Curse 6

839 43 2
                                    

BRIANNA SUNSHINE


Sunod-sunod na katok ang gumising sa'kin. "Brianna! Hoy, gising!"


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa nagmamadaling tono ng boses ni Brittany. Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan. Nagtaka pa ako dahil nauna siyang magising kaysa sa'kin. Saka sabado ngayon kaya bakit ang aga naman ata niyang bumangon?


Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, sumalubong sa'kin ang magulo niyang ayos, magkasalubong ang mga kilay niya, at kagat-kagat ang kuko. "Si Bethany," saad niya saka ako hinila palabas.


Agad na kumabog ang dibdib ko. Kahit hindi niya pa sinasabi, may ideya nang pumasok sa isip ko.


"Bethany?" pagtawag ko saka sunod-sunod na kumatok sa pinto niya.


Oh squash, not again.


"Bethany," medyo malakas na banggit ni Brittany sa pangalan nito. Kinatok niya rin ang pinto nang malakas at sunod-sunod.


Nang wala pa ring sumasagot at wala kaming marinig na kahit na anong ingay, nagkatinginan kami pareho. Tila nagkaintindihan naman kami nang bigla siyang umalis at pumasok sa kwarto niya.


Habang hinihintay ko siyang makabalik, muli kong kinalampag ang pinto ni Bethany. "Hoy, babae! Kung nagbibiro ka, tigilan mo na ah. Hindi nakatutuwa!"


Pero kahit anong lakas ng katok at boses ko, wala pa ring sumasagot.


"Geez, patay tayo nito eh," mahinang saad ni Brittany pagbalik niya. Agad niyang pinasok sa doorknob ang hawak na susi.


Nang mabuksan namin ang pinto, dumapo ang mga tingin namin sa mahimbing na natutulog na si Bethany. Mabilis kaming naglakad palapit sa kaniya. Kalmado ang paghinga at payapang-payapa ang tulog nito. Umupo kami sa tabi niya at umasang magigising siya.


"Hoy, Bethany! Si Tune oh!" biglang sigaw ni Brittany na maski ako ay nagulat. Pero wala pa ring epekto.


Ginalaw-galaw pa namin ang braso nito bago kami tuluyang nakumbinsi. Nasa malalim na tulog na naman ito dahil sa ginawa naming panliligtas kahapon.


"Paano na?" tanong ko habang nababahalang nakatingin sa natutulog na si Bethany.


"Kailangan natin 'tong ipaalam." Bakas ang kaba sa mukha namin pareho. Nakita ko pa ang paglunok niya bago ilabas ang cellphone at nagtipa.


Hindi magandang balita ito sa kanila. Minsan na nga lang kami nakatatawag tapos ito pa ang bubungad sa kanila. Napakagat ako sa labi nang itapat na ni Brittany ang cellphone niya sa kaniyang tainga.

Gifted with Curses (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ