Curse 1

1.7K 58 4
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


"Tatlong cornetto na rin po," saad ko sa tindera pagkatapos basahin ang text message ni Bethany. Ako na nga ang inutusan nilang bumili, talagang nagpalibre pa ng ice cream.


Tinago ko ang cellphone sa bulsa ko saka pinanood na asikasuhin ng tindera ang mga binili ko. May nakapalibot sa kaniyang medyo maitim na aura. Not because she's mad or not in the mood right now, kun'di dahil literal na may nakapalibot sa kaniyang nangingitim na aura na tila ba isang usok.


Ito ang unang beses kong bumili rito kaya hindi ko alam ang dahilan kung bakit gano'n ang kulay ng aura nito. Pagkatapos niyang ilagay sa plastik ang mga binili ko, inabot niya 'yon sa'kin nang may ngiti sa labi.


Just a second of physical contact is what I need.


Inabot ko ang bayad ko kasabay ng paglalahad niya ng kaniyang palad. Nang maramdaman ko ang pagdikit ng balat namin, bahagya akong napaatras. Napatulala ako sa mukha niya at naguguluhan naman niya akong tiningnan. Tila nawi-weirduhan siya sa'kin.


Kaya pala. Kaya pala gano'n ang kulay ng aura nito, dahil sa kasalanang ginagawa niya. Ilang beses na siyang nangupit ng pera sa tindahang 'to, ginawa na niya rin 'yon sa dati niyang mga trabaho, pati sariling kamag-anak niya, pinagnanakawan niya. Nagawa na rin niyang makapanakit para lang makapagpuslit ng pera. Hindi siya tumitigil at hindi siya titigil. Uulit-ulitin niya lang ang ginagawa niya.


Nang ia-abot na niya ang sukli, hinayaan kong ilapag niya 'yon kaysa kunin mula sa kaniya. Ayokong makita na naman ang kasalanang ginagawa niya. Hindi man lang siya nakokonsensiya.


Agad akong umalis doon at naglakad pauwi. Pilit kong iniiwasang tingnan ang mga tao sa paligid, ngunit kahit anong iwas ko, pansin ko pa rin ang mga aura na nakapalibot sa bawat isa. Iba-iba ang kulay ng mga 'yon.


May kulay puti para sa mga taong may mabubuting loob at hindi nakagagawa ng mga mabibigat na kasalanan. Bihira at konti lang ang nakikitaan ko nito. Kulay abo para sa mga sakto lang. Hindi mabait pero hindi masama. Ito ang kulay na madalas kong nakikita sa mga tao. Meron ding kulay na halos nangingitim na, just like what I saw earlier. People with this color of aura have done misdemeanor crimes. But the worst is dark black. I really hate seeing that aura because it only means one thing, that person have committed a serious crime, a felony. Murder or rape.


Saglit kong sinulyapan muli ang tindahan. I wanted to warn her but I know she must pay for her sins, sa mga ginawa niya at gagawin niya.


Yes. I can see auras and by that, I can tell if someone is a good person or not. Kaya ko ring makita ang mga pinakatatago-tagong kasalanan na nagawa o ginawa ng isang tao, maski na ang mga kasalanang magagawa o gagawin mo sa hinaharap.


At ang tinderang 'yon? Makukulong siya dahil sa ginagawa niya. Hindi parating nasa tabi niya ang swerte at lagi na lang siyang makatatakas sa mga kasalanan niya. Soon, karma will ask her for a payment.


Pinagpatuloy ko ang paglalakad nang nakayuko. Ayokong tingnan ang mga aura nila. Ayokong isipin kung ano ang mga kasalanang ginawa at gagawin nila dahil oo, marami akong nakikitang may kaitiman ang aura at ayokong maniwala lalo ang sarili ko na marahas at mapanganib ang mundo. Kaya ayokong tingnan ang mga aura na meron sila.

Gifted with Curses (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin