ng mabangong ulam.

"Pinaluto ko 'to para naman hindi puro galing sa fast food chains ang kinakain ninyo," aniya.

Nagpasalamat ako sa kanya. Bumalik kami sa sala at doon nag-antay hanggang sa maluto ang kanin. As usual, Jamie clings to Loki na hindi naman sinisita ng huli. Hindi ko na lang sila pinansin. It's not like Loki and I are in a relationship.

Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Jamie.

"Kung wala kayong plano sa New Year, we can celebrate it together," tuwang-tuwa niyang sabi.

Inalala ko kung anong araw na ba ngayon.

"Jamie, November pa lang ngayon. Hindi ba parang masyadong maaga pa para dyan?" tanong ko at sumubo.

Project Loki Fan FictionWhere stories live. Discover now