Curse 12

789 42 7
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


"Ano ba kasi 'yon?" bulong ko sa sarili habang papunta sa kwarto ni Bethany.


Sinara ko ang huling butones sa uniform ko saka huminto sa harap ng pinto niya. Naiwan sa baba si Brianna at ako na ang pinaakyat. Naalala ko tuloy ang nangyari no'ng sabado.


"Oo. Nakita ko."


Kinabahan ako nang maramdaman ang lungkot at pagkagulo sa emosyon niya.


"Anong nangyari?" tanong ko.


Imbis na sumagot, umiling lang siya at nagsimula nang maglakad. Nagkatinginan kami ni Brianna bago sumunod sa kaniya.


Wala na siyang nabanggit tungkol doon simula no'ng araw na 'yon. Halos buong araw siyang nanatili sa kwarto niya, lalabas lang para kumain. Kinakausap kami pero halatang matamlay, at nakatulala lang sa kawalan. Hindi na lang din namin pinilit ni Brianna na magkwento. Sasabihin naman niya sa'min 'pag okay na siya eh.


Huminga ako nang malalim bago tinaas ang kamay ko at kumatok. "Bethany?"


Nang walang sumagot, dinikit ko ang tainga ko sa pinto. Narinig ko ang paggalaw niya at ang yabag sa loob kaya umayos ako ng pagkakatayo. Bumukas ang pinto at bumungad ang matamlay niyang mukha. Nangingitim ang ilalim ng mata at halatang kulang sa tulog.


"Saglit lang," usal niya saka pumasok sa loob. Kinuha niya ang bag sa ibabaw ng study table saka bumalik sa'kin. "Tara."


Hindi ako kumilos at nanatili lang na nakatayo sa harap niya. "Okay ka lang ba?"


Tumigil siya sa kinatatayuan, sumandal sa pintuan saka napayakap sa sarili. Huminga siya nang malalim saka tumango at tiningnan ako. "Okay lang." Hinawakan niya ako sa balikat saka ako nilagpasan.


Hindi. Hindi siya okay.


Napabuntong-hininga ako bago sumunod sa baba. Nanatili lang ako sa likod niya.


Pinasadahan siya ng tingin ni Brianna na hindi kumilos at nanatiling nakaupo sa sofa. "Kung hindi mo pa kaya, pwede namang hindi muna tayo pumasok."


Umupo sa harap niya si Bethany na agad siyang inilingan. Nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa kaniya.


Bakas ang pag-aalala sa'min nang manatili siyang tahimik at muli na namang napatulala sa kawalan. Ramdam ko ang guilt at lungkot sa kaniya, naguguluhan siya at hindi makapaniwala. Napahilamos siya gamit ang mga palad.


"Hindi ako pwedeng mapalapit kay Tune," pagbasag niya sa katahimikan.


Bumakas ang pagtataka sa'min, saglit pang napatingin sa'kin si Brianna.


"Two years. Two years bago mangyari ang nakita ko. Magkasama kami, at hindi ko kayo nakita."

Gifted with Curses (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora