Curse 9

778 51 9
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


Tahimik lang kaming tatlo habang naglalakad pauwi. Hindi ko na muna sinabi sa kanila ang kakaibang nangyari kanina. 'Yong tungkol sa aura ng babae kanina at sa naramdaman ko nang madikit ako ro'n. Ngayon lang nangyari 'yon kaya maski ako ay naguguluhan. Ramdam ko pa rin ang paninikip ng dibdib at sobrang lungkot. Napahawak ako sa kaliwang palapulsuhan ko nang mapagtantong nararamdaman ko pa rin ang mahahapding linya ro'n na hindi ko naman nakikita.


Ano bang nangyayari sa'kin?


Tumigil si Bethany sa paglalakad kaya napansin kong nasa tapat na kami ng apartment.


Yumuko siya saka kinuha ang stuffed animal sa paanan niya. Nakangiti niyang tiningnan ang batang nasa tapat niya saka inabot ang laruan na agad tinanggap ng bata. Hindi nakalagpas sa mata ko ang pagdikit ng balat nila. Malakas na napasinghap si Bethany kasabay ng pagtalikod ng bata at pagtakbo paalis.


Mabilis naming hinawakan ni Brianna si Bethany nang muntik na siyang matumba. Naramdaman ko ang panginginig niya.


Shit.


Nag-aalala ko siyang tiningnan sa mukha. Nanatiling nakapikit nang madiin ang mata niya habang natatakot na tinakpan ang mga tainga.


"Anong nangyayari sa'yo? Bethany. Hoy, Bethany," nagpapanic kong pagtawag pero patuloy niyang tinatakpan ang mga tainga. Nanginginig pa rin siya.


Mahina kong tinapik-tapik ang pisngi niya habang nakaalalay pa rin sa kaniya si Brianna.


"Beth, okay ka lang ba? Anong nangyayari?" Hinawakan siya ni Brianna sa balikat niya.


Nakita kong namamasa ang mga mata niya nang sa wakas ay dumilat na siya. Nanginginig niya kaming tiningnan. Agad namin siyang pinasok ni Brianna saka inupo sa sofa. Malalim ang paghinga niya at namumutla ang mukha.


Inabutan siya ng tubig ni Brianna na mabilis niyang ininom. Muli siyang napapikit saka napahilamos gamit ang mga palad.


"Ano bang nangyari?" tanong ko.


Humugot siya ng malalim na hininga bago ako harapin.


"Kanina..." Nagsalubong ang kilay niya habang inaalala ang nangyari sa kaniya. "Para akong nakulong sa vision ko. Habang nakikita ko kung paano mamamatay 'yong bata, parang nando'n mismo ako sa pinangyarihan, nagtagal ako ro'n habang pinanonood ang buong nangyari." Napakagat siya sa labi at bumakas ang naguguluhang ekspresyon sa mukha. "Hindi ko alam kung paano. Ngayon lang nangyari 'yon. Ramdam na ramdam ko lahat ng naramdaman no'ng bata." Muli siyang napapikit na para bang nakikita na naman niya ang nasaksihan kanina. "Pero ang kinatatakot ko... tumagal 'yong vision. Para akong nakulong sa isang bangungot."


Natahimik kami. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nangyari sa'kin pero pinili ko na lang na itago muna. Bakas sa kaniya na naguguluhan siya. Binabagabag at natatakot. Ayokong dumagdag pa.

Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now