Curse 15

764 46 0
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


Pagkatapos kong baliin ang plastic spoon at fork, nilagay ko 'yon sa karton na pinagkainan ko. Sinulyapan ko ang tatlong magkakaibigan nang sabay-sabay silang tumayo at umalis. Kanina pa sila tawa nang tawa, hindi ko rin kasi sinasadyang marinig na ngayon na lang sila ulit nagkita-kita.


Napangiti ako habang pinanonood silang makalayo.


Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag nang maalalang kanina pa pala 'to nakatago. Baka kasi ma-snatch mula sa'kin kaya hindi ko nilalabas simula kanina.


Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang dami ng messages.


Seryoso? 132 messages at 72 missed calls?


"Anong nangyayari sa mga 'to?" tanong ko sa sarili nang makitang mula kina Bethany at Brianna ang karamihan. Ang iba naman ay sa magpipinsan.


Gusto ba nila akong inggitin dahil magkakasama sila?


Hindi ko na binuksan ang messages at dinial na lang ang number ni Brianna na may pinakamaraming missed call sa'kin. Hindi pa ata nakakailang ring nang sumagot siya.


"Nasaan ka?" tila nagmamadali nitong tanong.


"Convenience store, dito sa tapat ng university. Dumaan pa kasi ako sa bahay nina tita para ibigay 'yong pinaaabot ni mama."


Nagutom kasi ako kaya napagdesisyunan kong kumain muna. Baka kasi wala pa sila sa bahay at wala pang naluluto. Nilagay ko ang inumin sa bag saka sinara 'yon.


"Diyan ka lang. Pupunta kami."


"Ano? 'Wag na, malapit naman na ako. Sira ka."


"Diyan ka lang! 'Wag kang aalis."


Hindi pa man ako nakasasagot, binaba na niya ang tawag. Ano bang nangyayari sa kanila? Pinagti-tripan ata ako ng mga 'yon eh.


Napailing ako at bumili na lang din muna ng ice cream. Bumalik ako sa pwesto saka tinanaw ang labas. Medyo dumidilim na rin ang kalangitan. Masiyado kasing marami ang napagkwentuhan namin ni mama. Pinagluto niya pa 'ko ng paborito kong ulam.


"'Wag kayong matakot sa kakayahan niyo, tanggapin niyo nang buo. Dahil kung hindi, baka angkinin niyan ang pag-iisip niyo at mawala kayo sa mga sarili niyo."

Gifted with Curses (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ