Curse 4

910 45 10
                                    

BETHANY SUNSET


Sa pangatlong pagkakataon, narinig namin ulit ang paghikab ni Brittany. Nakasandal ang likod nito habang nakapikit ang mga mata.


"Mukhang panda," usal ni Brianna habang tinitingnan din ito.


Halata kasing wala siyang tulog. Maski kami, ilang beses nagising dahil sa mga sigaw niya kagabi. Binangungot siya sa mga nakita niya kahapon. Hindi pa ako makapaniwala nang sabihin niya sa'min ang totoong pagkatao ng bago naming guro. Pati si Brianna ay nagulat din, alam niyang masama ang guro nang maamoy niya ang kaluluwa nito pero hindi niya akalaing gano'n kalala ang kasalanang ginawa nito.


Ayaw pa ngang pumasok ni Brittany ngayon dahil hindi niya gustong makasama sa iisang silid ang kriminal naming guro. Pero hindi naman pwede.


Kinusot niya ang mata niya saka mahinang sinampal ang sarili. "Kailan ba ako makatutulog nang maayos?" tanong niya saka pumadyak-padyak.


'Yon ang lagi naming tanong, kailan ba kami makatutulog nang maayos? Minsan, makitutulog sa'min si Brianna dahil sa mga kaluluwang ginugulo siya. Ang hirap.


Hanggang sa magsimula ang klase, lutang pa rin si Brittany. Nakatulala lang sa harap at ilang beses na humihikab. Nahuli ko pa nga siya kanina na muntik nang makatulog. Nagawa na niya noon 'yan, nakatulog siya dati at pinagalitan lang siya. Nakatayo tuloy siya hanggang sa matapos ang oras ng subject na 'yon.




"Pwede bang matulog na lang sa room?"


"Hindi pwede. Hindi ka na nga kumain kaninang umaga tapos hindi ka rin kakain ngayon," saad ni Brianna habang kapit namin si Brittany sa magkabilang braso papuntang cafeteria.


"O kaya, uuwi na lang ako. Madali lang namang umarteng masama ang pakiramdam ko."


Mas lalo kaming umiling sa naisip niya. Agad kaming umupo sa usual spot namin, wala siyang nagawa nang siya ang utusan naming bumili. Kailangan niyang kumilos para naman mawala ang antok niya.


"Ayo!" Napaikot ang mata ko nang biglang makiupo si Tune. Ngumiti siya nang malapad sa'min.


"Nasaan mga pinsan mo?" tanong ni Brianna sa kaniya.


Panggulo na nga ang isang 'to tapos hahanapin niya pa ang mga 'yon.


"Sila na ang pinabili ko," sagot niya saka sinulyapan ang direksyon kung nasaan ang dalawang pinsan. "Naro'n din pala si Brittany eh. Bakit ba kanina pa mukhang lutang 'yon?"


Natawa si Brianna. "Walang tulog kasi 'yon."


Pasimple ko siyang siniko. Baka mamaya, kung ano ang masabi niya sa lokong 'to.


Kumunot ang noo ni Tune. "Bakit walang tulog? Hindi naman marami ang assignments natin ah?"

Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now